KINABUKASAN nga ng umaga ay sinundo sila ni Keigo. Buong akala niya ay sa bahay ng magulang nito sila pupunta kaya nagulat siya ng malaman na may sarili na pala itong bahay. Matatagpuan iyon sa Phase Three ng Valle Encantado Village kung saan pawang mga kaibigan nito ang mga naninirahan. Unang naitayo roon ay ang UHB Mansion. Marahang hinaplos ni Paige ang buhok ng kanyang anak na si Keige habang ito ay natutulog. Matapos ang maganang tanghalian ay umungot na ito na inaantok na kaya pinatulog na muna niya. "Ano'ng iniisip mo?" untag ni Keigo sa pananahimik niya. Bahagya niya itong tiningala na sumunod pa rin sa guest room. "Wala." Napangiti ito mayamaya. "Would you think na mangyayari pa pala 'yung ganito?" "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" He took a deep breath. "Na madadala pa pala kit