chapter 7

1844 Words
I don't like kids! Maiingay, magugulo, at halatang mga dugyutin sila! Maging sa mga pamangkin ko ay hindi ako malapit dahil agad akong umiiwas sa mga ito tuwing nasa paligid. Hindi gano'n kahaba ang pasensiya ko upang pakitunguhan ang tantrums ng mga bata. Hindi ko maipaliwanag pero madali akong mairita pagdating sa kulit at likot nila. They are just cute to look at if they are quiet and smiling, but they always prove to be little demons all the time! Pero heto ako ngayon at pilit na tinitiis ang presensiya ng mga ito makasama lang si Therese. I guess that the things I'm willing to endure just to be with her is limitless. Ganito na ako kalala sa loob lang ng isang araw na pagkakakilala ko kay Therese. Ang lakas ng tama ko, pati ulo ko apektado! Hindi lang iyong ulo sa baba kundi pati iyong ulo ko sa taas dahil nagkaloko-loko na mga desisyon ko sa buhay! I'm hopeless! Halatang malapit siya sa mga batang narito sa orphanage kaya dapat ko na sigurong matutuhang pakisamahan ang mga ito. Kakaibang saya ang hatid sa'kin tuwing nagliliwanag ang mukha ni Therese at ngumingiti pati mga mata niya habang isa-isang pinapakilala sa'kin ang mga batang inaalagaan dito sa ampunan. Nakakamanghang bawat bata ay kilalang-kilala niya at hindi na ako magtataka kung pati paboritong pagkain ng mga ito ay kabisado niya rin. Habang pinapakilala niya ako ay nabigyan ako ng pagkakataong tumayo malapit sa kanya. Wala akong hindi kayang tiisin at tagalan basta ganito lang ako kalapit kay Therese. Nanunuot sa ilong ko ang pamilyar niyang bango habang mas inilapit ko ang sarili sa mismong likuran niya. Kahit tapos na akong pinakilala at nagkakagulo na ang mga bata sa paligid namin ay hindi pa rin ako kumilos palayo mula sa kanya. Sinasabayan ko bawat kilos niya upang hindi tuluyang lumaki ang agwat sa pagitan namin. Sa kabila ng ilang dangkal na espasyong pumipigil sa paglapat ng likod niya sa dibdib ko ay ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya na nag-uudyok sa'king tawirin ang gahiblang distansya. Pinapayuhan ko ang sariling magpigil para na rin sa ikabubuti ko! Kating-kati na ang mga kamay kong haplusin ang mahaba niyang buhok at hawiin ito upang humantad ang kanyang batok pero nagkasya na lang ako sa pagpapaikot ng suot na singsing sa gitnang daliri ko. Nasa gano'n akong pag-iisip nang bigla ay nagkatulakan ang mga batang naghahabulan na napadaan sa kinatatayuan namin at aksidente nilang nasama sa pagtulak si Therese kaya napasandal siya sa katawan ko. Pigil na pigil kong mapaungol nang dumikit sa'kin ang likod niya. Hindi ko napaghandaan ang pagtama ng likod niya sa dibdib ko pero mas hindi ko napaghandaan ang masarap na pakiramdam nang pagkakadikit niya sa'kin. I change my mind about my dislike with kids. Honestly I'm starting to love them. Automatic na kumapit sa magkabilaan niyang baywang ang dalawa kong kamay pero walang ginawa ang mga ito upang itulak siya palayo o alalayan man lang upang hindi mapasandal sa'kin. Ano pa ang kwenta ng malaki kong katawan kung hindi niya pwedeng sandalan? Ilang segundo lang iyon pero pakiramdam ko ay dumikit na sa'kin ang amoy niya. Parang gusto ko siyang hilahin ulit padikit sa'kin dahil nabibilisan ako sa ginawa niyang paglayo. Wala akong nagawa kundi ay bumitiw na rin sa kanya kahit ang totoong gusto ko ay kabigin siyang lalo palapit at hindi na pakakawalan pa. Namumula nang bahagya ang pisngi niya nang humarap siya sa'kin. Ikamamatay ko yata ang palagiang pamumula ng pisngi ni Therese. Pinigil ko ang sariling haplusin ang namumulang bahaging iyon pero di nakatiis ang mga mata kong naglakbay pababa. Pasimpleng dumako ang tingin ko sa leeg niya at lihim na napamura nang sumagi sa utak ko ang katanungang kung hanggang saan umabot ang pamumulang iyon. Ang sarap baklasin ng suot niyang damit na tumatakip sa bahaging gusto kong masilip. Muli ay pinaalala ko sa sariling kailangan kong maging maginoo sa harapan ni Therese... maginoo sa kilos pero iyong isip ay medyo bastos! Bahagya akong nag-alis ng bara sa lalamunan dahil bigla akong nakaramdam nang panunuyo roon. "Sorry, Claude," napakamot niyang paumanhin. Kung alam niya lang na gustong-gusto ko ang nangyari ay tiyak magtatakbo siya palayo sa'kin. Isang inosenteng ngiti ang ibinigay ko sa kanya na biglang na-freeze nang may tumulak na naman sa likod niya at sa pagkakataong ito ay payakap na siyang bumagsak sa mga bisig ko. I so love these kids! They're awesome! They really know what I've been wanting all this time. "Mga bata, huwag masyadong maligalig," saway niya sa mga naghahabulan at nagkakagulong mga bata. Di tulad kanina ay parang hindi siya nagmamadaling makaalis sa mga bisig ko. Pigil na pigil ko ang sariling dumama at pumisil kahit atat na atat na ang mga kamay ko. Naging alerto ang bawat himaymay ng katawan ko. Nagdiwang sila dahil sa kalambutang parang hinulma talaga at inilaan para sa'kin. Kung ako ang masusunod ay gugustuhin kong manatili kami sa ganitong posisyon sa loob ng ilang minuto... ilang minuto lang dahil hanggang doon lang aabot ang pagtitimpi ko. Malayo ako sa pagiging santo kaya wala sa bokabularyo ko ang pagtitimpi na bigyang katuparan ang hinahangad ng katawan ko pero ibang usapan basta tungkol kay Therese. May bahagi sa'kin na naghahangad na makita niyang mabuting tao ako. Mabuting tao? Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa na sana ako dahil kabaliktaran ako ng lahat ng may kaugnayan sa pagiging mabuting tao pero ewan ko kung bakit iba ang dating nitong babaeng nasa mga bisig ko. "Ang bango mo. Anong gamit mong pabango?" bigla ay tanong niya sa'kin. Isang totoong ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang makitang inamoy niya pa talaga ako. Nag-uumapaw ang puso ko sa naramdamang saya dahil sa kaalamang nagustuhan niya ang pabango ko. "I personally made this," sagot ko. Namilog ang mga mata niyang tumingin sa'kin. 'Di ko napigilan ang sariling kamay na umakyat sa mukha niya upang hawiin ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang noo. Ayokong may nakaharang habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha. "Talaga? Paano iyon?" manghang-mangha niyang tanong habang nakatitig sa'kin. "I owned Odeur de Beauté," sagot ko. "Talaga? Di ba iyon iyong pinakasikat na perfume company sa Europe? Alam ko iyon dahil gustong-gusto ng Kuya ko ang brand na iyon." Naaaliw ako sa kislap ng kanyang mga mata kaya tango lang ang naging tugon ko. Ang Odeur de Beauté ay ang legal kong negosyo na naka-base sa ibang bansa. 'Di ko akalaing aabot hanggang dito sa Pilipinas ang kasikatan ng perfume na iyon at lalong 'di ko akalaing alam niya ang tungkol doon. Pakiramdam ko tuloy ay may bagay na nag-uugnay sa aming dalawa. "Gusto mo bang gawan kita ng sarili mong scent?" Gusto kong sapakin ang sarili dahil sa itinanong. Kung ako kasi ang masusunod ay ayokong may artipisyal na pabangong hahalo sa natural niyang amoy. I'm addicted to the sensuality of her natural scent. "Hindi naman ako gumagamit ng pabango pero kung ipagpipilitan mo ay gusto ko iyon!" excited niyang sagot. Natawa ako sa sinabi niya. Ewan ko ba, lahat na lang ng mga sinasabi niya ay parang kumikiliti sa'kin kahit walang nakakatawa. "Claude," tawag niya sa pangalan ko kaya napakurap-kurap akong napatitig sa mapupula niyang mga labi. Wala sa sariling napalunok ako nang makitang bahangyang ngumuso ang mga ito. "Ehem, pwede mo na akong bitiwan." Ilang saglit muna bago rumihestro sa utak ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Para akong napasong napabitiw sa kanya nang mapagtantong masyado nang nawili ang mga kamay ko sa paghawak sa baywang niya. "Ay grabe naman, bitiw lang sabi ko hindi waksi," nakabungisngis niyang komento. "I'm sorry." Damn! Mukhang kikidlatan yata ako dahil lumabas sa bibig ko ang estrangherong mga salitang iyon. "Wala iyon, ito naman," natatawa niyang sabi. Pinilit kong huwag mapaungol nang pabiro niya akong hampasin sa braso gamit ang kanan niyang kamay Fuck! I want those hands all over my body! "Oy! Claude, thank you nga pala dahil sa donation mo. Malaking tulong iyon sa lahat ng mga batang narito," kapagkuwan ay sinsero niyang pahayag. Parang nay malambot na kamay na humaplos sa matigas kong puso habang nakikita ang sinseridad sa kanyang mukha. Simula sa segundong ito ay napagdesisyunan kong gawin ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sa babaeng kaharap. Nakakatakot man ang kaisipang iyon at sinisigaw ng isang bahagi ng utak ko na tumakas na ako at lumayo pero nanaig ang bahaging gustong laging nakikita ang matamis na ngiti sa mga labi ni Therese. Therese, my very own angel. Wala sa sariling napadako ang tingin ko sa unahang bahagi ng kinaroroonan namin kung saan ay naka-display ang imahe ni Hesukristo. Nakipagtitigan ako sa diretsong tingin ng imahe habang binuo na sa isip ang mga hakbang na gagawin upang tuluyang mapasaakin si Therese. Masama akong tao at walang kapatawaran ang mga bagay na ginawa ko at mga gagawin ko pa. Nakahanda na akong lalo pang magkasala dahil sa pagkakataong ito ay ang Diyos na mismo ang binabalak kong nakawan ng isa sa mga anghel Niya. Magiging akin si Therese at sinisiguro ko iyon! "Dadalo tayo mamaya sa misa, huh." Muling natuon sa mukha ni Therese ang atensiyon ko nang muli siyang magsalita. Wala sa sariling napatango ako. Binabalak ko pa lang maging masama pero heto at mukhang magsisimba pa pala muna ako. Nakakatawa lang dahil hindi ko nga alam kung naalala ko pa kung paano magdasal. "Ipakilala kita mamaya kay Father John." Wala kong interes na makilala ang kahit na sino pero para sa kanya ay gagawin ko. "May kumpisal din pagkatapos ng misa baka gusto mong mangumpisal." Isang tawa ang hindi ko napigilang kumawala mula sa'kin. "Mukha ba akong makasalanan?" naaliw kongbtanong sa kanya. "Hindi naman," mabilis niyang tugon at lalong tumindi ang pamumula sa kanyang pisngi. "Hindi naman lahat ng mga nagungumpisal ay makasalanan. Minsan ay gusto lang natin ng payo para sa mga bagay-bagay na gusto nating gawin," dagdag niya pa. "Hindi muna ako ngayon mangungumpisal pero pag-iisipan ko sa susunod kong pagpunta rito." "Babalik ka pa?" gulat niyang bulalas. "Bakit? Ayaw mo ba?" kunwari ay seryoso kong tanong. "Ay hindi!" taranta niyang tanggi. "Ibig kong sabihin ay gusto kong bumalik ka." Iyong puso ko... tuluyan na nga yatang nahulog sa inosenteng babaeng ito. My fate is already sealed. Iikot na ang mundo ko sa kanyang palad. Wala siyang kamalay-malay kung anong kaya niyang gawin ngayong alipin na niya ako. "Salamat, Therese." Nagtataka siyang napakurap-kurap habang nakatingala sa'kin kaya bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya. "Salamat at ako iyong hiningan mo ng tulong kahapon," makahulugan kong pahayag. "Hindi ba ako dapat iyong magpasalamat?" naguguluhan niyang tanong. Nginitian ko lang siya at muling hinawi ang pasaway niyang buhok na tumatakip sa kanyang noo. "Tapos ka nang magpasalamat kahapon kaya ako naman ngayon," kibit-balikat kong sagot bago tumayo nang maayos. "Gano'n ba iyon?" bubulong-bulong niyang pahayag. Hindi ako nakatiis at bahagyang pinisil ang kaliwang pisngi niya. Bilang tugon ay iningusan niya ako. Naputol ang pag-uusap namin nang magkagulo ang ibang mga bata. Mukhang babalik na naman ang disgusto ko sa mga isturbong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD