Chapter 16

1930 Words

HULING araw nina Paige sa Mori High. Pagkatapos ng araw na iyon ay sarado na ang klase para sa unang sem. "Paige, siguro mas mabuti na subukan mo ulit kausapin si Keigo for the last time. Paalis ka na rin bukas papuntang Manila at sa linggo ay pupunta ka na ring Canada. Wala ng ibang chance," muling pakiusap sa kanya ni Jaffhine. "Ang totoo niyan ay natatakot kami ni Jaffhine na hindi na makapag-enroll next sem dahil sa nangyari. Baka pagbalingan kami ni Keigo sa galit niya. Ayaw niya naman kaming pakinggan kahit na ano'ng paliwanag namin." Napabuntong-hininga si Cath. Tinapik niya sa balikat ang dalawa bago tumango. "Sige susubukan ko ulit mamaya." Kung ayaw pa rin ni Keigo na patawarin sila, at least sinubukan niya. "Kung hindi na lang namin naisipan ang kalokohang pustahan na iyon,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD