UNTI-UNTING naglaho ang ngiti sa labi ni Paige ng mabungaran niya sa malawak nilang sala ang kanyang Daddy Hernando na nakaupo sa pang-isahang sofa. Naroon din ang babaeng kinaiinisan niya na si Aimee. Ang babaeng palaging kasama ng kanyang ama. Nakaupo sa tabi nito ang anak nitong babae na si Marela. "Mabuti naman at nakauwi ka na, hija," anang daddy niya na tumayo mula sa pagkakaupo nito para salubungin siya ng yakap at halik sa pisngi. "How's your school, princess?" Nagkibit balikat lang siya. "As usual," sagot niya. "Ano'ng ginagawa nila rito?" Hindi na niya itinago pa ang pagkabanas sa mag-ina. Ngumiti ang kanyang ama pagkuwan ay nilapitan si Aimee na tumayo rin mula sa pagkakaupo. Nasa mid forty pa lang ang babae at ang anak naman nito ay halos kaidadan lang niya. "We have somet