chapter 21

1960 Words

Kung nakakamangha na ang labas ng bahay na pinagdalhan sa'kin ni Claude ay mas nakakalula ang loob nito. May mga nagkakasiyahan na nang pumasok kami ni Claude at muntik na akong magtago sa likuran niya nang tumuon sa'min ang atensyon ng lahat ng mga naroon. "Claude," masayang salubong ng isang magandang ginang sa'min. Iglap lang ay nagsilapitan na rin iyong iba. "Claude!" Di magkamayaw sa pagtawag sa pangalan ni Claude ang mga naroon na para bang masayang-masaya sila sa pagdating niya. Habang pinagkakaguluhang batiin si Claude ay hindi naman niya binibitiwan ang isang kamay ko. Ilang sandali lang at napansin na ng mga naroon ang bagay na iyon kaya mula kay Claude ay bumaling sakin ang atensiyon nilang lahat. Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Claude dahil hindi a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD