Eight hours, twenty-three minutes, and fifteen seconds na mula no'ng maihatid ko Therese sa bahay nila kagabi. Kagabi rin ako halos 'di makatulog dahil sa kakaisip kung gaano kalambot ang mga labi niya. Kung hindi ako nagkamali ay malapit nang magbukang-liwayway nang tuluyan akong nakatulog. At ngayon ay maaga akong nagising pero siya agad ang gusto kong makita. Kapag ganitong araw ay dapat mamayang alas diyes ng umaga pa ako magigising pero wala pang alas nuwebe ay heto at dilat na dilat na ang mga mata ko. Malakas akong napabuga ng hangin bago tuluyang bumangon. Mayroon dapat akong ka-appointment kagabi pero hindi ko sinipot dahil mas pinili kong samahan si Therese. Walang halaga ang milyones na maaaring mawala sa'kin dahil mas importanteng masiguro ko ang kaligtasan ni Therese mu