Ayoko pang humiwalay kay Therese kaya inaya ko siyang mag-breakfast. Noong una ay nag-alangan pa siya dahil sa suot na ternong pajamas pero sa huli ay nakumbinsi ko siyang sumama nang sabihin kong sa tabing dagat ang punta namin. Kaya heto kami ngayon sa isa sa mga property kong sakop ang beach, thirty minutes drive from the bread and pastry shop. Pumwesto kami sa isang open cottage na may pinasadyang mesa at couches kung saan ay halos ilang hakbang na lang ang dagat. Mula sa kinauupuan namin ay tanaw na tanaw ang magandang sunrise. Ngayon ko lang na-appreciate ang ganitong tanawin dahil siguro iyon sa kasama ko sa mga oras na ito. I have black coffee while she has milk chocolate and of course the bread she bought from the shop. "Wow, ang ganda ng sunrise rito," namamangha niyang bu