Chapter 2

3445 Words
“ATE, madalas siyang tumatambay sa isang coffee shop malapit lang sa building ng Montejo Group. Ngayon, nandoon si Blaine Montejo at may mga kausap. Send ko sa’yo mamaya ‘yong iba pang information na nakuha ko,” sabi ni Jelai sa kanya mula sa kabilang linya. Si Jelai ay informant ni Luna. She was a victim of prostitution at the age of thirteen. Ang sariling ina nito mismo ang nagbenta sa anak. Mula noon ay sapilitan na itong nagtrabaho sa bar sa kabila ng murang edad. Isa sa naging subject ni Luna ang may-ari ng bar. Pinatay niya ito at nakita ni Jelai ang kanyang ginawa. Ngunit sa halip na matakot, sinundan siya nito at hindi na humiwalay pa. Mula noon ay kinupkop na niya ang dalagita at siya na ang nagpapa-aral. Dahil sa naging trabaho nito, naging gala sa siyudad si Jelai. Kaya naman nagprisinta ito na maging informant niya. Noong una ay hindi siya pumayag ngunit sa huli ay napatunayan nito ang galing sa pag-iimbestiga. “Sige. Umuwi ka na. Mag-iingat ka, ha?” “Oo, ‘te.” Pinindot ni Luna ang end call button saka muling sinilid ang phone sa bulsa kanyang pantalon. Matapos mapag-aralan ang profile ni Blaine Montejo. She decided to take a closer look of her subject. Gusto ni Luna na handa siya sa pormal nilang paghaharap. Gusto niyang mapag-aralan ang bawat kilos nito. Gamit ang kanyang big bike, nagmaneho si Luna papunta sa binanggit ni Jelai na coffee shop kung saan naroon sa mga sandaling iyon si Blaine Montejo. She wears her usual outfit. A pair of jeans, white pair of high cut converse shoes, white top and her jacket. Dinala din niya ang laptop para props. Halos kinse minutos din ang kanyang biyahe bago nakarating sa coffee shop. Dalawa ang misyon ni Luna sa araw na iyon. Una, ang mapag-aralan ang bawat kilos ni Blaine. Pangalawa, ang makuha ang atensiyon nito. Palapit pa lang siya sa coffee shop nang mamataan agad niya ang pakay. Para naman nakikiayon sa kanya ang pagkakataon dahil ang bakante sa parking space ay sa mismong tapat ng mesa kung saan may mga kausap ito. Nang iparada ni Luna ang kanyang big bike ay agad napalingon sa kanya si Blaine. Nang hubarin niya ang suot na helmet doon siya tumingin dito. He’s looking at her. Ngunit mabilis din siyang bumawi ng tingin. Dala ang kanyang backpack, pumasok siya sa loob ng coffee shop at pumwesto sa mesa di kalayaun kung saan alam niyang nakikita siya ng lalaki. Nilapag niya ang backpack sa isang bakanteng silya saka hinubad ang jacket. Matapos iyon ay saka siya pumunta sa counter at nag-order. Sa bawat kilos ni Luna, nararamdaman niya ang pagsunod ng tingin ni Blaine sa kanya. “One caramel macchiato with two shots of espresso,” sabi niya sa kahera. Matapos bayaran ang order ay bumalik na siya agad sa kanyang puwesto. Hindi pa man din siya nagtatagal na nakaupo nang matanggap ang tawag ng kanyang Commander. Huminga siya ng malalim. “Sir,” mahina ang boses na bungad niya pagsagot. “Nasaan ka?” “Nasa labas po.” “Kumusta na ang paghahanda mo sa nalalapit mong misyon?” “Nandito po ako sa isang coffee shop. I decided to take a closer look on the subject. Nang sa ganoon ay mas mapag-aralan ko siya.” “You have few days left to do that. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mahahalata,” bilin pa nito. Huminga siya ng malalim. “You know how I work, Sir.” “Just a reminder. Anyway, report to me later at fifteen hundred hours,” sabi pa nito. “Yes, Sir.” Nang matapos makipag-usap ay siyang tawag naman sa kanyang pangalan ng crew ng coffee shop. “Miss Ysabel!” malakas ang boses na tawag nito. Agad tumayo si Luna at inabot ang resibo sa crew, nang makuha ang order ay saka siya bumalik sa puwesto. Ysabel Jimenez to be exact. Isa sa kanyang mga fake identity tuwing nasa undercover mission siya. Nagkunwari si Luna na busy sa ginagawa sa laptop ngunit ang tenga niya ay isangdaan porsiyentong bukas na nakikinig sa kabilang mesa. “You know me, Sir. I always mean business,” narinig niyang wika ni Blaine sa isa sa kasama nito sa mesa. “Inaasahan namin ang suporta ng Montejo Group sa mga darating na araw,” sabi naman ng isa. “Don’t worry, Sir. Wala tayong pag-uusapan diyan, dating gawi.” Binuksan ni Luna ang file na pinadala ni Jelai. Bahagya niyang siningkitan ang mga mata at nilapit ang monitor ng laptop para mabasa ng mabuti ang nakalagay doon. It says Montejo Group gives financial support to some politicians. Ang kapalit ng tulong pinansiyal na iyon ay ang proteksiyon sa mga illegal na aktibidad ng organisasyon laban sa mata ng mga alagad ng batas. Kung ikukumpara ni Luna ang nabasa niyang impormasyon sa kanyang narinig ngayon, possible na totoo ang intelligence report na natanggap nila. “We’ll see you in the meeting,” sabi pa ni Blaine. “Sure, we’ll be there.” Ilang sandali pa ay isa-isa nang nag-alisan ang mga kausap nito. Nakiramdam ni Luna nang maiwan mag-isa si Blaine. Nagkunwari siyang nagta-type sa laptop habang paunti-unting iniinom ang kape. Mabilis kumilos ang mga mata niya nang biglang tumayo si Blaine at nagpunta sa cashier. Ngunit nawala sa totoong misyon ang kanyang atensiyon nang mapansin ang isang lalaki na umaaligid sa mesa ni Blaine. At habang nakatalikod si Blaine, pasimpleng kinuha ng lalaki ang cellphone ng binata na naiwan nito sa ibabaw ng mesa. Bigla siyang tumikhim at agad na tumayo saka nilapitan ang isang crew. “Excuse me, puwede bang pakitignan sandali ang gamit ko? May hahabulin lang ako,” sabi niya. “Sige po, Ma’am.” “Thank you,” sagot niya saka matipid na ngiti. Kalmado siyang naglakad at bago pa siya makalabas, dinampot niya ng mabilis ang isang breadknife sa mesa ni Blaine. Pagkatapos ay mabilis na tumakbo at hinabol ang lalaking kumuha ng phone. Naabutan ni Luna ang lalaki na kalmadong naglalakad na tila ba inakala nito na walang nakakita sa ginawa. Habang walang masyadong tao biglang binato ni Luna ang breadknife na hawak. Ganoon na lang ang sigaw ng lalaking nagnakaw ng phone ni Blaine ng tumusok ang breadknife sa kamay nito. Nabitiwan nito ng wala sa oras ang phone. Nagulat ang mga tao nang bumagsak ito habang nagsisigaw at umiiyak. “’Yong kamay ko!” Nang makalapit ay hinablot ni Luna ang kuwelyo ng suot nitong shirt at puwersahan na hinila patayo ang lalaki. Pagkatapos ay dinampot niya ang cellphone. Gulat na lumingon sa kanya ang lalaki na tila gulat na gulat. “Anong akala mo walang nakakita sa ginawa mo?” tanong pa niya. “Ma’am… sorry na po, please… patawarin n’yo na ako!” pagmamakaawa nito. Hindi pinakinggan ni Luna ang pakiusap ng lalaki. Sa halip ay kinaladkad niya ito pabalik sa coffee shop. Pagbalik nila ay namataan niya na mayroon nang komosyon sa labas ng coffee shop. Mayamaya ay lumingon sa kanya ang mga tao lalo na si Blaine at tinuro siya. “Hindi ko na po uulitin, patawad po!” umiiyak na pakiusap ng lalaking magnanakaw. Nang makalapit sila ay lumingon si Luna sa lalaki nang walang ekspresyon sa mukha. Tinulak pa niya ito kaya’t napaluhod sa harap ni Blaine. Nagtatakang napatingin ito sa kanya. Kinuha niya ang phone nito at inabot. “Don’t leave your things unattended, Sir. Maraming masamang loob ang nakakalat sa paligid,” sabi niya na blangko ang ekspresyon sa mukha. “T-Thank you.” Tatalikod na dapat siya nang may biglang maalala. Muli siyang humarap sa magnanakaw at walang babala na biglang hinugot ang breadknife na nakatusok pa sa kamay nito. Napasigaw sa sakit ang lalaki ngunit walang kahit anong awa siyang naramdaman dito. “Tumawag kayo ng pulis,” sabi niya sa crew ng coffee shop sabay abot ng breadknife sa crew. “At itapon n’yo na ‘yan breadknife na ‘yan,” pahabol niya pa. Bumalik siya sa loob at kinuha na ang mga gamit niya. Pagkatapos ay agad din siyang lumabas. Pasakay na siya sa kanyang motor nang mapalingon kay Blaine na hanggang sa mga sandaling iyon ay nakatingin pa rin sa kanya. PAGPASOK ni Luna sa pribadong opisina ni Commander Asterio ay agad siyang sumaludo. Nadatnan niya doon si Lani at Arnel. Mayamaya ay sumunod na pumasok ay isa pang staff ng USO. “Kumusta ang pag-iimbestiga ninyo?” tanong ng kanilang Commander. “Ayos naman, Sir.” “Ready na po kami,” sagot ni Lani. “How about you, Madrigal?” “I haven’t done much, Sir. I need few more days to study about Blaine Montejo,” sagot niya. “Ginawa mo ba ang sinabi ko kanina sa’yo?” “Opo.” “Very well.” “Sundan mo lang siya. Pag-aralan mo ang mga kilos niya, kahit ang mga lugar na pinupuntahan nila.” “Yes, Sir.” “By the way, this is the device that you will use during the undercover mission,” sabi pa ni Commander Asterio. Nilapag sa harapan nila ang ilang gadgets. Isang brooch na micro camera. Isang smart watch na magsisilbi nilang phone para tawagan ang isa’t isa na may kapareha na maliit na piece. Bukod doon ay may burner phone sila para magamit sa pagpapadala ng text message. “Get one each. And this is your identifications. Nakahanda na ang data base, kung sakaling may mag-research tungkol sa inyo. Ang fake information na nariyan ang lalabas.” As expected, her name will be Ysabel Jimenez. “Starting on Monday, iyan na ang mga pangalan n’yo.” “Yes, Sir.” Lumipad sa kanya ang tingin ng kanilang Commander. “This is another big responsibility for you, Luna. Umaasa ang buong organisasyon na magtatagumpay tayo. Kailangan natin mabuwagan ang mafia organizations sa bansa. Utos mismo ‘yan mula sa itaas at sa’yo nakasalalay ang lahat,” seryoso na sabi nito. Luna felt the heaviness of your new mission. Ito ang unang beses na mag-a-undercover siya sa isang malaking kompanya. Sa totoo lang, may munting kaba siyang nararamdaman. Ngunit sa klase ng kanyang trabaho, walang lugar ang takot o nerbiyos. All she has to do is obey. “Makakaasa kayo, Sir. Hindi ko kayo bibiguin.” PINAGPATULOY ni Luna ang lihim na pagsunod kay Blaine Montejo mula sa bahay nito hanggang sa opisina at maging sa mga ginagawa nito sa labas ng kompanya. At sa loob ng isang linggo na pagmamatyag, nalaman niya ang routine nito. Blaine goes to work at eight in the morning. Aalis ito sa opisina para sa mga iba’t ibang meetings pagdating ng tanghali. Minsan ay inaabot na ito ng hapon sa labas at hindi na nakakabalik sa opisina. May mga pagkakataon naman na bumabalik ito kahit hapon na at gabi na umuuwi. Kapag walang overtime, may mga araw na mula sa opisina ay dederetso ito sa isang luma at saradong warehouse. O kaya naman ay sa isang bar. On weekends he plays basketball in the morning and stays at home most of the time. Napabuntong-hininga si Luna habang binabasa ang profile ni Blaine Montejo. “Just what kind of a person are you?” tanong pa niya habang nakatingin sa larawan ng lalaki sa monitor. Ngayon araw na ang opisyal na simula ng kanyang misyon. Pasikat pa lang ang haring araw ay gising na si Luna. Alas-otso ng umaga eksakto ay magrereport na siya sa opisina ni Blaine. Madalas ay palagi siyang handa ilang araw pa lamang bago simulan ang isang undercover mission. Ngunit ngayon tila ba sa kabila ng kanyang paghahanda, tila hindi pa rin buo ang loob na gawin ang misyon. But Luna’s job is to take orders from her superior and do it without question. Huminga siya ng malalim bago sinipat ang sariling repleksiyon sa salamin. She is wearing a pair of black tight jeans, a white top, and a pair of high cut black boots. She wears a gun holster around her shoulder and a knife holster on her waist. Pagkatapos ay tinago ang mga iyon sa pamamagitan ng pagsuot ng isang jacket. Nakasuot na rin ang mga secret device nila. Ang micro cam, earpiece, at ang smart watch. Sinadya niyang ibagsak ang buhok sa kanyang balikat at naglagay ng kaunting make-up. Nakahanda na rin ang iba pa niyang gamit. Isa pa sa malaking pagkakaiba ng misyon na iyon sa iba pang nagawa ni Luna. She has to stay with Blaine Montejo twenty-four hours a day. Samakatuwid, doon siya maninirahan sa poder nito habang ginagawa ang undercover mission. Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng bahay at agad sumakay sa kotse saka agad umalis. Halos kulang tatlumpung minuto ang naging biyahe ni Luna papunta sa opisina ng Montejo Group. Bago bumaba ng sasakyan ay nag-report muna siya sa kanyang Commander. “I’m in the parking lot, Sir.” “Good. Pagdating mo sa lobby ay may susundo sa’yo. Si Lani at Arnel ay nariyan na rin sa loob.” “Okay, Sir.” Narinig niyang bumuntong-hininga ang Commander sa kabilang linya. “Agent Madrigal. I trust you.” “Thank you, Sir.” Nang makababa siya sa sasakyan ay agad siyang umakyat papunta sa lobby. At gaya ng sinabi ng Commander ay naroon nga ang isang lalaki na naghihintay sa kanya. Walang ano man salita ang lumabas sa kanilang bibig. Isang tingin at ngiti lang ay alam na ni Luna na ito ang tao ng USO doon sa Montejo Group. “By the way, I’m Jerome Tan.” Pasimple siyang sumulyap dito. “Nice to meet you,” matipid at walang ngiti na sagot niya. “Ysabel Jimenez, right?” “Yes.” “Nasa opisina na si Mr. Montejo at naghihintay. Huwag kang mag-alala. Mabait si Sir Blaine kumpara sa tatay niya. Tiyak na madaling mapapalagay ang loob mo,” sabi ni Jerome. “Okay.” Pagdating nila sa top floor ay nadatnan niya ang executive secretary sa labas ng pribadong opisina ni Blaine Montejo. Sa may pinto at nakatayo ang dalawang lalaki na nagbabantay. “Sheila, marami bang ginagawa si Sir?” tanong nito. “Mayroon pero hindi naman ganoon ka-busy.” “Sino ang nasa loob?” tanong ulit nito. “Sila Mario pa rin.” “Sige, salamat. Oo nga pala, si Ysabel Jimenez, siya ang bagong assistant ni Sir Blaine.” Magiliw na ngumiti sa kanya si Sheila. “Ay hello! Ang ganda ganda mo naman!” Tumikhim si Luna at pilit na gumanti ng ngiti. “Salamat.” “Oh, paano papasok na muna kami.” “Okay.” Ang isa sa dalawang lalaking nagbabantay sa pinto ang nagbukas niyon para sa kanila. “Sir Blaine, good morning po,” magalang na bungad ni Jerome pagpasok nito sa opisina. “Oh Jerome, narito ka na pala. Kasama mo na?” tanong nito. Lihim na huminga ng malalim si Luna. That voice. That very familiar manly and rustic voice. “Yes, Sir,” sagot nito sabay lingon sa kanya. “Pasok ka na.” Nang pumasok si Luna sa loob. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Blaine, maging ang mga apat na lalaking kasama nito sa loob na hula niya ay mga tauhan nito. Pawang nakasuot ng itim na amerikana ang mga ito. “Good morning, Sir. Ysabel Jimenez po,” pormal na bati niya. Umalis mula sa likod ng office desk niya si Blaine na tila hindi pa rin makapaniwala. “Kilala kita, ikaw ‘yong babae sa coffee shop. Iyong nagbalik ng phone ko,” sabi nito. “Ako nga po iyon,” sagot niya. Hindi makapaniwala na lumingon si Blaine kay Jerome. “Sandali lang, siya ang magiging right hand ko? Sigurado ka?” Nakaramdam ng pagkapikon si Luna. Pakiramdam niya ay minamaliit nito ang kakayahan niya. Tumikhim si Jerome at alanganin ngumiti sabay abot ng mga papel na nasa loob ng folder. Nakasulat doon ang pekeng impormasyon tungkol sa background niya bilang Ysabel Jimenez. “Sir, mukha lang talaga siyang pang-Miss Universe ang beauty ni Ysabel pero kayang gumilit ng leeg niyan in two seconds,” sagot ni Jerome. Nagulat ang lahat nang bigla niyang hinugot ang military knife niya at binato ng mabilis sa isa sa tauhan nito. Nag-landing iyon sa pagitan ng mga daliri nito sa kamay. Namutla ang lalaki. Pairap niyang binawi ang tingin mula kay Blaine at lumapit sa lalaki at kinuha ang kutsilyo. “Hmm… I like you. Sige, Jerome. I’ll take it from here. Salamat.” “Sige po,” sagot nito sabay tingin sa kanya. “Kung may kailangan ka sabihan mo lang ako.” Isang matipid na tango ang naging sagot niya. Lumingon si Blaine sa apat na lalaki. “Iwan n’yo muna kami,” sabi nito. Agad sumunod ang apat. Nang maiwan silang dalawa ay bumalik ito sa kinauupuan. Tumayo siya harap ng mesa habang nasa likod ang mga kamay. “You may seat,” wika nito sa kanya. “I’m okay, Sir,” pormal na sagot niya. Blaine chuckled. “Relax, Miss Jimenez. Hindi mo kailangan maging masyadong pormal.” “Pasensya na po, nasanay lang.” Bumuntong-hininga si Blaine. “Tama si Jerome, mukha kang pang-beauty queen. Paano ka napasok sa ganitong linya ng trabaho?” tanong nito habang binabasa ang profile niya. “Hmmm… ex-Military. Natanggal ka sa pagiging sundalo? Bakit?” “Someone tried to assault me, I almost killed the man. Nagkaroon ng areglo, hindi kami nagsampa ng kaso sa isa’t isa, ang kapalit kailangan ko umalis sa serbisyo.” “That’s unfair, ikaw ang biktima.” “Again Sir, I almost killed the man. Kaya ako ang nagmukhang masama. From there, I accept side jobs.” Binasa nito ang nakasulat sa papel. Mayamaya ay biglang sumeryoso ang mukha nito. “Do you have any idea about what will be your job here?” “To be your assistant, Sir. s***h bodyguard, I guess? Binigyan na po ako ng heads-up ni Jerome, nasabi niya na may mga pagbabanta sa buhay ninyo. That’s why your father ask him to find someone more than capable of protecting you.” Tumikhim ito at muling tumayo. Umikot ito sa harap ng mesa at bahagyang naupo sa edge ng mesa. “That’s right. The business world is deadly sometimes. Ang buong akala ko ay lalaki ang kukunin ng daddy ko, pero ngayon narito ka na, I don’t know what to feel to be honest. You’re too beautiful to be in this cruel world, Miss Jimenez. Well besides the fact that it will hurt my ego a bit as a man, that a woman as beautiful as you will protect me.” “Sinasabi ba nitong tukmol na ‘to na mahina ako dahil babae ako?” inis na tanong niya sa sarili. “With all due respect, Sir. Bago n’yo po sabihin na mukha akong mahina dahil babae ako, try me first and you’ll see I’m more than what you expect.” Huminga ito ng malalim. “Sige, makikita ko ‘yan sa mga susunod na araw. But please, bear with me. Ngayon lang ako magkakaroon ng tauhan na babae. I might mess up in the future,” sagot nito. “Mess up? Anong ibig sabihin nito?” tanong na naman sa kanyang isipan. “Ah also, about your accommodation. You’re supposed to stay in the dorm with the other guys, pero sa tingin ko hindi—” “Okay lang po ako doon sa dorm,” sabad ni Luna. Mabilis itong umiling. “Ah, no. Hindi puwede. Babae ka pa rin at puro lalaki sila doon sa dorm,” sabi nito pagkatapos ay nag-isip ng mabuti. Lihim na napangiti si Luna. She appreciates his consideration and keep her safety. “Siguro mas mabuti na sa akin ka muna tumira. Huwag kang mag-alala, may kasama kang babae doon, si Manang Tessie, siya iyong katiwala ko.” “Okay, Sir.” Mayamaya ay dinampot nito ang intercom. “Sheila, halika dito sandali.” Agad naman dumating doon ang sekretarya niya. “Show Miss Jimenez her table, pati na rin ‘yong mga gagawin niya.” “Okay, Sir.” “Halika, sumunod ka sa akin.” Marahan siyang tumango at agad sumunod kay Sheila. Ngunit bago makalabas ng opisina ni Blaine ay natigilan si Luna nang marinig na tinawag siyang muli ng binata. “Ysabel.” “Sir?” “I know I was supposed to say this earlier, but thank you for giving back my phone,” sabi nito. Matipid siyang ngumiti at marahan tumango. “You’re welcome, Sir,” sagot niya pagkatapos ay tuluyan nang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD