Malapit lang sa tinitirhan ko ang Flynn Compound kaya mabilis kaming nakarating dito. Nang bumukas ang malaking gate ng compound ay abot-abot ang nararamdaman kong excitement. Noon ay dinaan-daanan ko lang ang matayog na pader na nakapaligid dito pero ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang loob nito habang papasok ang sinasakyan namin ni Claude. May mga nakatalagang bantay mula sa gate hanggang sa ibang parte ng lugar na naabot ng tanaw ko at bawat mga nadadaanan ng minamanehong sasakyan ni Claude ay sumasaludo. Unang kumuha sa atensyon ko ay ang luntiang paligid dahil sa mga tanim na puno at mga halamang nagsisilbing bahagi ng napakaeleganteng pagkaka-landscape ng buong lugar. Lahat ng naaabot ng tingin ko ay halatang nagsusumigaw sa karangyaan at maging ang mga halaman ay parang ma