CHAPTER THREE:
•••
•••
Tumitig siya sa mga mata ko. Kaso sa Ilong n'ya ako nakatingin. "Matalino ka Miss. Kaya nakakapagtataka kung bakit gusto mo pa mismo marinig mula sa bibig ko ang sagot." diretsyo niyang wika.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ang Inoccente talaga ng boses n'ya. Innocente din ang mukha n'ya. Pero... Parang may nagsasabi sa sarili ko na, delikado ang gan'yang mga Innocente.
"Kasi nagtatanong ako. Hindi sagot ang 'Hindi ba halata' sa naging tanong ko. Kaya ayusin mo 'yang sagot mo Kuyang Senior High." seryoso kong wika.
"Eto na. Seryoso na 'to." Napakamot siya sa gilid ng kaniyang noo. "Kasi... Magnanakaw ako ng sagot sa exam. Para bukas. Alam mo na, diba, test na bukas." sumimangot siya. "Mahina ako sa General Mathematics, Earth and Life Science, 21st Literature, Politics and Governance, Personal Development, lalo na 'yung Oral Communication namin. Kaya kailangan ko talaga ng sagot. Nakakapagod na mag study. Dahil kahit anong gawin ko, wala akong naiintindihan." mahaba niyang dagdag.
"Kaya gusto mong magnakaw ng sagot?"
"Oo."
"Yung sagot ba ang gusto mo? O ang Test Paper?" tanong ko sa kaniya.
"Yung sagot. Aanhin ko 'yang test paper kung wala namang sagot 'yan? Sagot ang kailangan ko hindi ang test paper." sagot n'ya.
"Edi doon ka sa mga subject teachers mo magnakaw."
"Huh? Bakit naman ako doon magnanakaw? Eh nandito ang sagot."
"Sigurado kang nandito ang sagot?"
"Oo."
"Nasaan?"
Hindi siya nakasagot. Tss. Tiningnan n'ya ang kaniyang gilid kung saan nanghuhukay siya sa mga Test Papers.
"Test Papers lang ang nandidito. Bagong dating na mga test papers, kanina lang dumating. Ang unang mga test papers ay nasa mga Teachers na. At sila na ang bahala sa mga sagot doon. Teachers sila, alam nila kung ano ang sagot sa mga test papers." walang gana kong paliwanag ko.
"Pero ang kailangan ko ay ang original copy. Yung Answer Key talaga ng mga Subjects."
"Kapag na distribute na sa mga teachers ang mga exam papers, sila na ang bahala sa mga sagot doon. Ibigsabihin sila ang unang sasagot doon. At yung sagot nila ang gagamitin para sa official Answer Key na. Pero syempre walang perpekto sa mundo. Kahit gaano man katalino ang mga guro, may nagkakamali at nagkakamali pa'rin—" napahinto ako nang marinig ko ang palakpak ni Athena sa kabilang linya. "Para sa finale, titingnan nila ang original answer key na nasa kamay ng principal, kung tama ang sagot nila, at tama din ang nakalagay sa original na answer key, edi yun na ang gagamitin bilang Official na Answer Key."
"Yung Original na Answer Key ang hanap ko. Hindi yung answer key na mga teachers lang mismo ang sumagot. Yung original Miss."
"Original?" Napabuntong hininga na lamang ako. "Alam mo ba kung saan nakatira si Principal Lanie?" tanong ko.
"Oo. S'yempre principal na'tin 'yun noh, dapat alam talaga ng lahat."
'Oo. S'yempre principal na'tin 'yun noh, dapat alam talaga ng lahat...'
Dapat alam talaga nating lahat? Dahil lang siya ang principal? Kasali ba sa trabaho ng mga studyante ang alamin pati bahay ng principal?
Eh hindi ko nga alam kung saan nakatira si Principal Lanie. Dahil hindi 'yun kasali sa trabaho ng mga studyante.
Mukhang alam ko na kung bakit kailangan ni Kuyang Senior High ng Answer Key para sa Exam bukas. Tss.
"Kung alam mo nanaman pala kung 'saan nakatira si Principal Lanie... Edi puntahan mo siya."
"At bakit ko naman siya pupuntahan?" naguguluhan niyang tanong.
"Gusto mo ng original copy ng answer key diba?"
"Oo." sagot n'ya.
"Edi puntahan mo siya."
"Bakit ko nga pupuntahan si Principal Lanie?" tanong nanaman n'ya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Athena sa kabilang linya.
"Nasa kanya ang original copy ng mga answer key sa lahat ng mga subjects. Kaya kung gusto mo yun, puntahan mo."
P*ny*ta talaga to'ng Senior High Student...
"Bakit naman nasa kaniya ang original copy ng answer key?"
"Kasi siya ang principal."
Napa-isip siya. "Ang layo naman ng bahay ni Principal Lanie. Malapit na'yun sa pueblo. Gagastos pa ako ng pamasahe sa jeep. Eh wala na nga akong pera. Anong gagawin ko?"
Hindi ko mapigilan na matigilan.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko.
"Miss, pahiram naman ng pamasahe. Babayaran ko lang talaga kapag nagkapera na ako. Kailangan ko talaga yung sagot. Kung hindi babagsak ako. Huhuh." sabay simangot n'ya.
"He..." rinig kong boses ni Athena. "He reminded me of Aphrodite, Artemis."
Napabuntong hininga ako. "Talagang desidido kang kunin yung mga original na sagot ng test paper."
"Oo naman. Ayokong bumagsak."
"Bakit ayaw mong bumagsak?"
"Kasi..." Napasimangot siya. "Ayokong magalit nanaman sa akin si Dad." sagot n'ya. "Atshaka gusto ko 'rin na makita n'ya na hindi lang si kuya ang magaling. Magaling din ako."
Bakit... Nakikita ko ang lungkot sa mga mata n'ya?
"Bumagsak kasi ako nung first grading, kaya ayokong babagsak nanaman ako sa second grading. Gusto kong makapasa—"
"At yung pagnakaw ng answer key ang solution para makapasa ka?" putol ko sa kaniyang sasabihin.
"Oo." diretsyo niyang sagot.
Sa panahon ngayon, wala ng Ibang maisip ang mga kabataan nang tamang paraan kung paano masolutionan ang mga problema.
"Artemis. The Guard is coming." rinig kong boses ni Athena.
"Okay." sagot ko.
Narinig 'yun ni Kuyang Senior High. Akala n'ya siguro para sa kaniya. Tss.
"Talaga? Papahiramin mo ako ng pamasahe Miss?" masaya niyang tanong.
"Hindi." sagot ko.
Para kay Athena yun.. Tss.
"Hanluh bakit?"
Naghanap ako ng pwedeng malabasan nang hindi dumadaan sa pintuan. At isa lamang ang nakita ko.
"Kung gusto mong makapasa,"
Ang Bintana na gawa sa glass na Itutulak lang palabas para bumukas.
"Paghirapan mo."
Binuksan ko na ang bintana at saktong-sakto, kasya ako dahil hindi naman ako mataba. Medyo malaki din naman ang bintana.
"Bakit diyan ka dumaan sa Bintana?!" gulat na tanong ni kuyang Senior High.
Tiningnan ko siya saglit. "Anong masama dun?"
"May Pintuan Miss." sabay turo n'ya sa pintuan ng Principal office. "Kaya bakit pinapahirapan mo pa ang sarili mo diyan sa bintana, kung may pintuan naman?"
'Bakit pinapahirapan mo po ang sarili mo po Ate A sa pagsuksok diyan sa bintana kung may pintuan naman po?...'
P*ny*ta... Para siyang si Aphrodite.
"Parating na ang mga guwardiya. Bahala ka kung diyan ka dadaan." sagot ko sa kaniya.
"Hanluh! Seryoso ka Miss?!"
Hindi ko na siya pinansin pa. Isinuong ko na lang ang sarili ko sa Bintana. Para makalabas na.
"Teka Miss!"
"Ano nanaman?" walang gana kong sagot sa kaniya.
"Ano... pa lang pangalan mo?" tanong n'ya.
Habang may Inoccenteng ngiti sa kaniyang labi.
Tinalikuran ko na siya at tumalon na ako sa bintana. Palabas ng Principal Office.
Pero sinagot ko 'rin naman siya, dahil sumilip siya sa bintana.
"I am a Huntress. A Descendant of the Goddess of Moon and Hunting."
Nagsimula na akong maglakad paalis sa kaniya nang hindi na ulit siya nililingon pa.
"May Moon. Tandaan mo ang pangalan ko, hanggang sa kamatayan mo." huling pahabol ko na alam kong narinig n'ya.
Day TARGET, Found.
MISSION ACCOMPLISHED.
TO BE CONTINUED .....