2

1025 Words
Nang makaalis na ang mga kapatid niya, ay saka nilinis niya ang bahay, mula sa mga silid ng mga kapatid niya, hanggang sa may kusina nila. Kasi malamang tila binagyo ang kanilang bahay,lalo at di niya maasahan ang mga kapatid na nasa kolehiyo na, lalo at may mga duty pa ang mga ito. Nang matapos, siya sa pag imis ng mga kalat, ay saka palang siya naligo at gumayak na sa pamamasada. madalas ay tampulan siya ng tukso sa paradahan, lalo at may mga mangilan ngilan din naman silang ka toda na mga binata, at feeling binata, yung mga tipo ng lalaki na, wala nang maalalang asawa pag nakalabas ng bahay. "Naku ganado na naman tayo mamasada nito." pagbibiro ni Mang Elmo, kilala na ako dito, ilang beses na din akong nasali ng mga pageant, sayang din kasi ang perang makukuha, lalo at kung minsan, marami ang mga nagiging sponsor, umaabot ng limang libo ang premyo, di ka makakapulot ng limang libo kung di ka sasali. "Naku kayo po talaga Tatay Elmo, ako na naman ang napagdiskitahan nyo." sabi ko nalang na iiling iling , nag umpisa na akong mag tawag ng mga pasahero, mas maganda kung pakyaw o espslesyal, di mo na kailangan mag hintay na mapuno, kasi isa lang larga na agad, pag galante ang pasahero e may pa tip pa. "Alam mo Neng, dapat mag artista ka aba eh, kagandang bata mo, namamasada ka lang, iitim ka lang sa lansangan." sabi ng matanda ,napakamot ako nahihiya akong makarinig ng ganung papuri, kahit naman lagi pa iyon naririnig niya. Lalo kung magsama sama silang magkapatid, mga pogi at magaganda sila, maganda pa ang kutis, sa height lang sila kulang, pero kung pagandahan ang usapan, panalo na sila. "Saan ho ang baba nyo Lola? " tanong ko nalang medyo nilakasan ko, kasi malakas ang hangin at matanda pa ang kausap ko, baka di kami magkarinigan. "Sa may Torres lang." sagot nito, hininto naman niya agad. Nang makababa ito ay iniabot ang bente pisos, nang masuklian ay agad niyang pinaharurot ang kanyang minamanehong motor. "Alam mo besh may kilala akong talent scout, pakilala kita, pwede kang bold star." napangiwi ako sa parang pokpok kung pasahero, makapal ang make up niya. "Di na ho, salamat nalang." sagot ko dito, kung noon ngang naghihikahos sila e, di iyon sumagi sa isip niya, ngayon paba, aanhin niya ang pera kung tila ka namang maduming babae, sa paningin ng ibang tao. Di baleng naghihirap kami, basta nabubuhay kami ng marangal, at may dignidad. Mamaya maya pa ay muli na naman akong bumiyahi, nakailang balik balik din ako, bago ko napagpasyahan na pumarada na, dahil medyo malalim na ang gabi, at antok na din naman siya, kinakailangan niya ding alagaan ang sarili niya Ayaw niyang mabangga sa sobrang antok, sa sobrang pagka sugapa sa salapi, ay baka matsugi pa siya. Di mababayaran ng pera ang buhay ko. Lalo at kailangan siya, ng mga mas nakababata pa nilang mga kapatid, alam niyang malakas ang mga ito, kasi nagdadamayan silang lahat, ayaw niyang mabigo ang mga ito. Pag ganitong alanganing oras na, medyo doble ang pag iingat niya, lalo at babae pa siya, di mo mawari kasi ang iniisip ng mga masasamang loob, ayaw niyang matyempuhan ng mga ito. ep 2--- Habang pauwe ng bahay, ay kinikwenta niya ang pera niya sa isip niya, may ipon naman siya pang emergency, nadala na siya nung nagkasakit si Allan na halos nabaon siya sa utang.Ang pera niya ngayon isang libo ang maidadagdag sa ipon niya, nag babalak din kasi siyang mag tayo ng maliit na tindahan. Sa harap kasi ng bahay nila, may space na pwede silang magtayo ng maliit na sari sari store, at bigasan. Lalo at malapit na mag desyembre, kahit papano malaki din ang maidadagdag sa kanilang panggastos sa araw araw, para may pang handa sila, balak niyang mag handa sa pagtatapos ni Alice. Nang sapitin niya ang bahay nila ay, wala nang halos tao sa daanan, pero tiwala naman siyang walang gagawa ng masama sa kanila, lalo at matagal na sila sa lugar na iyon, bukod pa sa tropa ng kapatid niyang si Alexa, ang halos lahat ng kanto boys. Eh daig pa nito ang lalaki kung pumorma, binuksan niya ang gate nila, maliit lang iyon, kinumpuni ni Allan nung nakaraan, parang maliit na gate, para may space kahit papano, kumatok siya sa mismong pinto nila. "Tok tok tok", mahina lang ang ginagawa kung katok, syempre baka pati ang kapitbahay nila e, mabulabog ang mga ito, e malintikan sila, sabagay e minsan lang naman siya umuwing gabing gabi na, tuwing byernes lang naman, at lalong walang lasing na umuuwe sa kanilang magkakapatid, lalo at yun ang dahilan ng maagang pagpanaw ng kanilang ama, kaya naman ay isinumpa nilang wala nang matutulad sa Tatay nila, kahit si Allan ay ganun ang naging pananaw, kahit lalaki pa ito. "Alice ako to." sabi ko, ilang sandali lang ang hinintay ko, maya maya pa ay binuksan na ni Alice ang pinto, mas matangkad si Alice sa kanya ng ilang pulgada lang naman, at mas mahilig itong magpahaba ng buhok, na nakakadagdag ng mahinhin look nito. "Kumain ka na muna ate." sabi nito, tumayo ito, para ipaghain siya, hinayaan ko na maghain siya lalo at pagod na pagod siya, namimintig ang kanyang mga kamay. "Kumusta naman ang pag aaral mo? " tanong ko dito, lagi siyang ganun sa mga kapatid niya, gusto niyang alam niya, ang mga nangyayari sa buhay ng mga ito, ayaw niyang malaman nalang niya e nakasabit na sa puno, kasi nagbigti, lalo at nagbibinata at nagdadalaga na ang mga ito. Lalo at, napaparami na ang dumaranas ng mga depresyon, at nag suicide nalang bigla, now a days, ganun ang tendency ng mga bata, na walang mapagsabihan ng mga problema. "Ayos naman Ate, kaya lang may field trip kami sa Cebu sa sunod na linggo te, may naitatabi naman ako dito te, kaya lang pambayad lang wala akong allowance, manghihiram ako sayo." sabi nito na nakamasid sa pagkain ko. "Sige dadagdagan ko, kailan ba yung alis nyo?" Tanong ko dito, sabay subo ng kanin at galonggong. May gulay na pechay na ginisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD