Nang magising ako kinabukasan ay magaan na ang pakiramdam ko. Kaya ko na ring alalahanin ang mga nangyari kahapon nang hindi nakaramdam ng takot. Malaking tulong ang pananatili ko rito sa bahay ni Claude dahil aaminin ko man o hindi ay sa kanya ko lang nararamdaman ang labis na kapayapaan. "Good morning." Mula sa pagmuni-muni ay napadako ang tingin ko kay Claude na nakangiting nakatingin sa'kin habang may bitbit na tray ng pagkain. Nag-iinit ang pisnging nag-iwas ako ng tingin nang mapasulyap sa matipuno niyang dibdib na sumisilip sa nakabukas na butones ng suot niyang pang-itaas. Ang aga-aga pero bakit ang fresh niyang tingnan? Ako kasi ay parang hinog na kamatis na maraming nang pinagdaanan kaya lamog kung lamog! "G-good morning," mahina kong bati pabalik. Maingat akong bumangon