NANGGAGALAITI pa rin si Marela ng ipagtabuyan siya ni Keigo palabas ng silid nito. Nabalitaan kasi niyang may sakit ito kaya dinalaw niya bago pa siya maunahan ng iba. Alas singko na ng hapon ng mga sandaling iyon. Palabas na sana siya sa mansiyon ng mga Mori ng makita niya si Paige na pinapasok ng guard. An evil smile curve on her lips. Bumalik siya at kinausap ang kawaksi na pababa ng hagdanan. "Kapag dumating si Paige dito sa loob ng bahay. Pakisabi na dumiretso sa may silid ni Keigo dahil kanina pa siya hinihintay. Parating na siya." "Ah, sige po." Nilampasan na niya ito at umakyat muli sa hagdanan. As usual, galit pa rin si Keigo ng makita siyang bumalik. "Sinabi ko ng umalis ka na 'di ba?!" Binaliwala niya ang galit nito. Lumapit pa siya sa kama nito at umupo sa gilid niyon pah