Chapter 02

1918 Words
"GIRLS, may lakad tayo tonight." Napatingin si Paige kay Jaffhine. "Saan naman?" "Sa Sport Zone near VEV Club House. Dahil mabilis na nag-trend sa twitter ang news about UHB men. Maglalaro sila ng basketball mamayang gabi. Oh, my gosh! I really can't wait it." "My gosh, what to wear?" Excited na sabi ni Cath. "Hmp. As if I care," pairap niyang sabi. "By the way I need to go. Bye, girls." Nakipagbeso-beso pa siya sa dalawa bago iniwan ang mga ito. "Paige, pauwi ka na?" As usual si Stan na naman iyon kaya hindi niya ito nilingon man lang. "If you don't mind ihahatid na kita pauwi." Inis na nilingon niya ito. "Bulag ka ba? O sadyang nagbubulag-bulagan lang? Palagi kong dala ang sasakyan ko kaya walang dahilan para abalahin ko pa ang sarili ko na makisabay sa kotse mo. And one more thing. Can you just leave me alone?" One more sharp stare then she turn her back to him. Nganga tuloy ito sa kamalditahan niya. Yes, bitchy siya minsan. Binilisan na niya ang paglalakad papunta sa naka-park niyang kotse. "He's so stupid. Paulit-ulit ng b-in-usted ang kulit-kulit pa rin. Motto ba niya ang try and try until he died? Tss. Sinabi ng I don't like him the way he like me. Pooh!" Maarte niyang litanya. Lalo pa siyang napasimangot ng makita ang mga girl student na hindi magkamayaw sa mga UHB men na sakay ng kanya-kanyang sports car. Pauwi na rin ang mga ito. Napaingos tuloy siya. Sumasakit lang ang bangs niya dahil sa tanawing iyon. KINAGABIHAN kahit na ayaw ni Paige na pumunta sa Sport Zone kung saan maglalaro ng basketball sina Keigo ay napilitan pa rin siyang pumunta dahil na rin sa kakulitan nina Jaffhine at Cath. Her bestfriend na hindi talaga siya tinantanan para manood ng naturang laro. "Ang dami namang tao," reklamo niya ng makitang puno ang Sport Zone. Most especially girls. Well, what's new? "Don't worry kasi naka-reserve na ang seats natin sa unahan," proud pang sabi ni Cath. "Ano bang oras magsisimula? Past eight na." "Ano ka ba Paige? Napaka-reklamadora mo talaga. Mag-start din 'yan. Just stay cool and pretty. Sayang ang dress mo na ikaw pa talaga ang nag-design kung ngayon pa lang bad trip ka na." Napangiti na siya sa sinabing iyon ni Jaffhine. "Of course, this is my creation." Tube dress iyon na kulay black na maganda ang pagkakatabas. Hanggang tuhod niya ang haba niyon at bagay na bagay sa maputi at makinis niyang kutis. Kaya naman hindi maiwasan na medyo agaw atensiyon siya. Marami ring naiinggit sa long legs niya na agaw eksena ngayon. "Oh, my gosh!" Bigla siyang napahinto sa paglalakad. "Oh, bakit?" Baling sa kanya ni Cath. Si Jaffhine naman ay abala sa paglingon-lingon. "I forgot my cellphone. Nasa kotse ko." Napaismid si Cath. "Iyon lang? Akala ko naman kung ano na. Okay, whatever. Bilisan mo na lang ang pagkuha ng cellphone mo then bumalik ka agad. Nasa tapat ng UHB team ang upuan natin." She roll her eyes. Pati ba naman uupuan nila ay kailangang nasa tapat pa ng UHB men? Pambihira talaga ang dalawa niyang kaibigan. "Pooh!" Hindi niya maiwasan na mapasimangot ng makalabas ng Sport Zone. Paano ba naman kasi ay nasa may parking lot ng Club House ang kotse niya dahil sobrang daming sasakyan sa parking ng Sport Zone. "Tama nga ako, narito ka nga ngayong gabi. At hindi ako nagkamali sa bagay na 'yon," ani Stan na bigla na lang sumulpot sa daraanan niya. "Hanggang dito ba naman?" Angil agad niya rito. "Common, Paige. Alam ko naman na gusto mo rin ako. Can you please stop acting as if you're not?" Napamaang siya sa kahanginan nito. "What? Me? Have a damn feeling for you? End of the world na ba ngayon? And can you please stop being so ilusyunado?!" Balak na sana niya itong lampasan ang kaso ay mabilis nitong nahagip ang braso niya. "Let me go!" She hiss. Ngumisi ito ng nakakaloko. "Kahit mag-wala ka. Wala namang makakapansin sa atin dito. If ever meron man then I'll tell them that it was only an LQ." "Mangilabot ka nga!" Pinilit niyang makawala sa mahigpit nitong pagkakahawak sa braso niya. Hindi niya ipinahalata rito na nakaramdam din siya ng takot sa maaari nitong gawin sa kanya. Lalo na at sinabi nito na walang makakapansin sa kanila. Nasa loob pa naman ng Sport Zone ang mga tao. Lihim siyang napalunok ng mapansin na kakaiba na ang titig nito sa kanya. Lalo na sa parteng dibdib niya. As if he's into drugs kaya nakakatakot ito. Nang hindi pa rin siya nito bitiwan ay tinuhod na niya ito sa pagitan ng hita nito. Napaluhod naman ito sa natamong sakit. Kaya naman kahit naka-heels siya ay tumakbo pa rin siya palayo rito. Pero ang hudyo at humabol pa rin sa kanya. Nagpalinga-linga siya. Malayo-layo pa ang entrance ng Club House. "Paige!" "Thanks God," bulalas niya ng may makitang lalaking matangkad na nakatalikod. Tumakbo agad siya palapit dito. Muntikan pa siyang madapa. "Kuya, I need your help," wika agad niya ng makalapit dito na kakasara lang sa pinto ng kotse nito. Hingal na hingal pa siya at animo pag-aari ang naturang kotse na basta na lang niya iyon binuksan at sumakay sa passenger seat para magtago. "Hey! What the... bumaba ka nga riyan!" Hindi niya pinansin ang iritadong boses ng may-ari ng sasakyan. Ang tanging gusto lang niya ay taguan si Stan. Palingon-lingon pa ang damuhong si Stan. "S-Sandali lang naman, Kuya. May humahabol lang sa akin." "You wasting my time. Out of my car now!" Napahinto siya sa paghingal. Pagkuwan ay unti-unting tiningnan ang nasa labas na lalaki na iritado na. At kung bakit sa dinami-rami ng lalaki sa Valle Encantado Village ay si Keigo Mori pa ang nalingunan niya. Ang masungit na myembro ng UHB men. "Paige!" Napakurap siya ng marinig ang pagtawag ni Stan sa pangalan niya. "Puwede ba labasin mo na ang boyfriend mo. Sinasayang mo ang oras ko." "Hindi ko siya-" "Ayokong mamuwersa ng babae." Parang sasabog tuloy ang dibdib niya sa pagkainis dito. Wala ng imik na bumaba siya sa kotse ni Keigo. Pabalibag pa niyang isinara iyon. "Hey, easy!" Galit pa nitong bulalas. "O, ayan bumaba na ako." "Then balikan mo na ang boyfriend mo." "Hindi ko nga siya boyfriend!" Agad niyang kinalma ang sarili ng maalalang kailangan niya ang tulong nito. Kailangan niyang makabalik sa Sport Zone at makalayo kay Stan. Pinalis na muna niya ang inis dahil sa kasungitan ni Keigo. "Okay. Baka naman puwedeng makisabay sa iyo pabalik sa Sport Zone?" Ni-lock muna ni Keigo ang sasakyan nito bago siya binalingan. Nakakunot-noo ito. "Way mo ba iyan para makipag-flirt?" Napamaang siya. Pinapatawa ba siya nito? "Me, flirting you? Nasisiraan ka ba?" "Then leave me alone," anito bago siya tinalikuran. "Napaka talaga ng lalaking iyon." Ngunit nang matanawan si Stan ay mabilis pa sa alas kuwatrong umagapay siya sa paglalakad ni Keigo. "Hintay lang naman," angil niya ng lalo nitong bilisan ang paglalakad. Nasuyod pa niya ng tingin ang tindigan ni Keigo Mori. Kahit likod pa lang nito ay kitang-kita na kung gaano ito kakisig. Alaga rin sa gym ang katawan nito kaya bukod sa kaguwapuhan ay hindi kataka-takang maraming nagkakandarapa rito. Pero ni minsan ay hindi siya bumilang sa mga nagkakandarapang iyon kahit na sa iba pa nitong kaibigan. Dahil sa bilis nitong maglakad kaya pinilit niyang humabol dito. Kung nakakamatay nga lang ang matalim niyang tingin ay kanina pa nakalugmok sa semento si Keigo. At dahil nakatuon ang tingin kay Keigo kaya hindi niya napansin ang bato sa dinaraanan niya. Natapilok tuloy siya. Napasinghap siya ng lumugmok siya sa semento. Maliban sa puwetan niyang nananakit ay naninigid din sa kirot ang kanyang bukong-bukong. Sinulyapan niya si Keigo. Diri-deretso pa rin ito sa paglalakad. Mangiyak-ngiyak na pinilit niyang tumayo mula sa pagkakalugmok sa semento para lang muling mapaupo. Nanghihinang napayuko siya. She felt so hopeless ng mga oras na iyon. "Nariyan ka lang pala, sweetie Paige." Napapikit siya ng mariin ng marinig ang boses ni Stan. Lord, help me out of here. Promise po kung sino man ang taong tutulong sa akin ay mahahalikan ko po talaga. Swear. "Tumakbo ka pa, eh, maaabutan din naman kita. Bakit kasi pinapagod mo pa ang sarili mo?" Nakangisi pang wika ni Stan ng lingunin niya ito. Pinilit niyang makatayo ngunit bago niya iyon magawa ay may umalalay na sa kanyang pagtayo. Aalma sana siya ngunit pag-angat niya ng tingin ay ang perpektong mukha ni Keigo ang nasilayan niya. Tumatama pa sa kanyang mukha ang suwabeng hininga nito ng bahagyang magkalapit ang mga mukha nila ng alalayan siya nito sa pagtayo. Akala ba niya ay nakalayo na ito? Bakit ngayon ay tinutulungan siya nito? Napakurap lang siya ng tapikin ni Stan sa balikat si Keigo. "Ako na ang bahala kay Paige, Keigo." "N-No." Ginawa niyang kaawa-awa ang mukha ng muling balingan si Keigo. "'Wag mo akong iiwanan sa lalaking 'yan." Tiningnan pa niya ng masama si Stan, na nakatiim bagang. Bago hinila si Keigo kahit iika-ika na siya para lang makalayo lang kay Stan. "Hoy, Keigo. 'Wag kang makialam sa amin ni Paige. Pabayaan mo na siya sa akin. May LQ lang kami kaya puwede ba leave her alone?" Habol pa rin ni Stan. Huminto si Keigo sa paglalakad at tiim ang bagang na binalingan siya. "So, may LQ pala kayo. Bakit kailangan mo pa akong abalahin?" Pati pagtitig nito ay matalim na. "Hindi ko siya boyfriend at 'wag kang makinig sa kasinungalingan ng damuhong iyan. Tulungan mo lang akong makabalik sa Sport Zone. Safe na ako roon." Pagkasabi niyon ay bahagya pa siyang napakagat labi dahil sumigid na naman ang kirot sa bukong-bukong niya. "P-Please." Tiningnan nito si Stan. "You, leave her alone." Iyon lang at wala ng imik pang pinangko siya ni Keigo bago muli ng nagpatuloy sa paglalakad. "I think I can walk," apila niya sa pagpangko sa kanya ni Keigo. "Tss. Talaga? Sa tingin ko ay hindi mo kaya. Dahil kung kaya mo nga talaga ay kanina ka pa sana nakatakbo pabalik sa Sport Zone," masungit nitong saad na deretso lang ang tingin sa daan. Lantaran siyang sumimangot dahil sa sinabi nito. Imbis na ikawit niya ang kamay sa may leeg nito kagaya sa mga napapanood niya ay humalukipkip na lang siya. But of course she owe him a lot dahil sa pagliligtas nito sa kanya. Bahagya siyang napapikit ng maalala ang hiling kanina sa Diyos. She sigh. Nang makarating sila sa may gilid ng Sport Zone ay nagpababa na siya roon kay Keigo. "Dito na lang ako." Walang imik na ibinaba siya nito. Tumikhim ito. "Next time, ayusin mo ang buhay mo ng walang napupurwisyong tao." "Sungit," inis niyang bulong. "May clinic sa loob ng Sport Zone, puwede mo roong ipa-check ang paa mo." Napatingin siya kay Keigo. Out of the blue ay nagmukha itong concern kahit na malamig ang pagkakasabi nito niyon. Marahan na lang siyang tumango. Nang maalala ang naghihintay na kaibigan sa loob ay nagpaalam na rin siya kay Keigo. "Kailangan ko ng umalis." Bago ito tuluyang iwan ay mabilis siyang tumingkayad at hinalikan ito sa gilid ng labi nito na halatang ikinabigla nito dahil tila itinulos ito sa kinatatayuan nito. "Thank you for helping me out," aniya bago pinilit na makalayo kay Keigo. Bigla rin ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso dahil sa ginawa. First time niya iyong gawin sa lalaki at sa malas ay kay Keigo pa niya nagawa. "Wala lang 'yon," anas pa niya. "Walang meaning, period."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD