CHAPTER SEVEN

1190 Words
Araw ng linggo pero heto siya nag bisi-bisihan sa kanyang opisina. Madami siyang gagawin kaya uumpisahan na niya ngayon kaysa sa matambakan siya bukas. Bukas ay schedule niya para bumisita sa mga sites. Total wala ang kanyang sekretarya dahil weekend naman ngayon kaya siya nalang ang nag maniubra ng mga kailangan gawin na ginagawa ng kanyang secretary. Pagtitimpla ng sarili niyang kape. Mag assemble ng projector. Mag double-check ng mga plano at iba pa. Total napapasipag nalang din naman siya bibisitahin na rin niya mamaya ang bagong pinapatayong ospital ni Jersey. Sa lahat ng mga nagiging under construction na pinapagawang building ng mga kaibigan siya lagi ang hagilap sa tuwing may natitipuhan silang designs. They like Kelton to be their Architect. Palibhasa well-known architecture siya! Habang abala siya ng pag titimpla ng kanyang kape sumagi na naman sa isip niya ang imahe ng isang tao na matagal na niyang hindi nakikita. Iniling-iling niya ang kanyang ulo bago pinagpatuloy ang ginagawa. Winaksi niya muna ang mga bumabagabag sa kanyang sestema at tinuunan ng pansin ang mga nakatengga na mga plano. Mga naka-rolyo pa ito at halatang hindi niya pa nasisilip. Ilang page din 'yon bago niya matapos pirmahan lahat ng pahina. Pipirmahan ang mga plano. Magkakape. Tatayo at mag yo-yosi sa balkonahe ng opisina. Uupo ulit at magkakape! Sa maghapon niyang pagiging bisi-bisihan sa kanyang opisina nagawa niya rin naman lahat ang dapat niyang gagawin na sana ay bukas pa. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon ng hindi man lang naii-stress. Maybe later before the sunsets down bibisita siya sa isang sites. Hindi pweding hindi niya bibisitahin iyon dahil umaalburuto na sa yamot ang may ari ng building na iyon! Hinilot-hilot niya ang kanyang magkabilang sentido bago sumandal pansamantala sa kanyang swivel chair. He need to rest his mind and eyes. Wala na siyang po-problemahin pa kundi yung pupuntahan nalang. In an unexpected hours may tumawag sa kanyang cellphone pero unknown number iyon. Hindi siya nag abalang imulat ang mga mata bagkus nakapikit parin ito habang patuloy parin ng pag tunog ang kanyang cellphone. This day he doesn't give a time on any who's disturbing his precious time. His time only his! Natapos ang pag ring ng kanyang cellphone pero nakapikit parin siya! Until he muttered a crisp curse! Nakaidlip siya dahil sa ringtone ng kanyang cellphone! Damn rigntone! Mukhang mapapalaban pa siya sa pag tulog samantalang may plano pa siyang pumunta ng site. Nag inat lang konte bago niya napagpasyahang simulan na ang byahe papunta sa site. Twenty minutes of ride hanggang sa makarating siya sa kanyang destinasyon. Parang mga langgam ang mga taohan niya kung titingnan dahil hili-hilira itong tumungo sa kanyang kotse kahit hindi paman siya nakakababa. Shades on at bumababa na siya. Kanya-kanyang batian ang mga taohan niya sa kanya at tango lang ang tanging sagot niya sa mga ito. Nilaan niya ang halos isang oras niya sa pag ikot sa boung under construction na building. Wala naman problema at ayos naman lahat. Pagdating sa mga materyales ay wala siya dapat ikabahala dahil on time lagi ang foreman na pinagkakatiwalaan niya. Mukhang mapapa-aga pa siya ng pag uwi sa lagay na ito. Medyo nag diwang ang kanyang isip dahil ni isa sa kanyang mga kaibigan ay wala man lang tumangkang tumawag o mag txt sakanya. Until he remembered the call earlier. Mabilis niyang dinukot ang cellphone na nasa kanyang bulsa. Tumaas ang kanyang isang kilay dahil sa unregistered number na tumawag sa kanya. Hindi niya binigyan ng oras iyon upang tawagan pabalik. Instead he deleted the unknown number. Wala sa bokabularyo niya ang mag save ng number na hindi niya kilala! Safe and sound siyang nakarating sa kanyang condo. Wala siyang balak ngayon na pumunta sa club. Mas mabuting mag papawis nalang muna siya sa pag ba-basketball kaysa sa mag papawis sa pag araro ng mga babae. He's not literally a womanizer! Parang papunta palang doon! Nakakatiis siya kahit isang linggo na straight na hindi makatalik sa babae so he is not totally a s**t when it comes to s*x! Ang katwiran niya maiilabas niya rin naman iyon kahit sa pamamagitan lamang ng kanyang kamay. At sa pamamagitan lamang ng kanyang imahinasyon sa isang babae maiilabas niya rin iyon! Mararating rin naman niya ang rurok na gusto niya! “Damn you self! Alas sais palang ng gabi pero kung ano-ano na ang nasa isip mo! Puro ka kamunduhan gagong Arkitekto!” mariing mura niya sa kanyang sarili. Napapiling na lamang siya bago tumungo sa kanyang kwarto upang kumuha ng towel. “Better to make a dribble than to think porn stuff,” naiiling niyang sambit habang papalabas sa kanyang unit. Tagaktak ang pawis niya at halos mapiga na ang kanyang jersey na sout dulot ng pawis. Mabuti nalang din at wala ni isang kumana na istorbohin siya sa kanyang paglalaro. Palibhasa weekend ngayon kaya yung ibang mahilig mag basketball na palagi niya naman nakakasama sa laro dito sa condo nila ay mga nagsi-uwian sa mga sarili nilang bahay. Because of that he can do whatever he wants. He likes to play basketball with himself. Alone. Mas gugustuhin niyang kalaro ang sarili. Pero minsan naman ay sumasali din siya lalo na kapag mga kakilala niya naman sa ibang cluster ang mga nagyayakag sa kanya. Kelton is a friendly man. Hindi mo siya makikitaan ng kayabangan. Kapag lasing lang naman talaga siya presko! Mas presko pa sa hangin na malalanghap niya kapag nasa bukid siya. Speaking of bukid bigla niyang naisip ang kanyang probinsiya. Habang nagpapahinga nakaupo siyang nakatukod ang dalawang kamay sa bench at nakatingala sa makulimlim na kalangitan. Iniisip niya ang mga alala niya noong nasa Batangas pa siya. Sa kanilang probinsiya kung saan naroroon ang kanilang Mansion. Higit sa lahat ang kanilang malaking negosyo doon. Kelton has the largest shares in his father's company. The NA Corp is their first ever company in the province. “Tss. I'll make a one month vacay. Siguro sapat na 'yon para lumanghap ng sariwang hangin doon,” nakangiti niyang sambit habang nakatingala parin sa kalangitan. Nakaramdam siya ng mumunting patak ng ambon kaya napamura siya bago nag madaling dinampot ang mga gamit. “f**k! Istorbo naman!” mariing saad niya habang tumatakbo patungo sa kanyang cluster. Kailangan niyang maligo agad dahil kahit konting patak lang sa kanya ng ambon ay siguradong lalagnatin agad siya. Mahina ang resistance ng katawan niya pagdating sa ulan. Napasobra naman s*x! Pagkatapos niyang maligo uminom agad siya ng gamot na panlaban sa sakit. Mahirap pa naman kapag nagkasakit siya. Matagal mawala! Maliban sa matagal gumaling nangangayayat din siya. That's why ganon nalang niya kung alagaan ang kanyang sarili. Lalo na at mag-isa lang siya. Tumunog bigla ang kanyang cellphone. Nag madali siyang tumungo sa sofa kung saan naroon nakalapag ang kanyang cellphone. Noong una ay tinititigan niya lang ang tumatawag. It's unknown number again pero sa hindi malamang dahilan sinagot niya ang tawag na hindi niya naman ugali na sumagot sa mga unregistered number. Natameme siya ng marinig niya ng boses sa kabilang linya. Napalunok siya ng lihim habang nakadikit parin ang cellphone sa kanyang tainga. First time niyang sumagot sa unregistered number.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD