"Tsee, welcome ingat."sabay usad ng sasakyan ni bakla.
Nag lakad siya ng isang kanto, bago nakita ang building, na pinagtatrabahoan ng kanyang customer.
"Salamat hija, nagustohan ng mga anak ko ang huling order ko sayo, heto ang bayad." sabi nito, sabay abot sa bayad.
" Naku salamat po Ma'am, sa uulitin po, wag po kayong magsasawa na mag order ng mag order." birong totoo ko.
O diba, blockbuster ang aking kakanin, madalas sa mga okasyon, kaya naman ay kailangan niyang gumawa pa ng gumawa.
Nang matapos ang deliver ko, ay umuwe na rin ako agad, this time commute muna ako. Para pumunta sa sunod kung trabaho, ang mag luto ng ilalako kung lutong ulam, nagluluto siya ng mga kung ano anong ulam, then ibabalot niya sa styro, at inilalako niya sa mga call center agent, na malapit sa amin, madalas pa ngang kulangin.
Nang makauwe naman pagkatapos niya na maglako ng ulam, ay meryenda naman na banana cue ang aking inihanda, inilalagay niya lang sa lamesa sa tapat ng bahay nila, at pasapit naman ng hapon e nag luluto ako ng barbecue, yun ang daily routine niya, mahirap kung di ka sanay, pero kung willing ka naman na kumita at magkayod ng buto, para makapantawid gutom, e masasanay ka din naman.
Sa ganung pamamaraan ko, binuhay at itinaguyod ang mga kapatid ko, hindi ko kinakailangan na ibaba, ang aking dignidad para lang kumita ng pera. Kasi sa taong masipag maraming paraan, at diskarte lang ang kinakailangan niya.
ep 3-----
Drake kyler Tan
32 years old
Bachelor at isang bilyonaryo, certified chick magnet, women come and goes, no serious relationship, since then. Pinaka ayaw niya sa clingy na babae, kaya naman maaga palang, sinasabi na niya sa mga ito ang mga rules niya, mahirap nang mapaso siya, he is very careful on choosing his women.
Right now his parents, want him to get married and have kids, siya nalang ang single sa kanilang apat na magkakapatid isa lang ang babae Ate Dina niya lang at si Dwane na panganay eh 27 nang nabuntis ang asawa nito, ngayon si Duke naman na bunso ay may dalawa na supling, tanging siya nalang talaga, tinatakot na siya ng ina na ipakasal sa anak ng amiga nito.
Which is tinatawanan niya lang, kaya naman this time e. Ito na nga.
He don't mind that before, okay lang maikasal siya, total baka matutunan niya din itong mahalin kung kasal na siya, besides he thinks love can be learned in due time, not until he saw the girl in the highway, the only girl, that caught his attention.
The girl that hunt him even in his sleep, pinahanap niya na ito, he already hired PI to know the whereabouts of that woman, and it pissed him off. He only got a picture, nakailang balik na siya sa are na yon, pero nananatiling walang lead ang mga ito.
At isa pa sa nagpapasakit ng ulo niya ay ang nalalapit niyang kasal, yes he is engage to be married, kay Zharina, okay naman sana noong una, kahit pa tutol ang pamilya niya dito, ayaw ng mga kapatid niya dito bukod kasi nagpahayag ito na gusto nito ang yaman niya ay kabi kabila ang kinasasangkutan nitong eskandalo, at may mga balita pang kabet ito, ng dating mayor sa isang bayan.
At nasa mga pahayagan na ang petsa ng pag iisang dibdib nila, and it is not helping him at all, it pissed him off, gusto niyang umatras, kaya lang ay napasubo na siya, sila ng pamilya niya.
"Mom I want to cancel the wedding, may girlfriend ako ma." sabi ko kay Mommy, this is his last straw, kaya kailangan na makumbinsi niya ito, kung magpapakasal man siya, dun na sa babaeng yun, regardless kung pagmamay ari na ito ng iba, he would do everything to have that woman.
"Sana umatras kana nung una palang, malaking kahihiyan ito sa atin,at sa pamilya ng bride mo." si Mommy na pabalik balik.
"Oo nga naman Hijo, ano ang sasabihin ng mga tao sa atin, naku naman Drake." si Dad.
"Kuya, if valid naman ang reason mo sa pag atras, okay na rin na magbago ang isip mo, besides it's just an engagement, kesa naman kung kailan kasal na kayo saka ka nagbago ng isip." sabat ni Luke.
"May point si Luke Mom, will for me, okay na macancel ang kasal, I don't want that girl, to be part of our family," sabi ni Dina, thanks at may kakampi siya sa ganitong pagkakataon.
"Ikaw ang bahala, basta we will just prepare, kung sakaling matamaan na naman ng hangin yang utak mo, e at least ready na tayo.
"Sige, Kuya pero sumipot ka parin sa simbahan, talk to her, maybe parehas kayo ng saloobin, then, it would be easier for you." sabi ni Luke.
Bukas na ang itinakdang kasal at bukas na bukas aatras siya, kisihudang magalit pa ang ina. Pero alam niyang mas maiintindihan siya nito, lalo at ayaw naman din nito sa kanyang fiancee talaga, at maraming mga bad records. He could pay for damages or what so ever, basta wag lang siyang matali sa iba. He need that woman, and he will marry, just that woman.
Aina pov
"Ate tutuloy na kami, i lock ko yung pinto, baka mag tolog mantika ka na naman ah." bilin nito.
"Opo mga Sir, sige na tingnan mong maigi kung sariwa a, alam mo na yun." sabi ko, sabay taboy sa dalawa.
Pagod na pagod siya, kasi nga naglaba siya kanina ng mga kumot nila, baka kasi may water interruption na naman, e matatambakan siya ng labahin. Umalis na si Allan at si Alfred, isinama ni Allan na mamalengke ang bunso, lalo at matutulog siya. Akmang pipikit na siya, ng maulinigan niya ang tumatawag mula sa labas.
"Bakla, bakla,"tawag mula sa labas nakaidlip ako matapos na maglaba, masakit ang katawan ko. Bahagya lang siyang nag inat inat, at agad na bumangon ako para sumilip mula sa bintana ng silid naming magkapatid, si Peachy ang nasa labas, may kasama itong lalaki na pandak, maitim at medyo tagihawatin.
"O peachy, ano ang kailangan mo, pasok po kayo." aya ko sa mga ito, nag timpla ako ng juice, at kumuha ng tirang bananacue.
Pag balik ko sa maliit naming sala, e nakaupo na ang dalawa kung bisita, todo make up na naman ang Lola Peachy ko, as usual, with matching Ootd.
"Bakla di na ko magpapaligoy ligoy pa, may iaalok kaming trabaho sayo," sabi ni Peachy na nakangiti, mukhang big time, at dahil pagkakakitaan na naman ang usapan, ay agad na naging alisto ang aking mga senses. Dagdag ipon at puhunan na niya.
"Anong trabaho, tsaka magkano ang sweldo." magpapakipot paba ako, gora na basta okay naman.
Inilapag ng lalaki ang isang pahayagan. Napatingin siya dito, di pa kasi ito pinakilala ng kaibigan niya, at di naman sa nang aano siya, mukhang ka duda duda ang pagmumukha nito.