Chapter 1

2130 Words
“THIS is Phoenix. Mission accomplished, Sir.” “Very good. Return to headquarters immediately.” Binitiwan ni Luna ang kuwelyo ng taong hawak niya at bumagsak iyon sa sahig. She looks at the lifeless body without any bit of remorse. She just stared at that person blankly and started walking away. Mula doon sa bahay ng kanyang subject ay tumalon siya mula sa veranda sa second floor pababa bago umakyat ulit sa pader upang makalabas ng bakuran. Matapos iyon ay tila walang ano man na sumakay siya sa kanyang big bike at sinuot ang helmet. Bago pa man din i-start ang motor ay napalingon siya sa bahay na pinanggalingan at mula doon ay narinig niya ang malakas na sigaw. Then, she looks away and left. Halos kulang kinse minutos din ang kanyang biyahe bago nakabalik sa kanilang headquarters. Mula sa parking ay agad siyang pumasok sa opisina at dumiretso sa conference room. Naglingunan sa kanya ang mga kasama. Tinignan siya mula ulo hanggang paa. There are still blood stains all over her face and clothes. Her superior just chuckled and shook his head. “Your name is as calm as the moon, but your spirit is as high and fiery as phoenix,” sabi nito. “I’ll take that as a compliment,” sagot niya. Natawa lang ang kanyang superior na si Commander Asterio. Naupo siya sa bakanteng silya. “Luna is here, maaari na natin simulan,” sabi pa nito. Napakunot ang noo ni Luna nang mag-flash sa projector ang isang logo ng malaki at kilalang kompanya sa bansa. Katabi niyon ay ang larawan ng dalawang lalaki, isang mas bata at isa matanda. Sa kabilang gilid ng larawan ng dalawa ay ang isa pang logo. “This is the Montejo Group of Companies. Hawak nila ang iba’t ibang negosyo sa bansa. Name it, restaurant, malls, construction, real estate, etc. Lately, NBI received a tip from an anonymous that the Montejo Group holds the biggest mafia organization in the country. Itong anonymous na taong ito ay nagbigay sa atin ng tip ay nagpadala din ng ilang ebidensya na maaaring magpatunay na may illegal na transaksyon ang Montejo Group. But we need more solid evidence.” “Paano tayo nakakasiguro na legit ang tip n’ya?” tanong pa ni Luna. “NBI did some initial investigation. Totoo ang tip na natanggap nila at hindi basta ang nalaman nila. Malalaking pangalan sa iba’t ibang industriya ang konektado sa kaso na ito, may ilang politika, businessmen, at may ilan pang mga sikat na artista. This case is not as simple as you thought. Isang maling kilos at pumalpak itong undercover mission na ito, malalagay kayo sa kapahamakan.” Napaisip si Luna sa sinabi ng Commander. “Ang founder ng Montejo Group, si Don Benjamin Montejo. Ngayon ang nakaupo sa posisyon bilang CEO ay si Blaine Sebastian Montejo, na siyang pinaghihinalaan din na Leader ng grupo,” sabi pa ni Commander Asterio sabay turo sa larawan ng mas bata na lalaki at ito ang kanyang ama. Napalingon siya sa kasama niya na si Lani nang abutan siya ng maraming wet tissue. Kumuha siya niyon at pinunas sa kanyang mukha at damit para maalis ang dugo. “Mafia? Hindi ko alam na may mafia dito sa Pilipinas,” komento niya. “Marami, in fact, most of them are hiding behind these big corporations. Sa likod ng malaki nilang kompanya ay may ginagawa rin silang mga illegal. Sa katunayan, ang mga grupong ito ang kadalasan sumusuporta sa mga kumakandidatong mga politiko. Ang kapalit kapag nanalo sila ay proteksiyon sa grupo laban sa mga alagad ng batas para malaya nilang magawa ang mga illegal nilang negosyo. Pero nitong mga nakalipas na buwan. Sunod-sunod ang napapatay na mga pulitiko. Ayon pa sa natanggap namin na tip, ang mga biktima daw ay may koneksiyon sa Montejo Group. Mga nagkaroon ng atraso sa organisasyon at sa huli ay tinumba.” “Okay, given the fact that there really is a mafia group in the country. Anong gagawin natin?” tanong pa ni Dennis, isa rin sa kanyang mga kasama. “Kailangan natin makapasok sa loob ng Montejo Group.” “Undercover?” tanong ni Luna. Huminga ito ng malalim. “Yes, Luna, and you are the perfect person for this mission.” Naglingunan sa kanya ang mga kasamahan. “Bakit ako? Ang dami naman nila dito.” “Well, una sa lahat, na-assign na sila sa ibang mission. Pangalawa, maselan itong bagong kaso na hawak natin ngayon. Mafias are ruthless people. Ang kailangan natin sa loob ay ang taong kaya silang sabayan at labanan ano’t ano man ang mangyari. At wala akong ibang agent na maisip na bagay sa misyon na ito kung hindi ikaw.” Natahimik si Luna. “Marami na rin natatanggap na report ang PNP at NBI na gang war. Hindi basta pipitsugin na gang war. Kung hindi away sa pagitan ng dalawang magkalaban na organisasyon. Kailangan n’yong humanap sa kanila ng ebidensya na magpapatunay na bahagi sila ng mafia organization. Humanap kayo ng ebidensya ng mga illegal nilang negosyo, maging ebidensya na maaaring magkonekta sa kanila sa mga naganap na p*****n. Kapag nagawa na ninyo ang mga assignments n’yo, magkakaroon ng malawakan raid ang kapulisan. We have to stop these people for the sake of the safety and security of the civilians. Hindi natin alam, baka marami nang sibilyan ang nadadamay sa mga ginagawang illegal ng mga grupo na ‘to.” Mayamaya ay binigay sa kanila ng isang staff ang tablet. “Here are some of the information that you need about this new mission. Kung may tanong kayo, punta lang kayo sa akin.” Nang makuha ang tablet ay agad niyang pinag-aralan ang mga nakasulat doon. Tinitigan mabuti ni Luna ang larawan ng lalaking nagngangalan na Blaine Montejo. “May tao na tayo sa loob na tutulong sa inyo para makapasok tayo sa Montejo Group. Luna, ang makakasama mo sa loob ay si Lani at Arnel. Sila ang aalalay sa’yo pero madedestino sila sa ibang department para hindi kayo mahalata. Ikaw ang magiging kanan-kamay ng batang Montejo. Recently, he was ambushed on the way home. Magpapakilala ka doon bilang isang sundalo na natanggal sa serbisyo at ngayon ay isa nang professional assassin. Your job is to keep Blaine Montejo safe at all cost. Ang tangkang pang-aambush sa kanya, ayon sa ating intelligence report ay gawa iyon ng kalaban nilang grupo. Namatay sa isang engkwentro ang dati niyang kanan-kamay, kaya naghahanap sila ng kapalit.” “Baka mamaya hindi na ako makalabas ng buhay diyan,” sabi pa niya. Commander Asterio chuckled. “Ikaw pa? Eh takot ang bala sa’yo?” pabirong sagot nito. Natawa ang lahat habang napapailing na lang si Luna. “Kidding aside, Luna. You are the perfect man in this job. Bukod sa top-notch skills mo sa pakikipaglaban. Babae ka. You are beautiful. Makukuha mo ang atensiyon ni Blaine Montejo at mapapalapit ka sa kanya. Makukuha mo ang loob niya at kapag nangyari iyon, makakuha ka ng impormasyon sa kanya mismo.” “Wait, makukuha ko ang loob n’ya? You mean…” “Yes. Kunin mo ang puso niya. Make him fall for you. Hanggang sa makuha mo ang buong tiwala niya at sa huli ay siya mismo ang magsabi sa’yo kung ano ang totoong nangyayari sa likod ng Montejo Group of Companies.” Huminga ng malalim si Luna. “You know I’m good at killing people. But making someone to fall for me, ‘yan ang hindi ako sigurado, Sir,” sagot ni Luna. “I agree with her, Sir,” sabad ni Arnel. “Luna is a cold-blooded assassin. Eh manhid na ‘yan pati puso niya mas malamig at mas matigas pa sa yelo.” Nagtawanan ang mga kasama niya. Hindi sumagot si Luna dahil totoo naman ang sinabi ng kasama. How can she seduce a man when she doesn’t have an inch of feminine blood in her body? “Luna is beautiful. Kahit sinong lalaki, magkakagusto sa kanya kahit wala siyang gawin,” sabi pa ni Lani sabay lingon sa mga kasama nilang agent. “Kaya nga kayo nain-love sa kanya at nagtangkang manligaw eh. Ayun nga lang, hindi kayo umubra,” pambubuking pa nito. Natahimik ang mga kasama nilang lalaking agent. Lihim naman natawa si Luna at nakipag-high five kay Lani. “But still, Luna, you have to make this mission happen,” sabi naman ni Commander Asterio. “I will try my best, Sir,” sagot niya. “Don’t try, just give me your best as always.” “Yes, Sir!” MULA sa loob ng banyo ay lumabas siya habang marahan pinupunasan ang mukha. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Natigilan si Luna nang makita ang tablet. Naupo siya sa swivel chair at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang larawan kasama ng mga impormasyon tungkol kay Blaine Montejo. Tinitigan niya ang mukha nito at sinubukan pag-aralan iyon. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya at napailing. “Mukha ka naman mabait at hindi kayang pumatay kahit ng langaw, paano ka naging leader ng Mafia?” pagkausap niya sa larawan nito. Binaba niya ang tablet sa gilid ng mesa pagkatapos ay binuksan ang laptop at agad nag-search tungkol sa Montejo Group. Umangat ang tingin niya mula sa screen ng laptop nang may biglang kumatok sa pinto ng kanyang opisina. “Pasok,” sagot niya. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Lani. “Oh, akala ko umuwi ka na,” sabi pa niya. “Pauwi na naisip ko lang dumaan dito.” “Bakit? May problema ba?” “Wala naman. Kumustahin ko lang ‘yong lakad mo.” She smirked. “Ayos naman, nakita mo naman itsura ko kanina.” “Iyon palang latest mission natin, tingin mo kaya mo?” tanong pa nito. Kumunot ang kanyang noo. “Kilala mo ako, Lani. Hindi ako bumabalik dito nang hindi tapos ang mission ko.” “Ang ibig sabihin, kaya mo bang landiin si Blaine Montejo,” sabi nito pagkatapos ay kinuha ang tablet at hinarap sa kanya ang larawan ng lalaki. “Tignan mo nga ang mukhang ‘to, ang guwapo, mami! Baka sa halip na siya ang main-love sa’yo, ikaw ang main-love sa kanya.” Luna chuckled. “I’m not capable of that, you know that. Isa pa, siya ang main subject at suspect natin. Paano kung dumating iyong araw na iutos sa akin na i-eliminate siya?” Natawa si Lani. “Sabi ko lang naman ‘baka mamaya main-love’, ang layo agad narating ng isip mo.” Natigilan siya ng ilang saglit pagkatapos ay umiling. “Lumabas ka na nga ginugulo mo ako eh,” pabirong pagtataboy niya dito. “Sige na nga,” natatawang sagot ni Lani saka binalik ang tablet sa ibabaw ng mesa. “Pero seryoso, sana hindi totoo ang bintang sa kanya. Nakakapanghinayang na ang ganyang mukha ay gumagawa ng illegal,” sabi pa nito pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas. Hindi makapaniwala si Luna sa sinabi nito. Marahan na lang siya natawa at napailing. Pag-click niya ng main menu sa homepage ng Montejo Group. Natigilan si Luna at napatitig sa monitor nang bumungad ang larawan ni Blaine Montejo. “Sana nga…” mayamaya ay sabi niya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Luna Katrina Madrigal. Code name, Phoenix. Si Luna ang nag-iisang high-ranking secret agent at assassin ng Underground Secret Organization. Mula nang mamatay ang buo niyang pamilya noong bata pa siya, kinupkop at pinag-aral na siya ng pulis at asawa nito, sina Tatay Delfin at Nanay Hilda. Dahil walang anak ang mag-asawa, siya na ang tinuring na anak ng mga ito. Nang makatapos ng high school ay pumasok sa military camp si Luna. Mahirap man ay nagtiis siya hanggang sa makatapos. Halos dalawang taon pa lamang si Luna sa serbisyo bilang sundalo nang matanggap niya ang isang offer. When Luna graduated, she finished her studies with flying colors. She has an extraordinary skill in handling weapons. Luna is a snipper. Magaling din siyang humawak ng patalim. Isa rin siyang blackbelt sa Taekwondo. Para sa isang babae ay masyado siyang malakas at maliksi kumilos at lahat ng nakakalaban, kahit gaano kalaki ay kaya niyang patumbahin. When she fights, Luna fights without remorse and conscience. A hit man as what they call her. Daig pa niya ang pusa kapag kumikilos sa mga operasyon. Fearless. Merciless. Ang mga katangian na iyon ang naging daan para kay Luna na mapunta sa ilalim ng pangangalaga ng USO. Tinanggap niya ang alok na maging secret agent ng USO at kalaunan ay naging nag-iisang assassin doon. Kahit na marami silang agent, sa kanya pinagkakatiwala ang mga maseselan na misyon. Her job is to kill high-ranking criminals. Mga kriminal na mayayaman, iyong iba ay mga politiko, mga taong ginagamit ang pera at posisyon upang makatakas sa batas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD