CHAPTER FOUR:
•••
•••
Sinalubong ako ni Athena sa Back Door. Habang dala-dala ang Bag ko. May pintuan sa abandonadong parte ng paaralan namin, sinarado na'yun, pero kaya namin yung buksan dahil sanay kami dun. At dito din kami dumadaan kapag may Mission kami.
Pinatay ko na ang naka-konektang tawag kay Athena, tutal nandito nanaman siya sa harapan ko. Ano pang saysay kung naka-on pa ang tawag kung nandito nanaman sa harapan ko ang katawag? Nagsasayang lang ng load. Tss.
"Your line was so nice Artemis." natatawa niyang wika.
Pumasok muna kami sa Abandonadong CR para magpalit ng damit. Nakalock 'din, kaso kaya 'rin naming buksan. Dala-dala lagi ni Athena ang susi sa abandonadong lugar na'to, hindi ko nga lang alam kung paano niya nakuha ang susi'ng iyon.
"Pinahirapan mo talaga ako sa mission mo na'to Athena." walang gana kong sagot sa kaniya.
Nang matapos na kaming magbihis ay lumabas na kami. Hindi na kami naka pang-uniform pa. Pareho na kami ni Athena na naka Black T-shirt.
Sa loob kasi ng White Long Sleeve na Uniform namin, may suot kaming Itim na tshirt. Sa loob 'din ng Black with Red Stripe Skirt namin, may suot kaming Itim na short na may cycling sa loob.
Inilagay lang namin sa bag namin ang Uniform namin saka dumiretsyo na kami sa sakayan ng mga Jeep. Malapit lang 'rin naman dito sa paaralan namin ang sakayan ng jeep. Mabuti nga ganitong oras, alas syete ng gabi ay marami pang mga jeep.
Sumakay kami sa wala masyadong ka tao-tao. Mabibilang lang ang mga pasahero. At napansin ko kaagad ang konduktor na panay tingin sa maputig legs ni Athena.
"Saan ang baba mo Miss?" tanong ng konduktor kay Athena saka tumabi ito sa kaniya.
Bakit ba kasi hindi man lang nag medyas ng mataas yang Athena na'yan? Mabuti nga ako 'abot hanggang tuhod ang haba ng puti kong medyas.
"Somewhere over the rainbow." walang ganang sagot ni Athena.
Napatawa naman ang konduktor. Kaya Ilan sa mga pasahero ay napatingin sa kaniya. Ang Iba ay may tingin na nakakadiri. Ang Iba ay parang gusto nang bumaba. Ang Iba naman ay pinili na lang na hindi siya pansinin.
Ang mga taong ayaw ng gulo... Ay mas pipiliin na lamang na tumahimik.
Itong Konduktor na'to, gusto nang gulo. Kaya hindi matahimik sa kakasalita. Tss.
"Manong! Dito lang ho!" sigaw ko sa driver.
Inabot ko ang pamasahe sa Konduktor na nasa tabi pa'rin ni Athena. "Dalawa kami." walang gana kong wika.
Naunang bumaba si Athena kaya sumunod ako.
"Sayang, naka medyas." rinig kong mahinang wika ng konduktor.
Nang makababa na kami, ay humarurot na ang Jeep paalis. Pero nakikita ko pa'rin ang konduktor na nakatingin pa'rin sa gawi namin.
"Ipaalala mo sa akin Athena na babarilin ko siya." walang gana kong wika.
"Herry Bautista. 35 years old. From Purok 3 Talisayan."
Napatingin ako sa kaniya. At hawak-hawak n'ya na kaagad ang laptop niya. Kanina nasa bag lang n'ya tapos ngayon hawak-hawak n'ya na? At may Information na kaagad?
"Of course I will remind you Artemis." may ngisi sa kaniyang labi habang sinasabi n'ya ang salitang 'yan.
"Tara na."
Pumasok na kami sa Village namin. Binati naman kami ni Kuyang Guard at tinanong kung bakit ngayon lang kami. Kilala nanaman kami ni kuyang guard, dahil taga 'rito talaga kami nakatira, noon pa. Kaya sinagot 'din namin siya ng maayos.
"May tinapos lang na project kuyang guard." walang gana kong sagot sa kaniya.
Napatawa na lang sya. "Mahirap ba ang project Binibining Artemis?"
Maliban din doon, Official Guard siya ng Village namin. Nasa contract na susunod ang susunod na kadugo nila. Ibigsabihin, nasa Apilyedo nila ang pagiging Guwardiya, hindi lang sa Village na'to, kundi sa Pamilya 'rin namin.
"Hindi naman sa akin ang project na'yun kuyang guard. Kay Athena yun, Ibinigay lang sa akin. Pero hindi naman mahirap..." biglang pumasok sa Isipan ko yung si Kuyang Senior High. "Medyo pala." pahabol ko.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Athena.
"Ganun po ba Binibining Artemis at Athena. Maaari na po kayong pumasok, kanina pa po siguro kayo hinihintay ng mga kapatid at pinsan niyo po." may ngiti sa labi niyang wika.
"Sige Kuyang Guard."
Tinahak na namin ang daan papasok. May Ilang bahay kaming madadaanan. Mga bahay ng mga Kasambahay noon. Ngayon ay nakasarado na Ito.
Sa Country Home Advent Village, mahabang daan lang ang tanging makikita, atshaka mga bahay ng kasambahay na sarado na.
Pero sa dulo ng daan na iyon, ay nakatayo ang malaking Mansyon.
Ang MM Mansyon.
Pamilya lang namin ang tanging makakapasok sa Village na'to. Dahil pamilya lang naman namin ang nagmamay-ari ng lugar na'to.
Mahaba na ang nalakad namin ni Athena. Tanaw na tanaw ko na ang destinasyon namin. Wala pa kami sa Gate ng Mansyon, pero ramdam na ramdam ko na kaagad ang presensiya ng mga Pinsan ko sa loob.
Hanggang sa tuluyan na nga kaming makapasok sa loob ng Gate.
Imbes na sa Masyon kami papasok dahil nandoon sina Mama at Papa, ay mas pinili namin ni Athena na dumiretsyo sa Right Side ng Mansyon. Kung saan, sa likod ng naglalakihang mga halaman ay may malaking Bahay na nakatayo doon.
Ang tinatawag namin na 'Head Quarter'. Para sa aming mag-kakapatid at mag-pipinsan.
Pagkabukas pa lang namin ng pinto, halos sabay-sabay silang napalingon ang gawi namin. Walong mga mata ang nakatingin sa amin ni Athena. Na may Seryosong mga tingin.
Maliban sa Isa.
Sa Isang mukha ay may dalawang mata. So Eight devided by Two, is Equal to Four. Ibigsabihin, Apat na tao ang titig na titig talaga sa amin.
"Hello guys!" nakangiting bati ni Athena sa kanilang Apat.
"Athena. Artemis." malamig na wika ni Hera sa pangalan naming dalawa.
"Go to h*ll." nakangising wika ni Hestia.
"Nag date ba kayong dalawa?" Ang tanong kaagad ni Demeter. "Nang Tatlong oras talaga?"
"That will never gonna happen Demeter." depensa ni Athena sa kapatid n'ya.
Tiningnan siya ni Demeter. "What's with that face Athena?"
"What face Demeter?"
"Kakagaling mo ba sa tawa?" nakataas na kilay na tanong niya.
"Ow," Mahinang napatawa si Athena. "Yes." diretsiya n'yang sagot sabay tingin sa akin.
"Ano?" nagtataka kong tanong.
Sumilay sa labi niya ang ngisi. Ang natatawa niyang expression sa mukha ay naging seryoso. Ang Pierce look ni Athena ay bumalik na.
"I gave my mission to Artemis. She hunt a Senior High School Student who wants to steal an Answer Key." nakangisi niyang paliwanag.
"Answer key? For the Exam?" tanong ni Hestia.
"Bukas na pala yung Exam natin." nagugulat na wika ni Demeter. "Nawala sa Isip ko."
"Yes Goddess of Hearth." sagot ni Athena.
"And so? What happens next?"
"She hunt him down, she aimed at the right spot. So the mission is accomplished."
"Tsk." ang tanging nasabi ni Hera.
"Obvious naman na accomplished talaga. Hello Athena, Artemis 'tong pinag-uusapan na'tin. Kaya nga sa kaniya mo Ibinigay ang mission na para sa'yo' diba?" may halong Inis na wika ni Demeter.
"I gave it to her for other reason Demeter."
"Whatever."
"What happened to that Senior High Guy?" tanong ni Hestia.
"He asked Artemis name." sagot ni Athena.
"And let me..." tiningnan ako ni Hestia na parang kilala na talaga. "Guess what Artemis answer is."
"I am a Huntress. A Descendant of the Goddess of Moon and Hunting." pagsali ni Aphrodite sa usapan.
"Sa wakas nakisali ka na'rin," Nginitian ko siya na walang halong kaplastikan. "Aphrodite."
"Maligayang pagbabalik," Sumilay ang magandang Innocente niyang ngiti sa labi. "Ate A."
Hahawakan ko na sana ang ulo ni Aphrodite nang sinadyang lakasan ni Demeter ang kaniyang boses.
"May Moon. Tandaan mo ang pangalan ko," nginisihan n'ya ako. "Hanggang sa kamatayan mo."
Napatawa si Hestia. "Bakit hindi mo na lang sinabi ang totoong pangalan mo Artemis?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Alam n'yo na bawal sabihin ang totoo nating mga pangalan."
"But that Senior High guy is special."
"Special?" napatanong ako.
Anong Special sa Target na'yun?
"Sa dami nang naging target mo," sumeryoso ang expression nang mukha n'ya. "That Senior High Guy lang ang nagtanong sa pangalan mo."
Katahimikan ang namayani sa buong sala dito sa Head Quarters namin. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtingin sa akin ni Hera. Napa-isip din si Demeter. Si Athena ay nakangisi pa'rin ang labi. At si Aphrodite ay Innocente pa'rin na nakikinig.
"Hindi ko siya target Hestia," Ako na ang bumasag sa katahimikan. "Target siya ni Athena."
"Ikaw ang gumawa, that means, target mo na'rin yun Artemis."
"Ibinigay lang sa akin ni Athena 'yun. Target n'ya pa'rin yun." Depensa ko.
"But Athena gave it to you. That's means It's already yours Artemis." nakangisi niyang wika.
"Kay Athena pa'rin yun."
"But Athena gave it to you."
"Ako lang ang gumawa. Dahil Ibinigay nya ito sa akin, pero sa kaniya 'yun Ibinigay, kaya sa kaniya 'yun."
"But you're the one who do it Artemis. That means—"
"Puro kayo Athena, Athena, Athena. Ayusin nyo'ng buhay n'yo dalawa Hestia at Artemis." nakataas na kilay na sabat ni Demeter.
Tinaasan 'rin siya ng kilay ni Hestia. "I am 1 year older than you Demeter. So show some respect to your senior."
"And I am 1 year younger than you Hestia. So show some respect to your junior." sagot ni Demeter.
Napabuntong hininga na lang ako. "Aphrodite. Aakyat lang muna ako." paalam ko sa kaniya.
"Sige po Ate A."
"Me too."
"Sige din po Ate Willow."
Sumabay sa akin si Athena papaakyat ng Hagdanan papuntang Second Floor dito sa Head Quarter namin. Pero nang dalawang palapag nang hagdanan na lang ang natira, binilisan n'ya ang paglalakad n'ya papasok sa kwarto n'ya.
Kaya naiwan na lamang akong mag-isa.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang may marinig ako'ng tinig mula sa likuran ko.
"Your father wants to talk to you." malamig na wika ni Hera.
TO BE CONTINUED .....