ARAW ng Lunes ng simulan ni Paige ang oplan paniwalain si Keigo Mori na head over heels siya rito. Inihanda na rin niya ang sarili dahil siguradong magmumukha siyang engot sa harap ng UHB men. Lalong-lalo na kay Keigo Mori, ang punterya niya sa pitong magkakaibigan. Hindi niya sigurado kung magagampanan niya ng maayos ang role niya bilang patay na patay kay Keigo lalo na at hindi naman niya ito totoong gusto. Pero gagawin pa rin niya ang best niya para kapag nagawa niya ng maayos ang pustahang iyon ay sisiguraduhin niyang sulit ang mapapanalunan niya mula sa dalawa niyang kaibigan. Sa ngayon ay hindi pa niya naiisip kung ano ang magandang premyo para sa nalalapit niyang tagumpay. Alas tres ng hapon ng matapos ang last subject ni Paige kaya isinagawa na agad niya ang balak. Pinuntahan niy