chapter 3

1116 Words
Nung nakaraan, ay nabanggit na naman nito ang tungkol doon, at nakapagtabi na din siya ng pambigay, alam niyang tatanggi ito, kung meron lang din naman itong sariling pera, pero pag wala ayon humihingi din minsan, except sa mga maliliit, kasi wala pa silang, source of income. "Salamat te, sa 16 nitong buwan, tatlong gabi at apat na araw din kami doon." sagot nito. "Sige, bili ka ng chicharon nila at danggit, padalhan kita ng pera, pambili." sabi ko dito. "Sige Te, sayang nga e, mahuhuli ata ang bigay ng thirteen month pay ko, bibili sana ako ng t-shirt nating magkakapatid." sabi nito. "Yaan mo na, papa print nalang tayo sa Quiapo, mura pa." sabi ko dito. "Haha, Oo nga no", sabi nito na naupo. "Kumain ba ng gulay ang dalawang bubwit?", si Adelle at si Alfred ang tinutukoy niya, pihikan kasi sa ulam ang mga ito, mas gugustohin pang mag asin, kaysa mag gulay. "Oo napikit namin ni Alexa." sagot nito. "Umuwe din pala yun si Lexa, tolog o umalis uli?" tanong ko, nag board kasi ito, kasi nga kailangan nitong tumira sa malapit sa work place nito. "Tolog, galing dun sa kaibigan niyang mayaman, may dala ngang mga make up at bistida, bigay daw ng Nanay nung bestfriend niya." sabi nito, naikwento yun sa kanila ni Lexa, at binalaan niya baka, masama ayun dito e mababait naman daw. "Haha, so binigay sayo?", tanong ko, ito lang kasi ang mahilig sa mga ganun, siya kasi nagkakasya na sa ukay ukay, lalo at sa palengke at pamamasada lang naman siya naglalagi. "Oo, ang gaganda nga e, yung dalawa sayo yun, itinabi ko sa damitan mo, at may inorder pala akong, panty nilagay ko na din, bayad na yun, kaya wag ka nang mag alala." sabi nito. "Sus, di namana ko umaalis alis, maluluma lang yan sa lagayan." sabi ko. "Pang simba mo, o sa graduation ko, para pang malakasan naman ang porma mo, malay mo mainlove sayo ang prof namin." sabi nito na ikinatawa niya, sa estado nila sa ngayon, ay wala sa isip niya ang pag nobyo nobyo, kahit pa nga may mga nagtatangkang manligaw sa kanya, ayaw niya, kasi kailangan niyang mag focus, sa pag aalaga sa mga kapatid niya, ayaw niya ng distraction. "Bahala ka na nga, ito o, idagdag mo sa pang allowance mo," iniabot ko ang dalawang libo, isang libo lang ang kinuha nito. "Okay na to te." sabi pa nito, pero wala na itong nagawa ng isiksik niya sa bulsa nito, ang isang libo na ibinalik nito. "Kunin mo na yan, mahirap kung nandun kana, tsaka ka maubosan ng pera." sabi ko dito. "Te, di kaba nahihirapan sa pag aalaga sa amin?" tanong nito, ayoko ng ganitong usapan kasi naiiyak ako, pero alam kung seryuso ang pagtatanong nito. "Nahirapan din, pero masaya akong gawin to para sa inyo, masaya akong buo tayo, kahit hikahos man, lalo at kailangan kung asikasohin kayo, lalo maliliit pa ang mga kapatid natin." sabi ko. "Ngee paano kung tumandang dalaga ka, di ka makakatikim ng lalaki niyan? haha." pinandilatan ko si Alice, off limit sa akin ang mga ganitong joke, kasi nga virgin mary pa ang Lola nyo at alam ng mga kapatid ko iyon, lalo at simula't sapul at wala siyang pinagtuonan man lang ng pansin na manliligaw. "Hayaan mo na, basta okay kayo, sige na matolog na tayo, paggabi na o." taboy ko dito. "Night Ate" agad itong lumayo kasi umiiwas na makurot ko, Niligpit ko ang kinainan ko at hinugasan, sinilip ko muna ang mga kapatid ko, kinumutan saka nag half bath at naghanda nang matolog, pagod ang kanyang katawan, kung kaya naman ay kaagad siyang iginupo ng antok. Kinabukasan, maaga palang gising na siya para mag luto ng i deliver na mga kakanin sa may taft. May order sa kanyang apat na bilao ng kakanin, madalas sa sss siya naglalako ng mga kakanin leche plan, ube halaya at kung ano ano pa. Malaki ang kita niya, simula nung sa sss siya nag post ng paninda niya, di na niya kasi kailangan na isa isahin, pag may order mabilis ang transaction. Marami ang dala niya, pero okay lang kasi naman, sinasabay siya ng kaibigan niyang bakla na may parlor malapit sa Taft ave. Mabait si Peachy, kaya wala siyang bayad sa pamasahe lalo at kaibigan siya nito, kaya kahit papano di siya mahihirapan, nakakatipid pa siya sa pamasahe. "Bakla, here na me, wer na u" biro ko ng makita ito sa harap ng second hand na sasakyan nito, nilakad ko ang hanggang sa bahay nito, malapit lang naman. "Tseee, bakit ang badoy na naman ng damit mo, diyos ko mama, sayang ang ganda mo kung ganyan ang ayos mo." nakangiwi pa ito sinipat ko ang palda kung soot hanggang sakong at yung blouse ko na kupasin, ni pulbos nga di man lang sumayad sa pisngi niya. "Wag ka nga diyan, magtitinda lng ako ng kakanin, di ko naman kailangang mag gown o mag swim wear, wala naman akong ibang pupuntahan." sabi ko, sanay na ko sa ganitong, get up, tuwing may sasalihan akong pageant, ay ito ang sumasagot sa lahat ng kakailanganin niya, as in free, kaya nga sanggang dikit sila. Akmang papasok na ako sa sasakyan, nang pigilan siya nito. "Hep hep ayoko ng pangit na kasama, baba diyan at isuot mo to, sakalin kita diyan e." sabay lapag sa dala kung kakanin, at hinila ako papasok sa bahay nito. May iniabot ang isang dress na kulay asul, at isang pares ng sandals, inayos ang mukha ko pinahiran ng powder at kunting lipgloss at inayos ang buhok kung tuwid na pinusod ko kanina, hinayaan lang na nakaladlad. "Tama na yan bakla, baka makalbo ako,"reklamo ko, medyo maarte kasi ako, di ako komportable na hawakan sa buhok, kasi parang kinikialbotan siya, iwan ba niya di parin siya masanay sanay. "Hoy bruha, stylist ang kasama mo, tapos ikaw chaka chaka, ano ang sasabihin ng kleyente ko aber, na di nga nito mapaganda ang mga amiga's niya, tapos paparlor parlor pa." nakapa meywang pa ito. "Oh siya bahala ka na nga jan, wala na akong say diyan, ikaw na ang masusunod, mahal na reyna." yumukod pa ako,bago ko hinayaan na, mabilis naman na natapos kami, nag text ako kay Miss Robles na malapit na ako. Ang mga kakanin na dala niya, ay ipapakain niya kasi sa mga office mate niya, wish niya lang ay, mas maraming orders. Nang makababa, ako ng sasakyan pabiro kung kinindatan si Peachy. "Bye peachy baby, thank you for the lift." sabay flying kiss at lumihis ang tingin ko sa dumaang sports car, Kita ko ang pagka tulala ng mga sakay nun, nasa gilid pa naman ako ng kalsada, nakakahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD