KINAHAPUNAN ay nagpaalam si Paige na maglalakad-lakad muna sa labas. Gusto niyang mapag-isa at mag-isip kung kanino makakahiram ng malaking halaga na maaaring pambayad utang. Malungkot na tumingala siya sa langit. "Mommy, help us. Help us na malampasan ang pagsubok na ito na pasan-pasan ni daddy ngayon." Hindi man nila maibalik ang kumpanya na ipinundar ng kanyang ama, kahit sana ang bahay nila ay huwag mawala dahil importante iyon lalo na sa kanya. Patawid sana siya sa kabilang kalye ng may biglang sumulpot namang sasakyan sa tinatawiran niya. Hindi niya iyon inaasahan dahil sumulpot na lang iyon bigla sa palikong kurba ng daan. Sa lakas ng sagitsit ng gulong sa pag-preno ay halos mangilo siya sa tunog na nilikha niyon. Para siyang itinulos sa kinatatayuan dahil sa nerbiyos. Agad din a