ALAS-DOSE ng gabi. Habang nasa loob ng silid si Luna at nagpapahinga nang tumunog ang kanyang burner phone. Mabilis niyang dinampot iyon at binasa ang mensahe. “The subject was sighted five minutes ago at Red Dragon Bar. VIP Room 204.” Humigpit ang hawak niya sa phone. It was the location of Ramon Chua. Dali siyang nagbihis, mula ulo hanggang paa ay itim ang kanyang sinuot. Isang baril, silencer, at ang kanyang military knife ang dala ni Luna. Nagsuot siya ng itim din na baseball cap at nakasabit sa kanyang leeg ang rider mask. Bago lumabas ng kuwarto ay huminga muna siya ng malalim. Nang makalabas ng silid, huminto muna si Luna sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Blaine. “I’ll be back,” pagkausap niya sa binata sa kanyang isipan. Matapos ay tuluyan na siyang bumaba at nagawa niyang ma