Ito iyong pangalawang beses na ihahatid ako ni Claude pauwi. Iba na naman ang gamit niyang kotse ngayon. Napapaisip na lang talaga ako kung ilang kotse meron siya. Tahimik lang ako sa tabi niya habang binabaybay namin ang daan pauwi. Hindi pa kami gaanong nagtagal sa byahe nang bigla ay namatay iyong makina ng sinasakyan namin. Napahinto kami sa bahaging wala gaanong dumadaang public vehicle at madalang lang iyong mga nagagawing pribadong sasakyang tuwing ganitong oras. Wala kasi gaanong establisyemento sa unahan nito kundi ay mga subdivision at merong mas accessible na daan sa kabilang bahagi kaya iyong malapit lang sa address namin ang kalimitang gumagamit sa daang ito. "Anong nangyari?" kunot-noo kong tanong kay Claude. "Nasiraan yata tayo," tugon niya. "Paano na iyan?" nag-alal