HALOS araw-araw ring hindi tinigilan ni Paige si Keigo lalo na kung may pagkakataon. Palagi niya itong kinukulit at sa tuwina ay palagi rin siya nitong sinusungitan. Katulad na lang ng hapong iyon. Hanggang sa may parking lot ay nakasunod siya rito. At ang nakakahiya pa ay kasama nito ang mga kaibigan nito na walang ginawa kundi ang tuksuhin sila. Kunway gustong-gusto niya iyon kaya sinasakyan niya. "Baby honey," tawag pa niya kay Keigo na derederetso lang sa paglalakad. Iyon kasi ang naisipan niyang itawag dito as her call sign. "Pasabay na ako sa iyo pauwi. Hindi ko kasi dala ang kotse ko. Coding kasi ngayon, eh." Patuloy lang sa paglapit si Keigo sa kotse nito as if hindi narinig ang sinabi niya. Minsan parang gusto na rin niyang itigil ang kabaliwang pustahang iyon dahil parati na la