“You, where do you want?” turan ni Kelton sa kanya. Imbes na sagutin ito inihakbang niya ulit pataas ang kanyang mga paa at umuna nang tumungo sa library ng kanyang amo. Pakiramdam niya habang naglalakad siya bibigay ang kanyang mga tuhod pero masyado siyang matapang kaya hindi niya hinayaan na mangyari 'yon. Kahit ang mga mata niyang nakikiusap na kung pwedi ibuhos narin ang mga luhang nakaipon doon ngunit nagawa niya ring pigilan! Desperada na siya! Hindi siya pweding umurong dahil ayaw niyang pagtawanan siya ng lalaking hindi siya kayang pahalagahan. Sa halip na lingunin ang kanyang amo upang paunahin itong papasukin sa library ang ginawa niya siya ang nag lakas ng loob na mag bukas at umunang pumasok. Nakatayo siya tabi ng nakaawang na pintuan at hinihintay ang pagpasok ni Kelton. Haba