Chapter 12

1236 Words

NANG makauwi kinahapunan si Paige ay sinalubong agad siya ng isang malakas na sampal ni Aimee. Tigalgal tuloy siya sa kinatatayuan. Hindi pa man siya nakakabawi mula sa pagkakasampal nito ay bigla rin siya nitong sinabunutan sa buhok. "Walang hiya kang babae ka. Ano ang karapatan mo na sampalin at ipahiya sa campus ang anak kong si Marela? At bakit mo rin siya inakusahang ninakaw ang kuwentas mo?!" Nang makabawi ay agad niyang tinulak si Aimee. Hindi pa man siya nakakakilos para layuan ito ay muli nitong nahila ang kanyang buhok dahilan para mapatili na siya. Sumigid kasi ang kirot sa kanyang ulo dahil sa pagkakasabunot nito. "Da... D-Daddy!" sigaw niya. "B-Bitiwan mo ako!" "Oh, shut up, little b***h. Wala rito ang daddy mo." Ubod lakas niya itong itinulak. "Puwes, isusumbong kita kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD