CHAPTER TWO

1632 Words
CHAPTER TWO: ••• ••• Ang target ni Athena na Isang Senior High Student. Ay may balak na masama. Dahil bakit kailangan n'ya pang magpahuli at siguraduhin na wala nang tao sa paaralan? Bakit palinga-linga pa siya sa paligid habang may kinakabahang expression sa mukha? At bakit... Namamawis siya? Ang lamig ng panahon dahil gabi na. Pero nakikita ko pa'rin ang bawat pagtulo ng mga pawis sa noo niya, paibaba sa mukha. May mga Ilaw sa paligid, may Ilang classroom na nakasindi ang Ilaw. Hindi ko alam kung nakalimutan bang Isarado ng mga Teachers? O mas pinili talaga nila na huwag na lang Isarado. Lumampas sa Faculty Room ang Target. Napangisi ako. Dahil ang sunod na destinasiyon n'ya ay... 'Ang Principal Office...' Wala nang mga tao sa kung nasaan kami ngayon. Kung tama ako, kami na lang siguro nina Athena, Ako at Etong Senior High Student ang nandidito. Nakakapagtataka... Nasaan ang mga guwardiya? Paano na lang kung may nalock pala dito sa Isa sa mga room, tapos wala sila? Hindi ko alam kung t*ng* ba ang mga guwardiya o talagang mahina lang silang gumalaw. "If you are asking... They're in the Grade 7 Building. While the others are sleeping." rinig ko ang magandang boses ni Athena sa kabilang linya. Napatingin ako sa Isang CCTV na nakadikit sa Faculty Room, dalawa ito. Nakasentro ang Isa sa Pintuan ng faculty room, at ang Isa ay nakaharap sa harapan ng faculty room. At dahil malapit ako dito, s'yempre nahahagip ako ng Cctv. P*ny*ta yang Hacker na'yan... Nagawa n'ya talagang I-hack ang mga Cctv dito? "Wala akong tinanong Athena." sagot ko saka pinagpatuloy ko na ang pagsunod ko sa target n'ya. Nakita ko na dahan-dahan na pinasok ng target ang Principal Office. Hindi ba marunong mag-lock ang principal? Kasi may nakapasok na malaking daga. Tss. Pero Imposible na hindi marunong mag lock ang principal. Imposible 'din na nakalimutan n'ya. Dahil sa tagal ko na dito sa paaralang to, bakit ngayon pa talaga nangyari ang pangyayaring 'to? Bakit ngayon pa may nakapasok? Bago tuluyang makapasok ang target sa principal office, may nahagip ang mga mata ko. Nahagip ko sa kaliwa niyang kamay. Ang Isang Susi. Paano siya may susi ng Principal Office? Lumapit na ako sa pintuan ng Principal Office. Umangat ang paningin ko sa Isang Cctv na nakatutok mismo sa pintuan ng principal office. Napansin ba ng Senior High Student na'yun ang Cctv? Kung Oo, bakit pumasok pa siya? Kung hindi... Edi ang T*ng* niya. Tss. Pasalamat siya si Athena ang may hawak ng Cctv ngayon. Hindi na ako nag-dalawang Isip pa na pasukin ang Principal Office nang walang tunog na ginagawa. Bagong ayos din naman ang Pintuan ng principal office kaya hindi siya tumutunog. Pagkapasok ko, madilim na office ang sumalubong sa akin. Madilim ang loob pero may naaninag akong Isang maliit na ilaw na sa tingin ko ay Isang cellphone. Naririnig ko din ang bawat pagbukas ng mga aparador at tunog ng mga papel na parang binubuklat. Dahan-dahan ang bawat paghakbang ko palapit sa target. Dahan-dahan, hindi mabigat, magaan. Kalmado pa'rin ako. Tinalas ko din ang paningin ko. May mga tao na kapag nasanay ang paningin sa madilim, sanay talaga silang gumalaw sa madilim. Ang Iba na hindi sanay, ay mahihirapan talagang makakita sa madilim. Sa kagaya kong nasanay ang mga mata sa madilim, ay sanay din talaga akong gumalaw sa madilim. Napabuntong hininga na lang ako. So eto pala ang masamang balak ng Target. Ang pasukin ang Principal Office nang palihim at magnakaw ang sagot nang palihim. Bukas ang Second Quarter Exam namin. Umaga ang Grade 7, 8 and 9. At hapon naman ang Grade 10, 11 and 12. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Eto ang Unang pagkakataon ko na makapasok sa Principal Office, kaya hindi ko kabisado ang lugar nato. Pero dahil matalas ang paningin at pakiramdam ko sa madilim, hinanap at kinakapa-kapa ko ang dingding na katabi ko. Hanggang sa mahanap ko na ang 'Switch' ng Ilaw. Mabilis ko itong pinindot kaya biglang nagliwanag ang buong Office. Natigil naman sa ere ang magkabilang kamay ng target. S'yempre nagulat siya doon. Kahit nakatalikod siya sakin ay kitang-kita ko na nanginginig na siya sa takot. "Balita ko mahirap daw ang exam bukas ng mga Senior High School Student." walang gana kong wika. Alam kong narinig ng target ang sinabi ko. Pero mas pinili pa'rin niyang hindi ako lingunin. Dahil kapag lumingon siya sa akin... Patay siya. Kung ganun... Edi mapipilitan akong palingunin siya. Tss. Kinuha ko muna ang cellphone ko. Hindi ko en-end ang call, diniretsyo ko lang siya sa Recording app. Pagpindut ko sa button, Ibinalik ko naman ulit ito sa bulsa ko. "Gusto mo ba ng tulong?" walang gana kong tanong sa kaniya. Nang dahil sa sinabi ko, mabilis siyang napalingon sa akin na may gulat na gulat na expression sa mukha. "Gusto mo ba ng tulong Kuyang Senior High? Tutulungan kita." ulit ko. Nginitian ko siya. Yung ngiting napipilitan lamang, ngunit hindi ko iyon Ipinahalata sa kaniya. Gusto ko na makita niya na talagang nakangiti ako ng totoo. Kahit hindi naman... Mabuti na lamang at walang CCTV dito sa loob ng Principal Office. Hindi gusto ng principal na nilalagyan ng cctv ang loob ng kaniyang office. Mabuti na'rin yun. Pagtatawanan lang ako ni Athena kapag nakita n'ya ang pag-ngiti ko. Tss. "G-gusto mo din b-ba ng sagot sa e-exam? M-m-miss?" Nagkanda-utal-utal niyang tanong sa akin. Ang Innocente ng boses n'ya. Pati 'rin pala ang mukha n'ya. Mukha siyang mabait kung titingnan. Kaya nakakapagtataka ang pinaggagawa n'ya ngayon. "Hindi ko kailangan ng sagot sa exam." walang gana kong wika. "H-huh?" Naguguluhan niyang tanong. "E-eh anong g-ginagawa mo d-dito M-m-miss?" Bigla siyang naalerto. Napaatras siya ng dalawang hakbang. Lumabas sa mukha n'ya ang Kaba at Takot. "Hindi ko kailangan ng sagot sa exam. Dahil ang gusto ko ay ang sagot mula sa'yo'." seryoso ko nang tanong. "S-sagot mula s-sakin? B-bakit?" "Bakit?" Ulit ko sa tanong n'ya. "B-bakit gusto mong m-makuha ang s-sagot sakin?" Naguguluhan pa'rin nyang tanong. "N-naging t-tayo ba?" Hindi ko mapigilan na matigilan sa huling naging sagot n'ya. O tanong n'ya. P*ny*ta. Ano bang pumasok sa Isip ng Senior High nato sa naging tanong ko? "Sinabi ko bang 'naging tayo ba'?" seryoso kong tanong. "W-wala." "Kaya bakit tinatanong mo kung naging tayo ba?" "K-kasi sinabi mo n-na gusto mong m-makuha ang s-sagot sa akin." Napatingin ako sa sahig na Inaapakan ko. Narinig ko mula sa kabilang linya ang mahinang pagtawa ni Athena. "Kaya tinanong mo kung naging tayo ba?" tanong ko. "K-kasi gusto m-mong makuha ang s-sagot s-s—" "Talaga bang Isa kang Senior High School Student? Grade 11 Humss?" "H-huwag mong I-ibahin ang usapan M-mi—" "Hindi ko Iniiba ang usapan. Tinatanong kita." Naglakad ako ng dahan-dahan palapit sa kaniya. "Una, pinasok mo ang Principal Office para magnakaw ng sagot para sa Exam. Pangalawa, tinanong mo ako kung gusto ko ba ng sagot sa exam. At Pangatlo, sinagot kita na 'Hindi ko kailangan nang sagot sa exam. Dahil ang gusto ko ay ang sagot mula sa'yo'. Anong pagkaka-intindi mo sa naging sagot ko?" seryosong-seryoso kong tanong. Katahimikan ang namayani sa buong Principal Office. Kahit sa kabilang linya ay wala akong narinig na maliit na tunog. Dahil parang kahit si Athena ay nagulat sa haba ng sinabi ko. Tss. "A-ano...—" "Hindi ka makasagot?" Tuluyan na akong nakalapit sa kaniya. "Sa bagay, kapag ang tao kinakabahan, nahihirapan talagang makipag communicate ng maayos. Sa sobrang kaba nila, nabla-blanko pati utak nila." Isang metro lamang ang pagitang mayroon sa amin ni Kuyang Senior High. "Huminga ka muna ng malalim. Gusto kong kausap kita ng maayos." Tanging pagkurap na lamang ang kaniyang nagawa. Nakabukas konti ang kaniyang bibig dahil sa gulat. Nagtatanong ang kaniyang mga mata na may halong pagtataka. "Kumalma ka na ba?" walang gana ko nang tanong. "T-teka, hindi p-pa." sagot n'ya. Napabuntong hininga na lamang ako. "Bilisan mo. Naghihintay ako." Humakbang ulit siya ng dalawa paatras. Inilagay n'ya sa kanyang dibdib ang kaliwang kamay at paulit-ulit na nag 'Inhale, Exhale'. Habang busy si Kuyang Senior High na magpakalma. Ay nagkaroon ako nang pagkakataon na tingnan ang bawat sulok ng Principal Office. Simple lang naman ang Principal Office. Pag-pasok palang sa Pintuan, makikita na kaagad ang table at chair ng principal sa gitna. May malalaking aparador sa bawat gilid nito. May sofa at mesa naman sa kanan. Sa kaliwa may mga mesa kung saan nakalagay ang mga tambak na Puting mga Bond Papers. May Ilaw—natural. May Aircon din, kaso naka-off. Ibinaling ko na lang ulit ang aking paningin sa Target. Wala namang nakaka-excite sa Principal Office. Ang simple-simple lang. Sayang... Walang baril. Tss. "Aschooo!" Narinig ko mula sa kabilang linya ang pag-Atshing ni Athena. "Gosh, Artemis. Someone mentioned my name." May biglang pumasok sa Isip ko. Napabuntong-hininga nalang ako sa Imaheng bigla nalang pumasok sa Isipan ko. "Mukhang hinahanap na ako ng kapatid at mga pinsan ko." walang gana kong wika. "Mga kapatid at pinsan mo?" tanong ni Kuyang Senior High. "Tapos ka na ba? Mukhang okay ka na. Edi simulan na natin." Humakbang ako ng dalawa palapit sa kaniya, napaatras naman siya sa gulat. "H-hoy—" Hinawakan ko siya sa kuwelyo ng Uniform niya. "Huwag kang aatras. Kaka-usapin kita." Hindi ko binibitawan ang kuwelyo n'ya. "Anong ginagawa mo dito ng hating gabi?" "H-hindi ba h-halata?" nauutal niyang sagot na parang tanong. Tss. "Kalmado ka nanaman nung nagtanong ka sa kapatid at pinsan ko, bakit bumalik ka ata kanina?" seryoso kong tanong. "K-kasi... N-nakakatakot ang p-paghawak mo sa a-akin." na uutal n'ya pa'ring sagot. Binitawan ko na ang pagkakahawak sa kaniyang kuwelyo. "Sagot na." Huminga muna s'ya ng malalim. "Kasi ano... Hindi ba halata?" Inulit n'ya lang ang naging sagot na parang tanong n'ya sa akin kanina. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD