"Drake Kyler Tan, ikakasal na siya bukas sa nobya ko, gusto kung pigilan mo ang kasal, bahala ka kung anong strategy ang gawin mo, one hundred fifty thousand pesos ang ibabayad ko sa serbisyo mo." deritsong sabi ng lalaki mukhang seryuso ito. Napatitig siya dito, sa mukha naman kasi nito, di siya naniniwalang nobya nito ang babae, no offense meant, mas mukha itong driver ng babae, at akala pa nga niya kanina e pipi, ito.
Kinakabahan kung dinampot ang dyaryo, napakagwapo ng lalaki, matangos ang ilong na parang brazillian model ang mukha. May ilang shoot na nakangiti pero mas gwapo ito pag intense ang itsura mula sa mga larawan nito ay dumako ang mga mata niya kay Peachy.
"Pano kung idemanda ako?" tanong ko, ang alam ko kasi, pwede kang makulong once na nanggulo ka, lalo at big event iyon, at di lang yun, mukhang mga malalaking personalidad ang mga nandun, tiyak na magiging headline ang mga ganung event sa mga pahayagan, baka nkaa televised pa, lalo at modelo ata ang babae. Wedding of the year pa nga ang caption, ng article tungkol sa kasal ng mga ito.
"No need to worry, ako ang bahala sayo, bibigyan kita ng abogado na magaling, I will take care of the legalities."sabi nito, ay mukhang lubhang mapanganib ang ipapagawa nito sa akin, susmi.
'Tama paba ang lahat ng ito.' kakamot kamot akong napatingin uli dito.
"Ahm pag iisipan ko po muna pwde?" sabi ko nalang nakakalula ang presyo, maganda sana ang pera, pero nakakatakot. Baka mas matindi ang magiging balik, lalo at digital na din ang lahat, digital na ang karma, Oo gusto niya ng pera pero, hangga't maari e sa malinis na paraan lang sana mangagaling.
"Bukas na ang kasal, kaya sabihin mo kung ayaw mo, para makakita pa kami ng gagawa na iba."sabi nito.
"Bakit, di ikaw nalang ang pumigil sa kasal?," tanong ko dito.
"Hahanap ba ako ng ibang gagawa, kung kaya ko naman?," balik tanong nito, sabagay kung ganyang mukha, e di naman sa nang aano ako, pero kahit pumigil ito sa kasal e, matutuloy padin naman.
"Ay, ano ba yan, nagdadalawang isip kasi ako e." sabi ko sa mga ito, tatlong isip pa nga kung tutuosin, gusto niya sana munang timbangin, ang mga bagay bagay, bago siya gagawa ng desisyon. Lalo at panghabang buhay, na pagsasama ang bubuwagin niya, kaya ba ng konsensya niya, maaatim niya bang manira, ng pagmamahalan ng iba. Para lang sa pera, talaga nga namang money works.
"O ano, papayag kaba? kasi kung hindi e iaalok ko sa iba," untag nito sa pananahimik niya.
"Sige pumapayag na ako", nabibigla kung tugon, napangiwi ako, shittie ka Aina, paano na yan, kaya mo ba talaga?.
'Lord patawarin nyo po ako, kung magpapasilaw ako sa salapi.'
Dumukot ang lalaki ng bungkos ng pera, mula sa bag na dala dala nito. Mukhang mainit init pang pera, galing sa bangko malamang.
"Bweno ito ang kalahati ng bayad, ang kalahati makukuha mo pag nagawa mo na, mauuna na ako." sabi nito, na tumayo na, iniiabot nito ang sobre, nanginginig ang kamay kung na kinuha ko at sinilip ang laman ng sobre, diyos ko po ang dami. Hindi pa siya nakahawak ng ganun kakapal na pera, sa tanang buhay niya, ngayon palang, nakakakaba at nakakatuwa diba, pero nang maisip ang kapalit ng gabungkos na pera na iyon, ay nanlumo ako, sa masama, pero isang pagkakataon lang to, ngayon lang niya ito gagawin, sa tanang buhay nya, ang lumabag sa kanyang prinsipyo at konsensya.
Nang makaalis ang lalaki, ay naiwan si Peachy, tinitigan ako nito, alam kung genuine ang pinapakita nitong malasakit para sa kanya, lalo sa mga kapatid niya.
"Bakla, natatakot ako, ano ang drama ko pag dating dun." sabi ko kay Peachy, yun pa nga pala ang pinuproblema ko, anong gagawin ko, sisigaw ba ako agad na, itigil ang kasal?, mga ganern, di niya alam.
"Bago ka mag emote dyaan, bihis na dali bibili tayo ng damit mo." sabi nito, alam niyang kailangan nga niyang bumili ng maisusuot bukas, lalo at di basta bastang tao, ang pipigilan niya ng kasal.
Tila di siya makatayo, sa kinauupoan, shocks nininerbiyos siya ng bongga.
"Magbibihis lang ako," sabi ko, bago ako tumayo, at naligo, naghanap ng bihisan, nang makagayak ay bumaba na siya, naghihintay na din kasi si Peachy.
"Haist, bakla ka, bakit ka kasi pumayag, kung nagdadalawang isip ka. Ano tara na?" tanong nito.
"O-oo, tara na," sabi ko dito, tahimik kami sa biyahe, di siya mapakali, at lalong dumoble ang kanyang kaba, paano ang mangyayari sa kanya, pagkatapos ng pagpigil niya ng kasal bukas.
Ang pagkakakulong ang kinatatakotan niya, lalo at yun nga risky, ang kangyang gagawing hakbang. Maraming maaapektuhan, syempre sa kasal, andun ang pami pamilya ng groom at bride, paano kung bogbogin siya, buti kung makatakas siya agad.
Papano kung mahuli siya diba, paano na ang mga kapatid niya, ano ang mangyayari sa kanila.
"Hoy, relax ka nga diyan, nandiyan na yan, kaya panindigan mo, kanina may choice ka, pero pumayag ka, Tapos ngayon aayaw ayaw ka." si Peachy.
"Nag aalala kasi ako Peach, paano kung makulong ako, sa gagawin ko, paano ang mga kapatid ko?", tanong ko dito.
"Ako ang sasalo sa kanila, kung sakaling makulong ka." biro nito.
"Peachy!" nanlalaki ang mga mata na sita ko.
"Haha, joke, ayon sa source ko, di naman talaga mag jowa ang ikakasal, parang agreement lang, so kung di man matuloy ang kasal, no feeling na maaano dhai, kaya kalma ka lang, okay." sabi nito, na kahit papano e nakagaan sa kanyang alalahanin.
"O ano, nahimasmasan kana?, tara na at, ipapa spa kita ipapa wax natin ang meuw mo. para may pag asa ka na makasungkit ng papa, at syempre dapat gwapo din kagaya nung groom."sabi nito nagpa ti anod na ako.
Gaya ng napagkasundoan nila ni Peachy, inuna nila ang pamimili ng susuotin niya kinabukasan, mas maganda ang taste ni Peachy, compare sa kanya, kaya hinayaan na niyang ito ang pumili, lalo at medyo nasa Mars ang kanyang utak, lulutang lutang sa space.
"Isukat mo to dali," sabi nito, sabay abot ng kulay puting dress na, hanggang kalahati lang ng hita ko ang haba, pero desinte naman.
Agad ko namang sinukat, kahit siya e nagandahan sa damit, simple pero, kabog sa pagka hubog nito sa katawan niya, medyo pumangit lang ng makita niya ang presyo, diyos ko dhai, parang isang sakong bigas na ang mabibili niya, sa isang kapiranggot na tela na yun.
"Ayan, bongga ka dhai, o siya ayan, kukunin na namin Miss, paki check nalang kung may damage," sabi nito, lalabhan nalang niya mamaya pagdating, kasi diba.
"Papalaundry na natin yan dito, para naman, magamit mo na agad bukas, matatagalan naman tayo, sa spa." sabi nito.
Nagpatianod siya dito, maging nung sapatos na niya ang binili nila, lalo at pagkataas ng takong ng una nitong pinili, ayun dito, dapat mataas ang heels niya, kasi matangkad daw yung groom.
"Sa parlor ko na tayo punta after mong magpawax, tiis tiisin mo nalang yung sakit Mams, dun na tayo magpapa manicure at pedicure sa parlor ko, dapat match sa damit mo ang iyong, awra." sabi nito.
Di naman masakit, kasi trim lang naman ang ginawa ng mga ito, maliliit naman daw yung pubic hair niya, so yun okay na yun, dinaanan namin ang damit after naming kumain, buti at kakilala ni Peach, ang sa laundry, mabilis nilang makukuha.
Nagpunta kami sa parlor nito, inayos ang gupit ng buhok niya, nilagyan ng mga oil oil ,churva para daw may glow ang buhok ko. At halos di ko na namalayan ang oras, magagagabi na nang makauwi ako sa bahay.
Nagtataka ang mga kapatid niya, syempre never pa siyang nag ayos, kung sa bahay at palengke lang naman. Lalo ang magpa parlor.
"Pinagtripan ako ni Peachy." paliwanag ko kay Alice at Alexa, pagdating ko sa bahay. Di na naman nag usisa pa ang mga ito, at maganda naman daw ang kinalabasan nito.
Lutang ako kahit hanggang nang gabi nakatologan ko na ang pag iisip.