HUWEBES na ng makapasok sa Mori High University si Paige dahil na rin sa na-sprain niyang paa.
Magla-lunch break na sana sina Paige ng biglang may humarang na babae sa dinaraanan niya at basta na lang siyang sinampal.
"Ang landi mo rin naman talaga ano? Kunwari ayaw sa mga lalaki pero ang totoo ay nasa loob lang pala ang kulo mo."
Bahagya niyang hinimas ang nasaktang pisngi. No one dare to slap her like that. Lamok nga hirapang makalapit sa kanya tapos ang babaeng ito ay napakalakas ng loob para kantiin siya. Nagkamali ito ng sinaktan.
Pagbaling na pagbaling niya sa atribidang babae ay ubod lakas din niya itong sinampal. Singhapan ang mga nakasaksi sa lakas ng sampal niya na halos ikinatulig din ng babae na muntikan pang mawalan ng balanse.
"Wala kang karapatan para palapatin ang madumi mong kamay sa mukha ko. You b***h," gigil at mariin niyang saad.
Sina Cath at Jaffhine naman ay mabilis ng umawat sa kanya.
"Malandi ka kasi!"
"Aba't! Ano bang pinaglalaban mo?" Akmang sisikmatin niya ang babae ng pumagitna sa kanila ang dumaang professor na super strick sa kanilang department.
"Anong kaguluhan ito?"
Agad namang nagdrama ang babae sa harap ng professor. "Ma'am, she slap my face," itinuro pa siya nito.
"Mrs. Pabellano, nauna po siya. Pinagtanggol ko lang po ang sarili ko. Maraming nakakita na basta na lang niya ako sinampal ng walang rason. 'Di ba?" Baling niya sa mga naroon.
"No!" Tanggi pa rin ng babae.
"Mrs. Pabellano, hindi po talaga si Paige ang nauna. Basta na lang po siya sinampal ng babaeng 'yan," singit ni Cath.
"Dahil parehas kayong nagtuturuan kaya wala akong kakampihan. Both of you, kung ayaw ninyong ma-grounded for one week ay may kalalagyan kayong dalawa."
"But, Mrs. Pabellano–"
"Sumama kayong dalawa sa akin. Hindi por que mga rich kid kayo ay kalilimutan niyo ang GMRC." Final na sabi ng professor bago sila iniwan sa naturang pasilyo.
Matalim niyang tiningnan ang babaeng may kagagawan ng lahat. "Kung ano man ang dahilan mo kaya mo ako sinampal, sigurado akong naiinggit ka lang sa akin." One more sharp and deadly look bago niya ito tinalikuran.
"How dare you!"
"Girls!" Malakas na tawag ng prof.
Taas noo na sumunod na siya sa professor kasama ang dalawa niyang kaibigan.
"Ang kapal ng babaeng 'yon," gigil pang sabi ni Jaffhine.
Hinawakan ni Paige ang nasaktang pisngi at bahagyang ngumawa-ngawa. "Crazy bitch."
"Kung hindi lang agad dumating si Mrs. Pabellano ay sigurado akong makakatikim siya ng tilos ng bago kong manicure na kuku."
"Tama na 'yan."
SAMBAKOL ang mukha ni Paige habang nagsasalansan ng mga libro sa napakalawak na library ng Mori High University. Siya ang ipinalagay roon ni Mrs. Pabellano para sa kaparusahan nila ng babaeng nanampal sa kanya. Ang babae namang iyon ay nasa Dean Office at nag-aayos ng sangkatutak na files.
Kahit paano ay mas pabor sa kanya ang library kaysa ang maglamay ng mga files.
"Hay, kung kasing ganda mo lang din ang palagi kong nakikita dito sa library, mas mapapadalas ako rito."
Nahinto sa ginagawang pagbabalik ng libro sa book shelves si Paige at binalingan ang nagsalita. It was Kienlee Scott, one of the most playboy in UHB men. Kasama nito si Wayne Monterey. Binaliwala lang niya ang mga ito pagkuwan ay ipinagpatuloy niyang muli ang ginagawa.
"'Wag ako ang buwisitin mo," pagtataray niya rito. Kaya pala dumarami ang tao sa library ay dahil naroon ang ilang miyembro ng UHB men.
"I'm just confuse you know. Nakakapagtaka lang na narito ka sa library at ginagawa ang gawain ng isang student assistant."
"Working student ka na pala ngayon, Paige Eseguel," segunda pa ni Wayne na nangingiti.
Napatingin siyang muli kay Wayne na kilala pala siya. Well, hindi na iyon kataka-taka dahil popular siya sa department nila. Pasimple pa niyang tiningnan kung kasama ng mga ito si Keigo. Ngunit wala ang binata kaya nakahinga siya ng maluwag. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-get over sa binigay niyang thank you kiss kay Keigo. Agad niyang ipinilig ang ulo. Erase erase erase. For sure hindi iyon big deal kay Keigo Mori. Kaya dapat kalimutan ko na.
"Hindi ako student what so ever sa library na ito kaya lubayan niyo akong dalawa dahil wala akong oras para sa inyo."
"You know what, pretty Paige?" ani Kienlee na halatang nakikipag-flirt sa kanya. Playboy nowadays, masyado kung mag-breezy moves.
"I don't know," pakli niya kay Kienlee. "Marami pa akong gagawin. So spare me, Mr. Playboy," tinalikuran na niya ang dalawa na natatawa na lang dahil sa pang-i-snob niya.
"She's like Johairah," ani Kienlee na iiling-iling na lang.
Tuloy-tuloy lang sa pagtutulak ng stroller si Paige ng tawagin siya ng isang student assistant na babae.
"Yes?" pormal niyang wika.
"Pakihanap ng librong ito," anito bago ibinigay sa kanya ang papel kung saan nakasulat ang librong hahanapin niya. "Nasa third floor 'yan. Pakihanap na lang sa dulo."
Napaawang ang labi niyang likas na mapupula. "What? Sa dulo pa?" Nasa third floor ang mga old books ng library at madalang ang naliligaw roon dahil medyo nakakatakot.
"Tama ang narinig mo. Hinihintay na 'yan ng gagamit kaya hanapin mo na. Good luck," kinindatan pa siya nito bago iniwan.
Naningkit lalo ang mga mata niya. "Duwag," gigil niyang bulong. For sure natatakot lang itong umakyat kaya naman siya ang inutusan nito. Wala na rin siyang nagawa pa kundi ang pumunta sa iniiwasang parte sa library.
Halos wala ring napapadpad na estudyante sa third floor dahil walang nangangahas. Kahit na nakakaramdam din ng pamamanglaw dahil sa mga naririnig na kuwento ng kababalaghan sa naturang palapag ay iwinaksi niya iyon para hindi panghinaan ng loob.
"Walang multo rito," pakanta-kanta pa niyang anas ng makarating sa third floor.
Mabilis niyang binasa ang title ng libro. Nasa bandang dulo nga iyon at sa kasamaang palad ay kailangan pa niyang gumamit ng hagdanan para makuha ang libro.
"Ang taas naman," reklamo niya bago kinuha ang nakitang hagdanan na nasa kabilang book shelves.
Pagkadala sa punteryang libro ay agad na rin siyang umakyat. Isang hakbang na lang sana niya sa baitang ng hagdan ng matapakan naman niya ang suot ng laylayan ng kanyang dress. Gilalas na napahawak siya sa mga libro doon at sa malas pa ay nangalaglag iyon. Mabuti na lang at hindi siya ang nalaglag.
"Muntik na," nakahinga siya ng maluwag. Pagkuwan ay bumaba uli siya ng hagdan para ayusin ang mga nangalaglag na libro. "Kapag minamalas nga naman," aniya ng isa-isang damputin ang mga nakakalat na libro.
"Dito ka pa talaga sa third floor nagkakalat ng mga libro."
Dahil sa pagsalakay ng takot dahil sa narinig na boses ay agad siyang napatili habang pikit na pikit ang mga mata. Mabilis ang ginawa niyang pagsa-sign of the cross. Mukhang totoo pa yata ang mga kuwento na may multo roon.
Napilitan lang siyang imulat ng bahagya ang mga mata ng makarinig ng pagtikhim. Slow motion pa ang ginawa niyang paglingon sa bandang likuran niya. Ganoon na lang ang paniningkit ng mga mata niya ng makita si Keigo Mori. Walking so tall and dangerously handsome.
"Pardon?"
"Nagkakalat ka," anito habang palapit sa kanyang kinaroroonan. Bumaba pa ang tingin nito sa mga librong nagkalat.
"I'm not!" She hiss. Mabilis niyang binalikan ang ginagawa ng mapadako ang tingin niya sa labi ni Keigo. Naalala niya ang ginawang paghalik dito. Ipinilig niya ang ulo. Walang meaning iyon.
"Really?"
"Ang yabang por que sila ang may ari ng school na ito. Tss," bulong pa niya.
"I heard that."
"Good. Ibig lang noong sabihin ay hindi ka bingi," pairap niyang sabi.
Kipit ang ilang libro na umakyat siya sa hagdan. Nang maiayos ang mga iyon sa book shelves ay muli siyang bumaba. Naroon pa rin si Keigo na nakatayo sa tapat niya habang pormal na nakatingin sa kanya.
"Don't tell me na guard ka na rin dito sa taas?" Tinaasan pa niya ito ng kilay.
Bago pa ito makapagsalita ay isang babaeng mestisa ang agad na umeksena.
"Nasaan na 'yung libro na pinapahanap ko? I need it right now."
Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ng babaeng ito. "Hey, Miss Whatever. Hindi ako utusan dito. Kaya kunin mo kung ano man ang librong kailangan mo." Inirapan pa niya ito bago muling dinampot ang tatlong natirang libro sa sahig.
"Aba't!" Magmamataray pa sana ito ng tila noon lang napansin na naroon si Keigo Mori. "K-Keigo, nariyan ka pala." Bigla ang paghinhin ng boses nito. Nagpa-cute na ang bruha kay Keigo. "I'm Bea," pagpapakilala pa nito na hindi man lamang itinago ang kilig sa kalingkingan.
"So cheap," nakaingos niyang anas bago umakyat sa hagdan. Pagkatabi sa natirang libro ay kinuha na niya ang librong pinapahanap sa kanya, na ang malanding babae pala ang may kailangan. Nang makababa sa hagdan ay pabagsak niya iyong inabot sa palad ng babae. "O, ayan na ang libro mo."
Agad nitong tiningnan ang gilid ng libro. "Hindi ito. I need volume three not volume two."
Dahil inihagis nito pabalik sa kanya ang libro ay hindi niya agad iyon nasalo kaya tuluyan iyong bumagsak sa kanyang paa.
"Ano ba?!" Galit na niyang apila. Si Keigo naman ay nakatingin lang sa kanila at tila walang balak na makisali. Kahit gusto na niyang ingudngod ang babae sa sahig ay pinigilan pa rin niya ang kanyang sarili. Kailangan niyang huminahon para hindi dumoble ang parusa niya. Pero ng makaakyat siyang muli sa hagdan ay tila sinapian siya ng masamang espirito. Pagkakuha sa librong nais ng babae ay sinadya pa niya iyong ihulog mula sa taas pabagsak sa paa ng babae. "Ops, I'm sorry. Nabitiwan ko." Nginitian pa niya ito ng nakakaloko.
"Damn you!" Nanggagalaiting wika ng babae bago hinila ang hagdan na tinatapakan niya.
Napatili na lang siya ng mawalan siya ng balanse at tuluyang mapabitaw sa kinakapitan. Mariin siyang napapikit at hinintay ang kanyang katapusan. Ngunit bago pa pagpiyestahan ng sahig ang kanyang katawan ay naramdaman na niya ang mga bisig na sumalo sa kanyang katawan.
"Women," inis na sabi ni Keigo. Binalingan nito si Bea na agad na napaatras.
"Gumanti lang naman ako sa kamalditahan niya," mabilis na apila ng babae na nakaramdam ng takot sa ipinukol na tingin ni Keigo rito.
"Do it again or else..."
"I-I'm s-sorry," nanginginig na sabi ni Bea bago nagmamadaling umalis.
Saka lang napamulat si Paige ng ibaba siya ni Keigo. Napatitig pa siya sa mukha nito, partikular sa singkit nitong mga mata na matalim kung makatitig. Iniligtas siya nito sa nagbabadyang kapahamakan sa pangalawang pagkakataon. Over na yata ang pagiging super hero nito sa buhay niya.
Napalunok siya bago dumistansiya rito. "S-Salamat," sabi pa rin niya. "Though, nagtataka ako kung bakit ka narito."
"It's none of your business," malamig nitong saad bago kinuha ang isang libro sa likuran niya at naglakad palayo.
"Sungit talaga."
Tumigil sa paglalakad si Keigo at bahagya siyang nilingon. "Aware ka ba sa babaeng gumagala rito na naka-all white?"
Ganoon na lang ang pagsasal ng t***k ng kanyang puso. "H-Hindi 'yon totoo."
Nagkibit balikat ito. "Who knows."
"T-Teka, sabay na tayong bumaba Keigo Mori. Ibabalik ko lang itong isang libro," pahabol niya rito.
"Lucky you," anito na binilisan pa lalo ang paglalakad.
Napamaang siya ng iwanan siya nito ng tuluyan. "Grrr, kainis kang heroides ka!" Gigil niyang bulong.