Mag a-alas onse na nang gabi pero naglilinis parin siya sa library ng kanyang amo. Wala namang mga dumi ang dapat na linisin pero dahil inutusan siya ng kanyang amo kaya nilinis narin niya lahat. Inisa-isa niyang tinanggal ang mga libro na nakapatas at pinunasan ang shelves na pinaglagyan ng mga iyon. Mano-mano niya ring pinunasan ng basang basahan ang sahig. Doon siya komportable kaya iyon ang ginamit niya kahit may electric mop naman. Hindi niya alintana ang pagod at gutom sa kagustuhan na matapos na ang kanyang ginagawa dahil ayaw niyang madismaya ang kanyang amo kaya kahit wala naman masyadong lilinisin nilinis niya parin. Ayaw niya lamang na makarinig siya ng hindi ka aya-aya sa kanyang pandinig. Mas pinili niyang bumalik na lamang sa Mansion nang matapos silang magsimba ng kanyang ka