HUMINGA lang ng malalim si Blaine matapos basahin ang dumating na imbitasyon. Nang lumingon kay Ysabel na nasa kabilng mesa ay nahuli niya itong nakatingin. “Ano ‘yan?” tanong nito. “Wanna read?” sa halip ay kanyang sagot. Dali itong tumayo at lumapit saka binasa ang imbitasyon. “Party?” Marahan tumango si Blaine. “Anong party ‘to?” tanong ulit ni Ysabel. “It’s a special private event organized by a Japanese Mafia. Sila ang pinakapuno ng mga organisasyon dito sa bansa. Ginaganap ‘yan isang beses sa isang taon. Parang sa mga rebelde at gobynerno, may peace talks. Parang ganoon din ang party na ‘yan. The goal is to talk about how the different organizations will work together to prevent gang wars, and of course business deals.” Tumango-tango ito at tila nag-isip pagkatapos ay