CHAPTER FIVE

1935 Words
CHAPTER FIVE: ••• ••• Tiningnan ko siya saglit. Saka tinanguan siya at dinaanan siya. Bumaba ulit ako ng hagdanan at lumabas ng HQ. Gusto pa sanang sumama sa akin ni Aphrodite kaso nang sinabi ko na si Papa ang tumawag sa akin, mas pinili n'ya na lang na hindi sumama. Dahil alam n'ya, na kapag tinawag ako ni Papa, Ibigsabihin... 'May Importanteng sasabihin sa akin si Papa.' Pumasok ako sa Mans'yon namin. Dito sa Zone 9 Village, Limang MM Mansyon ang nakatayo sa dulo ng mahabang daan. Nangunguna ang Mansyon nina Papa Alastor at Mama Astraea. Nasa likuran ng mansyon namin, ang Mansyon nina Tita Achilles at Tito Dionysus—Mother at Father nina Athena, Demeter at Zeus. Sumunod ang Mansyon nina Tita Harrycane at Tito Herakles—Mother at Father nina Hera, Hestia at Hermes. Nasa likuran naman nila ang Ika-Apat na Mansyon. Ang Mansyon nina Tita Medea at Tito Cronus—Mother at Father nina Ares at Poseidon. Kaso pareho silang Apat na wala dito sa Pilipinas. At nasa pinaka-huli ang Ika-Limang Mansyon. Na pagmamay-ari lamang ng mga Lolo at Lola namin. Hindi pa ako nakakapasok doon, kaming dalawa ni Aphrodite. Ewan ko lang kina Athena, Demeter, Hestia at Hera. Hindi ko alam kung nakapasok na ba sila sa Mansyon ng mga Lolo at Lola namin. Pero sa tingin ko... Wala pa ni Isa sa amin ang nakapasok doon. Kaming mga Apo lang. Dahil sa tingin ko ay nakapasok na doon ang mga Tita at Tito namin. Kahit siguro si Mama at Papa nakapasok na doon. Pagkapasok ko sa Mans'yon namin, Inakyat ko ang Third Floor kung saan nandoon ang Office ni Papa. Pagkatapak ko sa harapan ng pintuan ng office n'ya, ay kumatok ako ng tatlong beses. "It's that you Artemis?" rinig kong malalim na boses ni Papa sa kanilang pintuan. "Yes Papa." walang gana kong sagot sa tanong n'ya. "Come in Artemis." wika n'ya. Diretsya ko nang binuksan ang pintuan ng Opisina ni Papa. Pumasok ako na walang pinagbago nang expression sa mukha. Pumwesto ako sa harapan ng kaniyang mahabang mesa na kung saan ay naka-upo siya sa Isang silya na nakapuwesto sa gitna. "How are you Artemis?" bungad na tanong n'ya sa akin nang makita na ako ay nakatayo na sa harapan n'ya. "Maayos lang naman po Papa." walang gana kong sagot. "I see." Umangat ang kanyang paningin sa akin. Nasa 40's na si Papa. Pero ang Itshura nya ay pang 20's. Parang walang nagbago sa Itshura n'ya ngayon, at sa Itshura n'ya nung kabataan n'ya. Maliban sa mas matured na nga ang kanyang mukha. May mga bigote na. Malalim din ang kaniyang boses. Lalo na ang mga mata n'ya... Malamig. "May sasabihin ka ho ba sa akin Papa?" walang gana kong tanong. Nagbago ang emotion sa mga mata n'ya. "Sino ka nga ba Artemis?" tanong n'ya. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang dahil sa tanong n'ya. Parang... Naalala ko ang tanong na'yan noon. At mukhang... Alam ko na kung ano ang sasabihin n'ya ngayon. O mas tawagin na lang natin... 'Na may Importante s'yang Ipapagawa sa akin.' "Ako ay Isang Montello Montes." seryoso kong sagot. "Ano ang ginagawa ng mga Montello?" "Mission." simple kong sagot. "Ano naman ang ginagawa ng mga Montes?" seryoso niyang tanong ulit. Sumingkit ang mga mata ko. "Accomplished" "At Ipinanganak ang Isang Montello Montes para..." Kitang-kita ko sa mga mata ni Papa na hinihintay nya ang sagot ko. "Gawin ang mission at siguraduhin na matatapos ang mission." Sumilay sa labi nya ang nakakakilabot na ngisi. "So who are you Artemis?" Ulit n'ya sa naging tanong n'ya kanina. "I am a Huntress," sumingkit ulit ang mga mata ko. "A—" "Alastor!" Nagulat ako sa magandang boses na umalingaw-ngaw sa loob ng Opisina ni Papa. Napalingon kaagad ako sa aking likuran at nagulat ako nang Isang yakap ang sumalubong sa akin. "Artemis! May baby Artemis..." "Mama!" Sinubukan kong tanggalin ang mga braso ni Mama na nakapalibot sa leeg ko ngunit hindi ko magawa. Mas'yado siyang malakas! Tss. "Na Miss kita Baby Artemis ko." wika ni Mama na parang bata dahil sa sobrang liit ng kanyang boses. "Mama! Hindi na po ako ang Baby Artemis mo." Naiilang kong wika. Sinubukan ko ulit na tanggalin ang mga braso niyang nakayakap pa'rin sa akin. Sinubukan ko 'rin siya na tulakin kaso wala talagang epekto! P*ny*ta! "Mama, bitaw." "Ayoko." Umiiling-iling niyang sagot. "Ayoko Baby Artemis ko." Nakasimangot niyang wika. Napabuntong hininga na lang ako sa ginagawa n'ya. Wala akong choice kundi gawin 'to. "Aphrodite! Nandiyan ka pala?" "Huh?" Mabilis na napabitaw sa akin si Mama at napalingon sa pintuan. "Aphrodi—" Patakbo kaagad akong umalis sa kaniya at tumungo sa likuran ni Papa. Nang makita n'ya na wala pala'ng tao sa pintuan ay bumagsak ang kaniyang balikat. "Baby Artemis naman..." Sumimangot siya. "Akala ko talaga nandiyan si Aphrodite. Huhuh." "Nasa Head Quarter si Aphrodite Mama. Puntahan mo lang siya doon." walang gana kong wika. "Talaga?!" Bumalik sa dati ang nakabagsak niyang balikat kanina. "Nasa Head Quarter lang?" "Opo." sagot ko. "Hanluhh! Pupuntahan ko muna si Aphrodite." Masayang-masaya niyang wika. "Paalam!" At tumatalon-talon siya sa tuwa na parang bata palabas ng opisina ni Papa. "You really know how to control your Mother, Artemis." wika ni Papa. "Mana sa'yo Papa." walang gana kong wika. "And I didn't even say Hello to her." bumagsak ang kaniyang balikat. "Nang dahil ba sa'kin?" "Yes." diretsyo n'ya talagang sagot. Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na mga tingin. "Mama loved Aphrodite so much. Mas mahal n'ya si Aphrodite kay'sa sa Iyo Papa." Nang dahil sa sinabi ko, nagsalubong ang dalawang kilay n'ya. "Kaya kasalanan ni Aphrodite kung bakit hindi ka man lang nakapag-Hello kay Mama." Napangisi ako sa biglaang paggaan ng Atmosphere dito sa loob ng Opisina n'ya. Kanina ramdam na ramdam ko talaga ang bigat. Pero ngayon... Nawala na lang. Tss. "Mali." dagdag ko. "Sa tingin ko wala naman'g kasalanan si Aphrodite. Wala 'rin akong kasalanan. Kaya Ibigsabihin," tiningnan ko si Papa sa gilid ng mga mata ko. "Kasalanan mo Papa." Mabilis siyang napatayo. "Artemis." Ma-autoridad niyang banggit sa pangalan ko. "Bukas ko na lang sasabihin sa'yo." At mabilis ang bawat paghakbang n'ya papuntang pintuan. Pero bago pa man tuluyang makalabas si Papa, mabilis akong tumakbo sa harapan n'ya at Isinarado ang pintuan. Sabay Lock ko nito. "Papa." seryoso ko siyang tinitigan. "Una, Pinapunta mo ako dito sa opisina mo nang dis-oras ng gabi. Pangalawa, Alas-syete na ako naka-uwi kasama si Athena dahil lang sa Mission na Ibinigay mo kay Athena, na ako naman ang gumawa. At Pangatlo, Wala pa akong kain nang dahil lang sa pinatawag mo ako dito sa opisina mo. Tapos sasabihin mo na 'Bukas ko na lang sasabihin sa'yo?'." Matagal-tagal din siyang nakatayo sa harapan habang nasa akin nakatingin. Seryosong-seryoso pa'rin akong nakatingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung gutom ka na ba Artemis O..." Ipinagkrus n'ya ang kanyang braso. "Excited ka lang na malaman kung ano ang Ipapagawa ko sa'yo?" Hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya. Ako na ang sumuko. Bumaba na ang paningin ko sa sahig na marmol. Bumuntong-hininga ako at umatras na. "Pareho Papa." pagsisinungaling ko. Inangat ko sandali ang paningin ko sa kaniya at nakita ko ang ngising sumilay sa labi niya. "If Aphrodite is like a carbon copy of Astraea. Then you are my carbon copy." Tumalikod siya at bumalik siya sa dati niyang pwesto kanina. "You are like my female version Artemis." sumingkit ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. "You're also not good at lying." Katahimikan lamang ang namayani sa buong Opisina niya. 'If Aphrodite is like a carbon copy of Mama. Then I am Papa's carbon copy...' Pareho kaming hindi marunong pagdating sa pagsisinungaling? Kung ganun... Hindi ba marunong magsinungaling si Papa? Bakit... Hindi halata? "Hahayaan ko na lang muna si Astraea na makipag bonding kay Aphrodite." Huminga siya ng malalim. Parang mahirap sa kaniya na Isantabi muna ang pakay kay Mama. Tss. "Dahil uunahin na muna kita Artemis." dagdag n'ya. Lumapit ako ng konti sa kaniya. "Diretsyuhin mo na ako, Papa." "I know." Binuksan n'ya ang Isang Aparador sa Ilalim na nakadikit sa mahabang Mesa. May kinuha siyang kulay Brown na Envelope at Inilapag n'ya ito sa kaniyang mesa. Lumapit ako para kunin yun at tiningnan kung ano ang nakasulat sa labas. At halos hindi mapigilan ng sarili ko na magulat. "A Serious Mission." basa ko sa naka Calligraphy Bold na Letters. 'To: May Moon... From: Seven Sun...' Ganiyan ang nakasulat. 'Seven Sun...' "Galing sa'yo'... Papa?" halos hindi ko makapaniwalang tanong. 'Papa's Codename...' "Yes Artemis." Napakurap ako ng dalawang beses. "Seryoso?" salubong na kilay kong tanong. "Yes Artemis." sagot n'ya. Ito ang Unang pagkakataon ko na makatanggap ng Isang Mission na galing mismo kay Papa. Kasi ako—hindi lang pala ako, dahil lahat pala kami. Kami nina Aphrodite, Athena, Demeter, Hera at Hestia ay tumatanggap kami ng mission galing lamang kay Butler Blue Scion. Si 'Blue Scion' ay ang nag-iisang Butler ng Montello Montes. Official Servant namin. At maliban sa trabaho n'ya na pangalagaan ang kaniyang amo, ay trabaho n'ya 'rin ang bigyan kami ng Mission, Araw-araw. Simpleng mga Mission lamang yun. Parang katuwaan. Dahil sa Edad namin, kailangan sanayin muna namin ang mga sarili namin sa mga madadaling mission. Hindi pwedeng tumalon paitaas. Kailangan magsimula talaga sa Ibaba. Ang paggawa ng mga Mission araw-araw ay parte ng Training namin bilang myembro ng Montello Montes Family. Kahit anong Mission na pinapagawa ni Butler Blue Scion sa amin, ay ginagawa namin. At magrereport sa kanya kung natapos ba namin o wala. Kaya... Bago sa akin na makatanggap ng Mission na hindi si Butler Blue Scion ang nagbibigay. "This is your first ever serious mission given by me, Artemis." rinig kong boses ni Papa. Ngunit hindi ko siya nagawang tingnan dahil masyadong naka focus ang aking paningin sa hawak-hawak kong brown envelope. "But this mission is too dangerous for your age Artemis." Mabilis akong napatingin sa kanya. "Kung delikado naman pala, bakit Ibinigay mo pa?" walang gana kong tanong. Napangisi siya. "As expected from my daughter." "Gaano man 'to ka delikado. Wala akong pakialam. Basta," seryoso ko siyang tinitigan sa mata. "Tatanggapin ko ang Mission na'to." Kahit anong mga rason pa ang Ibibigay n'ya sakin, once na Ibinigay n'ya na ang envelope sa akin, wala nang bawian. Dahil sa akin na ito. Tss. "Is that your final answers?" tanong n'ya. Walang pag-aalinlangang sinagot ko ang tanong n'ya. "Opo Papa." "Okay. Let's start." Pinaliwanag sa akin ni Papa ang tungkol sa magiging Serious Mission ko. Hindi ko daw muna pwedeng buksan ang brown envelope, dahil magpapaliwanag muna siya. Bubuksan ko lang daw kapag kaharap ko na ang mga tutulong sa akin. Sa Serious Mission na natanggap ko, hindi daw ito maging madali. Kaya kailangan ko daw talaga nang tulong sa mga Pinsan ko. Dahil sa Mission na'to... Buwis buhay ang gagawin ko. "Papasok ka sa Isang paaralan na malayo sa nakasanayan mo Artemis." Bukas na bukas daw, aalis na ako sa paaralan na nakasanayan ko at lilipat ako sa magiging bagong paaralan ko na wala sa nakasanayan ko. Kailangan kong mag-panggap sa paaralan na'yun bilang Isang totoong studyante. Ano naman klaseng paaralan 'yan? "Isang paaralan na sikat nung una. Pero nagbago 'yun nang dahil sa Isang Section lamang." Isa sa mga Section ng Senior High Year ang nagbago. Nag-iba ang mga ugali ng mga studyante. Kaya napilitan ang Dean na Ilagay ang Room nila sa abandonadong Building na kung saan ay hindi na ginagamit pa. Anong Section naman yang nag-iba ang mga ugali ng mga Studyante? "Class E." Class E... TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD