"TALAGA bang bato ang puso mo Paige pagdating sa mga UHB men?"
Umasim ang mukha ni Paige sa tanong na iyon ni Cath. Nakatambay sila ng hapong iyon sa sikat na snack house sa Pagbilao City, ang Pepper Dennis. Kilalang-kilala iyon dahil sa napakasarap na burger ng mga ito.
"Wala akong pakialam sa kanila. At matagal niyo na ring alam ang dahilan," aniya na muling napangiti ng matikman ang masarap na burger. "Hmm, ang sarap."
"Well, kamusta nga pala ang paglalagi mo sa library kanina?" Pag-iiba ni Jaffhine ng topic.
Biyernes ng araw na iyon. May apat na araw pa siyang bubunuin para matapos siya sa parusang ibinigay sa kanya ng strick nilang professor.
"Parusa. 'Wag ko lang talagang makikita ang babaeng tinamaan ng magaling na nanampal sa akin at naglaglag ng libro sa paa ko dahil baka hindi ko sila matantiya at pag-umpugin ko sila." Ikinuwento rin niya sa dalawang kaibigan ang nangyari sa library maliban sa pag-eksena rin ni Keigo Mori.
"Hush, may karma rin ang mga iyon," ani Cath na tinapik pa siya sa balikat niya. "Anyway, may naisip akong pusta para sa iyo, Paige."
May pagtatakang binalingan niya si Cath. "Sa akin? Kailan ka pa natuto ng ka-cheap-an na iyan, Cath?"
"Sa iyo nga," anito na bumulong kay Jaffhine bago siya muling tiningnan. "Seryoso ito, Paige. Walang halong biro."
Napailing siya. "Dami niyong alam. So what is it all about?"
Inilapit ni Cath ang mukha sa kanya. "Tungkol sa UHB men ang pustahan," ngumiti pa ito ng pilya. "Kay Keigo Mori to be exact."
Naiimposiblihang itinulak niya palayo ang mukha ng kaibigan. "Kay Keigo? No way."
"Yes way. And please stop that gesture, Paige. Napag-alaman kasi namin na si Keigo ang dahilan kung bakit ka sinampal ng babaeng nagngangalang Nica kahapon."
"Bakit si Keigo ang dahilan?" Na-curious siya sa bagay na iyon.
"Nagselos kasi 'yung babae ng makita ka niya na pangko ni Keigo papunta sa Sport Zone the last time na naglaro sila doon ng basketball. Bagay na hindi namin alam dahil wala kang ikinuwento."
"Wala lang 'yon. Kinailangan ko lang ang tulong niya dahil hindi ako tinigilan ni Stan. At isa pa ay labag iyon sa kalooban ng damuho na iyon. As if naman open arms niya akong tutulungan? Asa pa more."
Tumawa ang mga ito. "Okay, sabi mo, eh. Pero ang haba pa rin ng hair mo dahil pinangko ka ni fafa Keigo."
"Madali lang naman ang bet, Paige. 'Di ba sabi mo na kahit na kailan ay hindi ka magkakagusto sa kahit na sino mang member ng UHB?"
Tumango siya. "I don't like them."
Nagkatinginan lang sina Cath at Jaffhine bago nagkibit ng balikat. Nagpatuloy si Cath na siyang promotor ng pustahan. "Okay, dahil wala ka namang pakialam sa kanila sa totoong buhay kaya madali lang itong ipapagawa namin sa iyo. Kailangan mo lang namang papaniwalain si Keigo Mori na head over heels ka sa kanya."
Seryoso ba ang mga bruha niyang kaibigan? Tinawanan niya pagkuwan ang sinabi ni Cath. "That's so crazy, Cath. Asa naman kayo na mapaniwala ko ang kumag na iyon na gusto ko nga siya. That cold hearted guy? I don't think so. Eh, bato pa 'yon sa bato at ang sungit-sungit pa na akala mo, eh, kung sinong guwapo sa balat ng lupa."
"Kaya nga gagawin mo ang best mo para mapaniwala mo siya."
Napabuntong-hininga siya. Seryoso talaga sa kabaliwan ang dalawa niyang kaibigan.
"So, ano'ng prize?"
"Whatever you want, Paige. Basta magawa mo ang bet. At saka," pilya pang ngumiti si Jaffhine. "Kailangan mong halikan si Keigo. As in sa lips niya. And take note, dapat tugunin niya 'yung kiss. After that, the bet is over."
"Kailangan mo iyong gawin sa loob lang ng dalawang linggo. No more, no less."
Hindi yata nagustuhan ng tainga niya ang narinig. "Napakaimposible ninyong dalawa. Hello?! Alam niyong never been kiss pa itong labi ko tapos sasabihin niyo na kailangan ko pa siyang halikan? Suwerte naman yata niya masyado? 'Di bale na lang. Kayong dalawa na lang ang magpustahan tutal hindi na virgin ang mga labi ninyo. 'Wag niyo na akong idamay. Kilabutan nga kayo."
Maging siya ay kinilabutan sa isiping makikipaghalikan siya kay Keigo Mori for real. Ang masungit na lalaking iyon? Suwerte na nga nito na nahalikan niya ito sa gilid ng labi nito ng tulungan siya nito. Too much na kapag ang labi nito mismo ay hahalikan pa niya.
"Kailangan mong gawin, Paige. Ilabas mo ang actress side mo tutal napakagaling mong umarte," inalog-alog pa ni Cath ang balikat niya. "Sige na kasi."
"Minsan lang naman tayong magkatuwaan at gusto lang naming malaman kung magkakareaksiyon si Keigo pagdating sa isang babae after five years na hindi siya nagkaroon ng girlfriend," nakalabi pang sabi ni Jaffhine.
"Pero serious matter ang halikan ko siya," apila pa rin niya.
Napabuntong-hininga ang dalawa niyang kaibigan at nanahimik na lang. Napailing tuloy siya.
"Okay, guys, you win," pagsuko niya. Kagaya ng inaasahan niya ay tuwang-tuwa ang dalawa na dinumog siya ng yakap. "Kailan ba magsisimula?"
"This coming Monday, Paige. So you better get ready and say good bye to your virgin lips."
"We will see kung hindi ka nga talaga maaapektuhan sa charm ng UHB men," nakakaloko pa ang ngiting sumilay sa labi ni Cath.
Napaingos na lang siya. "Bakit ba ako nagkaroon ng dalawang baliw na kaibigan?" Itinuon na lang niyang muli ang atensiyon sa pagkain ng burger.
Pero ang pustahang iyon ang siya namang nagpapagulo ngayon sa isipan niya.