ISANG ngiti ang sumilay sa labi ni Paige ng muling mapagmasdan ang sketch ng kanyang dream wedding gown. Araw iyon ng linggo, may kanya-kanyang lakad ang dalawa niyang kaibigan kaya mag-isa lang siyang nakatambay sa Pepper Dennis. Ipinatong niya sa lamesa ang sketch bago pinagtuunan naman ng pansin ang pictures ng baby na naka-print sa photo paper na hindi na niya ginupit pa ng nagdaang gabi. Dahil masyado ng moderno ang mundo pagdating sa teknolohiya kaya napagdiskitahan niyang subukan ang isang site para makita ang magiging future baby niya. Isang baby girl at baby boy ang nakalarawan doon, edad isa hanggang limang taong gulang. At para mabuo ang mga batang iyon ay larawan ni Keigo Mori ang ginamit niya. Wala siyang ibang maisip ng mga panahong nag-i-explore siya sa internet kundi si Ke