Sa pamimilit nina Lyk, Mae, at Amor ay napapayag nila akong sumama sa kanilang lumabas nang sumunod na gabi. Halos pagtulakan ako ng pamilya ko na magkaroon ng social life kaya heto ako ngayon at kasama ang tatlo kong baliw na kaibigan papasok sa isang bar. Nang malaman ko kung saan kami pupunta ay gustong-gusto ko nang mag-back out kanina pero binantaan ako ng 'friendship is over' no'ng tatlo kaya heto at mukhang madadagdagan na naman ang kasalanan ko. Ilang beses na akong napaantada dahil ito iyong unang punta ko sa isang bar. Noon ay sa prayer meeting lang ako ginagabi pero ngayon ay gabi na kaming umalis ng bahay. Kararating lang namin pero gusto ko na agad mag-ayang umuwi. Hindi naman ako nakatira sa liblib na bundok na walang kaalam-alam sa mga ganitong lugar kaya may ideya na a