“MORNING,” malambing na bati ni Blaine sa kanya nang magising ito at bumangon. “Morning,” sagot niya. Lumapit sa kanya ang nobyo pagkatapos ay yumakap ng mahigpit sa beywang niya. Bahagya siyang nakiliti nang halikan siya nito sa leeg. Nakaligo na kasi siya at kasalukuyan nagbo-blow dry na ng buhok. “You smell good,” bulong nito. “Thank you. Maligo ka na doon sa kuwarto mo, baka ma-late ka sa mga meeting mo,” sagot niya. “Okay. Wait for me downstairs.” Hinalikan pa siya nito sa pisngi bago tuluyan bumitaw. Eksaktong pagbukas nito ng pinto ay nadatnan nila si Manang Tessie at akma sanang kakatok. Agad bumakas ang gulat sa mukha nito at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. “Ang… ang akala ko maaga ka umalis. Hinahanap kita sa kuwarto mo eh. Huwag mo sabihin dito ka nat