"Going once... going twice. Beautiful lady in bloody red bikini sold to Mr. Ching for ten thousand dollars!" Umalingawngaw sa paligid ang malakas na tunog nang pagpalo ng auctioneer sa hawak nitong gavel tanda ng pagsasara ng bidding para sa babaeng nakatayo sa gitna ng entablado sa ilalim ng maliwanag na spot light. May mga nag-iingay agad dahil may maswerte nang nakaangkin sa nasabing babae at nahigitan ang bid ng karamihan. Bakas sa mukha ng ilang bidders ang panghihinayang dahil hindi sila ang nakakuha sa babaeng parang laruan lang nilang pinag-aagawan at gustong mapasakamay bilang tropeo na tanda ng kalamangan nila sa bawat isa. Sa kabilang dako naman ay may pagmamayabang na sinuri ni Mr. Ching ang bagong karagdagan sa koleksiyon niya ng mga naggagandahang babae. Isang batam-bata