Natapos ang usapan kaninang pagdating namin nang inanunsiyong handa na ang hapunan. Unang beses akong nakakita ng napakahabang mesa na hula ko ay hindi na magkarinigan iyong nasa magkabilaang dulo. Pakiramdam ko ay mahihirapan akong lumunok nito lalo na at iyong pagkakaayos ng mesa mula sa kubyertos na gamit at mga palamuting naroon ay sadyang pinaglaanan ng oras. Kakain na nga lang ay kabado pa akong magkamali. Ayoko kasing mapahiya si Claude sa pamilya niya dahil sa akin. Pinaghila ako ng upuan ni Claude at siya na mismo ang naglagay ng table napkin sa kandungan ko. "Are you comfortable?" tanong niya sa'kin matapos maayos iyong table napkin. Tanging tango ang nagawa kong isagot. Bigla ay gusto kong uminom ng tubig para mabawasan ang nararamdaman kong nerbyus. Parang nabasa niya an