CHAPTER ONE

1541 Words
CHAPTER ONE: ••• ••• "Positions Done?" Rinig ko ang magandang boses ni Athena sa suot kong earphone. "Yeahh." walang gana kong sagot sa tanong niya. Nananatili ang aking paningin sa sahig na aking Inaapakan. Nakasandal ako sa Isang matigas na pader. Habang nakasaksak sa magkabilang tainga ko ang aking kulay Itim na earphone. Kanina pa ako nakatayo dito at hinihintay kong lumabas ang target ni Athena. Nasa Grade 10, Section Earth ako nakasandal sa malinis nilang pader. Sa mga Regular section, First Section na ang Earth. Ba-se sa mga nalaman ko, masasama ang mga ugali ng mga studyante sa section nila. Hindi naman lahat talaga, may mababait naman, kaso mas marami ang masasama. Kaya nakakaawa sa section nila ang mga mababait. "HOY BW*S*T NATALIE! PAKOPYAHIN MO AKO!" "AKO DIN STEFFY!" "HABULIN NIYO DIN YUNG ISA! SABAY SILANG TUMAKBO NUNG NATALIE!" Tatlong hindi familiar na mga lalake ang patakbong dumaan sa harapan ko. May kasunod pa na Lima. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga ugali nila. "Hello Miss?" Napatingin ako sa nagmamay-ari ng boses na'yun. Nakatayo ang hindi familiar na babae sa gilid ko, nakataas ang kaliwang kilay at nakapameywang habang nasa akin nakatingin. Alam ko kaagad na ako ang tinawag niyang 'Hello Miss'. Kaya nga tiningnan ko siya bilang pagtugon. Pero hindi ko siya sinagot. Ano naman ang Isasagot ko? Parang nagtatanong siya sa sinabi niya dahil question mark ang nasa huli, pero parang hindi naman 'yun tanong, kaya anong Isasagot ko sa kaniya? Walang ka emo-emotion ang expression nang mukha ko habang nakatingin pa'rin sa kaniya. Hindi ako nakatingin sa mga mata niyang mataray na, sa Ilong n'ya ako nakatingin. Nagsalubong ang dalawang kilay n'ya. "What section are you?" tanong n'ya. Ramdam na ramdam ko ang Inis sa kaniyang boses. Sa tingin ko nangangati na ang babaeng to na sampalin ako. Ganun naman talaga ang ginagawa n'ya araw-araw. Sa twing napapadaan ako sa section nila, laging ganun ang nakikita ko. "Section Mars." pagsisinungaling ko. "Mars?" Naniniguro niyang tanong. Tumango naman ako bilang pagtugon. "At anong ginagawa ng mga lower section dito sa first section?" Ramdam na ramdam ko ang tunog nag-mamayabang niyang tinig. Pinagyayabang ng babaeng to na mas mataas siya kaysa sa akin dahil lang sa nalaman niyang nasa Lower section ako at siya ay nasa First section. Tama naman ang sinabi niya n'ya na Lower Section ang Mars. Hindi ko lang talaga gusto ang pagkakasabi n'ya na tunog nag mamayabang. Ang yabang. Tss. "Nasa First section ka nga," Umayos ako ng tayo. "Kaso hindi naman pang first section ang ugali mo." dagdag ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya Hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Napangisi ako saka dinaanan na siya. Umalis na ako sa lugar ng mga Section Earth. Ang ganda-ganda pa naman ng section nila dahil 'Earth'. Ang mundo kung saan nabubuhay ang mga tao. Kaso sa section nila, para silang Alien sa mga ugali nila. Maliban sa mga mababait na taga Earth na talaga. Mas pinili ko na lamang na mag lakad-lakad sa Ibang Class Buildings. Maaga pa naman. Maagang natapos ang klase ko, kaya maaga 'din akong lumabas. Kaya maaga 'din akong naghintay sa target ko—kay Athena pala. "Shia Francisco. 18 years old at Vice President ng Section Earth." rinig ko ulit ang magandang boses ni Athena. "Nakikinig ka pala?" walang gana kong tanong. "Of course Artemis." narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Tss." Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng palda ko. On-going pa'rin ang tawag ni Athena. "Wala ka bang balak na e-off to? Nagsasayang ka lang ng load Athena." tanong ko sabay balik ko sa loob ng palda ko. Inayos ko ang pagkakasaksak ng earphone sa tainga ko. Naka ponytail paitaas ang pagkakatali ng buhok ko, kaya kitang-kita ang suot-suot kong itim na earphone. Pero hindi naman nakikita kung ano ang meron dito. Dahil ang unang papasok sa utak ng mga tao, lalo na sa mga kagaya kong mukhang Manang, ay 'Music'. Akala nila ay nag-mumusic ako. S'yempre sinasabayan ko sila. Tss. "Huwag mo 'kong Igaya sa'yo' Artemis." Hindi ko na lang siya pinansin pa. Dahil boring 'din siyang kausap. At isa pa, hindi ko lang gusto ang pamamaraan niya. Naririnig ko siya, pero ako ay hindi niya lang naririnig, nakikita pa. Bumuntong hininga na lang ako. Habang naglalakad, marami-rami akong nakakasalubong na mga Studyante sa Ibat-ibang Level. Hindi ko maiwasan na tingnan ang bawat studyanteng nakakasalubong ko. May nakangiti, plastik naman. Kung titingnan ay nakangiti ang Iba, pero may Iba na napipilitan lamang. May Nakangiting kasama ang mga kaibigan, pilit lang 'din naman. Pinapakita nila sa mga kaibigan nila na nakikisabay at nakikisama sila, ngunit sa likod ng mga ngiti nila ay Isang malaking kaplastikan. Mayroon rin'g tumatawa, siguro may pinag-uusapang nakakatawa, pero halos nagmumukha siyang pilit na tawa lang. Ang Iba naman halos pagod na pagod na. Hindi ko sila masisisi, ganun talaga pag nag-aaral. Ang iba tumatakbo na sa pagmamadali. Malapit na kasing gumabi. Mahirap na baka mapagalitan ng mga magulang. Kaya sa sobrang pagmamadali nila, may nababangga na sila. Talagang malas lang ang mundo nila dahil sa Isang demonyo pa ata sila bumangga kaya nagkaroon na tuloy ng giyera. Tss. Masasabi ko na kalahati na sa mga kabataan ngayon ay halos peke na ang pinapakita. Sa panahon ngayon, may Iba na pinipilit nalang nilang maging masaya, pinipilit na ngumiti, tumawa at magpanggap na okay lang sila. May problema sila na tanging sarili lamang nila ang nakakaalam. Dinadaan nila sa ngiti at tawa ang mga problema nila para Itago. Parang Ako... Nananatiling walang ka emo-emotion ang expression ng mukha ko. Halos nalakad ko na ang buong Grade 8 and 9 Building. Kaya mas pinili ko na lang na bumalik sa puwesto kung saan ako nakasandal kanina sa Grade 10 Earth. Wala nang tao sa mga oras na'to ang Grade 10 Earth. Naabutan kong sarado na ang Classroom nila. Kanina ay mga Cleaners nalang 'yun. Naglilinis. Akala naman ng Iba ay naglilinis talaga. Tss. Nandoon ako, kaya nakikita ko ang pinaggagawa nila. Sumandal ulit ako sa malinis nilang pader. Malapit na'rin naman'g gumabi kaya signal nalang ni Athena ang hinihintay ko. Mag aalas-sais na, at hindi pa'rin tapos ang klase ng Target ko—Mali, target pala ni Athena. "Kailan ba ang labas nila?" tanong ko kay Athena na alam kong nakikinig pa'rin sa kabilang linya. "Six-Thirty Artemis." rinig kong sagot niya. "Six-Thirty... Paghihintayin mo pa ako ng kalahating oras para lang sa target mo?" walang gana kong tanong. May Utang ba yang Senior na'yan kay Athena? Bakit sa akin niya pa talaga Ibinigay? Target n'ya to, kaya dapat siya ang gagawa. Tss. Nilapitan ako ni Athena kanina sa Recess Time ko, kinausap at basta na lamang may Ibinigay. Isang Information Paper na naglalaman na Pangalan ng Isang lalakeng Senior High School Student. Hindi lang pangalan, dahil halos buong Background nito ang nakalagay. Sa madaling salita, Isang Information tungkol sa magiging Target n'ya sa Araw na ito. Hindi n'ya pinaliwanag sa akin kung bakit Itong Senior High School Student ang naging target n'ya. Dahil ang tanging nasabi n'ya ay... "You will do it for me Artemis."... Sinabi n'ya yan kanina, habang may ngisi sa labi. Tss. "Mission Start." rinig kong boses niya sa kabilang linya. Umayos na ako ng tayo at Nilakad ko ang Senior High Building. Magkatabi lang ang Grade 10 at Senior High Buildings kaya hindi ko na kailangan pang lumakad ng malayo dahil magkatabi lang ang dalawa. Pagdating ko doon, naghanap ako ng pwesto na madilim at pwedeng pagtaguan. Madilim na ang kalangitan, at magaling din ako pagdating sa larong tagu-taguan. Nakahanap na ako na pwedeng mataguan, at saktong-sakto sa pwesto kung nasaan ako ngayon nakatago, dahil tanaw na tanaw ko ang lalakeng target ni Athena—na ako ang gagawa. Tss. Nakikita ko mula dito ang Second-floor ng Senior High Building. Mula doon, sa Ika-tatlong classroom ng second floor, nakita ko ang paglabas ng target, sabay Isinara at Nilock niya ang pinto. Napansin ko na mag-isa na lamang ang target. Hindi ko alam kung pinili n'ya bang magpaiwan mag-isa at pinauna na ang Iba? O coincidence lang ang lahat? Nakita kong pababa na ang target sa hagdanan, lumiko siya sa gilid kung saan may daan papuntang— Faculty Room? Palihim ko siyang sinundan. Habang naglalakad siya ay palinga-linga din siya sa kaniyang paligid. 'Tinitingnan n'ya kung may tao pa ba o wala...' Sa Oras ngayon, Alas-sais e medya, wala nang mga Studyante, dahil alas-singko lamang ang uwian ng lahat. Ang uuwi na lamang ng alas-sais ay ang mga Cleaners. Kaya nakakapagtataka kung bakit ngayon lamang lumabas ang Isang Senior High School. Cleaners ba siya? O May tinapos siyang Project na kailangan na ngayon talaga tapusin? At Ipapasa n'ya ngayon sa Faculty Room? Sino naman ang pagpapasahan n'ya ng project kung ganun? Eh wala nang tao sa faculty room... Nadaananan ko ito kanina, at kanina pa nakalock ang faculty room. Kaya malamang hindi sa faculty room ang destinasyon n'ya. Tss. Bata pa lamang ako, ay sinanay ko na ang sarili ko na Itago ang mga emotion na makikita sa mukha ko. Kontrolado ko ang expression ng mukha ko. At pinag-aralan ko din ang bawat expression na makikita sa mukha ng Ibang tao. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD