MATAMANG pinagmasdan ni Paige ang kanilang bahay ng huminto ang sinasakyang TAXI sa tapat niyon. Ganoon pa rin iyon. Tila walang nabago at hindi lumipas ang panahon. Kung ano ang iniwan niya ay ganoon pa rin na binalikan niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ipinasya ng bumaba. Nakasunod lang ang kanyang anak sa kanya. "Salamat po," aniya sa TAXI driver ng maibaba ang mga gamit nila. Sinalubong naman agad sila ng guard. "Señorita Paige," tuwang-tuwa nitong bati sa kanya ng makilala siya. "Bumalik na po kayo. Naku, matutuwa po nito si Don Hernando." "N-Nasaan po si daddy, Mang Antoni?" "Nasa study room na naman po, Señorita." Mababakas sa anyo nito ang lungkot. "May problema po ba?" Huminga ito ng malalim. "Ang mabuti po siguro ay ang Don na lang po ang kausapin ninyo