Kakamot kamot sa ulo si Aina, habang nasa hapag kainan siya, sa harap nya nakapila ang apat niyang nakababatang kapatid, natatawa siya na di niya mawari, usual scenario na yun sa buhay nila, hihingi ng allowance at kung ano anong bayarin, ang kailangan ng mga ito sa kanya.
Ganito na ang eksena nila dati pa man, mula pa noong limang taon na ang nakaraan.
Mula nang sabay na namaalam sa mundong ibabaw ang mga magulang nila.
Biglaan ang pagpanaw nang mga ito, at dahil siya ang panganay sa anim na magkakapatid. Sa mura niyang edad, ay naatang sa kanya ang responsibilidad na buhayin, ang kanyang mga nakababatang kapatid, ayaw naman niyang magkawatak watak sila. Anim na taon palang ang bunso nila ngayon, isang taon palang ito ng maulila sila, kaya naman todo kayod siya, hangga't maari ay pinupunan niya ang pangangailangan ng mga ito, kaya ito, tiis tiis is the key, bill ng ilaw, tubig, ang una niyang tiningnan, basic na pangangailangan muna.
"Susme bayaran na pala ito." iiling iling na sabi ni Aina, habang binabasa, ang mga kung ano anong Fee fee na nakalagay, mga generation charge lang naman at karamihan mga number ng bayarin. Kung susumahin ay susmaryusep ang suma total niya.
Di naman umaabot ng libo, pero sa mga kagaya nilang dukha, e ang mga hundred hundred na yan, ay malaking bagay, pang kain at pangbaon na din sana ng mga kapatid niya.
"Ate pahingi pambili ng libro, activity book kasi yun te, may pera kapa diyan te? kung wala maglalakad nalang po ako papasok, may tatlo na po kasi akong ihahabol na activity." ungot ni Allan, first year college na ito, kumukuha ng Electrical engineering, gusto niyang makapagtapos lahat ng mga kapatid niya.
Ayaw niyang matulad sa kanilang buhay, ang magiging buhay ng mga ito sa mga susunod na taon, sa edad na eighten eh di hamak na mas matangkad na ito sa kanilang mga Ate nito, at malaking bulas ito.
Pinagpapasalamat niyang mababait ang mga ito, pawang masisipag na mag aral, at nakakatulong niya ito sa paglalako ng kakanin pag araw ng sabado at linggo, yun ang isa sa kanilang kinabubuhay, at proud siyang sabihin na kinaya nila, kahit na maaga silang naulila.
Ang sumunod sa kanya ay si Alice 25, na nag aaral din kolehiyo, kaya lang working student ang kapatid, nasa huling taon na ito, sa kursong education, sa susunod na taon awa ng diyos ay magiging ganap na guro na ito. At alam niyang makakaahon din sila.
Siya di na nya inisip na mag aral, pagkat di nya pwedeng pabayaan ang mga nakababata ap niyang kapatid. Kinailangan niyang isantabi ang kanyang mga pangarap, para sa mga kapatid, sa edad na 27, ay hanggang third year college lang ang inabot niya.
Nang magkasakit ang Nanay niya ay napilitan siyang humintong mag aral, kung sakaling palarin, ay balak din naman niyang mag aral, lalo at isang taon na lang ang bubunoin niya, sayang din kasi malaking bagay din kasi kung nakatapos ka ng pag aaral, napatunayan niya iyon ng mga panahong nag aapply siya ng trabaho, mas priority nila ang mga tapos sa pag aaral.
Si Alexa naman ay 23, at ganun din nag aaral sa kolehiyo, civil engineer ang kinukuha nasa ikalawang taon palang, pagkat ilang units lang ang kinukuha, kada sem. Lagi kasi itong nag working student, bukod sa schoolar ito ngayong taon, kaya gusto na nga niyang patigilin sa kakaworking. Para kahit papano, ay hindi tuboan ng katamaran sa pag aaral, usually kasi pag ang mga estudyante e nasanay na kumikita na, e pinapabayaan na ang pag aaral. Tsaka naawa na din siya dito, ito kasi ang mas nagbibigay sa kanya, katuwang niya ito sa pagbuhay sa kanilang mga kapatid, kay Alice kasi bigas ang kinapupuntahan ng bigay na pera nito.
Si Allan ay 19 na ang edad, at ang sumunod si Adelle 10 ang bunso si alfred ay anim na taon palang, alagain pa kung tutuusin, pero alam namin na gagabayan kami nila Nanay at Tatay saan man sila naroon.
Sobrang hirap ang dinanas niya, noong kamamatay palang ng mga magulang, lahat sila nahinto na mag aral, bukod kasi sa bata pa sila, e wala silang mga kaanak, na lumapit para sana umalalay sa kanila. Mabuti at may mga kapitbahay na may malasakit sa kanila.
Halos mamalimos sila noong mga panahong iyon, nag umpisa siya sa isang daan piso, sahod niya sa pagbantay ng tindahan sa labasan, ginawa niyang puhonan, marunong siyang magluto ng suman, yun ang naging umpisa niya, unti unti kinaya niyang buhayin ang mga kapatid. Di man maalwan, pero sinisigurado niya na kumakain ang mga ito nang naayon sa oras, na di ang mga ito magutom. Pag bagyo noon nililipad ang bobong nila, kaya pinag ipunan niya na bumili ng pampaayos, awa ng diyos na semento na niya ang kabilang bahagi, para matibay tibay naman.
"O ayan na ang mga pamabayad niyo, at mamaya Allan daanan mo si Maam Domingo kunin mo ang bayad sa laba nung linggo. Tapos mamaya bumili ka ng ulam nyo. Yung may gulay ah para masustansiya naman." bilin ko sabay abot ng pera sa mga ito.
At yun na nga sa dalawang libo ko, ay dalawang daan nalang ang natira. Pero okay lang naman, at least diba nabayaran ko na lahat ng mga dapat bayaran. At ngayon nga byernes na naman, ibig sabihin mamaya may racket na naman siya. Pag tuwing byernes ay nagbibiyahe siya ng tricycle ng kapitbahay nila. Malaki laki din ang kikitain niya mula umaga hanggang gabi o minsan madaling araw pa, siya bumiyahe mas kikita siya kasi konti lang ang pumapasada sa mga ganung oras, at araw ng uwe ng mga nag tatrabaho mula sa weekdays.
Sa tuwing ganitong araw, ay medyo nakakahinga siya ng maluwag, kasi madalas na nakaka tatlong libo siya, sa loob ng isang araw lang, at dagdag rin niya iyon sa ipon niya. Maigi at may bahay sila at di na nila kailangan mangupahan, pagkain ilaw tubig at pang baon lang ang kailangan niyang remidyuhan at hanapan ng solusyon.