chapter 6 (Claude POV)

1937 Words
What am I doing here? Iyan ang kanina ko pa paulit-ulit na tinatanong sa'king isip simula nang huminto ang minamaneho kong sasakyan sa harap ng Angel's Home orphanage. Hindi lingid sa'kin na mapapalayo na ako sa dapat kong pupuntahan ngayong araw pero sinadya ko pa talagang dumaan sa gawing ito upang sumilip kahit sandali. Ang naunang planong saglit na pagsilip ay naglahong bigla nang magsimula na akong humakbang papasok ng orphanage. Kahit anong gawin kong kastigo sa'king sarili ay nabalewala iyon dahil mas nanaig ang paghahangad na makita ngayong araw ang babaeng gumugulo sa kapayapaan ng isip ko. Habang binabaybay kanina ang pasilyo papasok ay parang tuksong lumilinaw ang mukhang laman ng alaala ko na kakatwang kumikiliti sa bato kong puso. Kanina pa ako dapat naroon sa appointment ko at nagpaplano kung paanong palawakin pa ang koneksiyon ko sa black market para sa mas ikatatag ng pinamahalaan kong organisasyon pero heto ako ngayon at sa unang pagkakataon ay mukhang lalabagin ang sariling batas pagdating sa trabaho. Therese Manlangit. What have you done to me? Simula kahapon nang bigla na lang siyang humarang sa minamaneho kong sasakyan ay nagulo na ang sistema ko. Damn her angelic face and damn my f*****g libido for acting this way! Marami akong nakakasalamuhang nagtataglay ng mas magandang mukha at hamak na mas magandang katawan dahil sa uri ng negosyong meron ako pero kahit minsan sa buhay ko ay hindi ko naranasang parang biglang tumigil ang ikot ng mundo dahil lang sa iisang babae. Sa unang pagkakataon din ay nakaramdam ako ng paninikip ng hininga at saglit na pagtigil ng t***k ng puso nang diretsahang tumitig sa'kin ang puno sa kainosentihan niyang mga mata. At tuluyang umabot ang paninikip hanggang sa suot kong pantalon nang marinig ko ang boses niya. Nang makahuma ay muntik nang tumiklop ang mga tuhod ko dahil parang sinipa ako ng kabayo sa dibdib nang muling bumalik sa pagtibok ang puso ko pero sa pagkakataong ito ay sobrang lakas at bilis nito. Para akong nasa isang trance kahapon habang pinanood ang may kaliitang babae na kahit nakasuot ng jogging pants at maluwag na t-shirt ay 'di naitago ang hubog ng katawan na nagsilbing tuksong kumikiliti sa isipan ko na mabilis bumuo ng mga pantasya kung paano ko dudominahin kahit wala pa man. Matagal ko nang alam na hindi ako mabuting tao pero ni minsan ay hindi ako tumingin sa isang babae sa maling paraan. I have a long list of women waiting their turn to please me but for the first time I'm lusting after some... teenager! Sinong mag-aakalang darating ang araw na matagpuan ko ang sariling pinagsawa ang mga mata sa pagmamasid sa natatanging babaeng kumuha ng buo kong atensiyon sa kabila ng walang kwentang jogging pants niyang suot? Nothing about her jogging pants made her sexy but that's not what my buddy down there told me! I wanted her and it's making me crazy! Wala akong nakitang ni katiting na balat na sumisilip mula sa suot niyang damit na maaaring magbigay sa kahit sinong lalaki ng maling imbitasyon pero ilang beses akong napalunok upang pigilin ang sariling bigla na lang siyang sunggaban kahapon. Tang-ina! Never pa akong tinigasan kahit halos wala nang suot na saplot ang mga babaeng nakapalibot sa'kin buong buhay ko. Pinapatakbo ko ang pinakamalaking prostitution ring dito sa bansa at maging sa kalakip bansa kaya normal na sa'king napapalibutan ng mga babae. Pawang magaganda at seksing babae lang ang pinahihintulutan kong maging bahagi ng tinatag kong negosyo kaya sa bawat araw na dumadaan ay iba't ibang uri ng kagandahan ang nakikita ko. Pero sa simpleng kaayusan ni Therese ay biglang lumabo ang standard ng kagandahan meron ako. Lahat ng mga babaeng may iba't ibang lahi na una kung nakasalamuha ay biglang naging malabong alaala na lang dahil mabilis na inukopa ng isang teenager ang diwa ko. Sa sobrang pagkalunod ko sa pinaramdam niya sa'king emosyon ay 'di ko agad nabigyang pansin ang sitwasyong kinasangkutan niya no'ng bigla siyang sumulpot sa tinatahak na daan ng sasakyan ko. Nakaramdam ako ng panlalamig sa loob nang unang sumagi sa isip ko na wala siyang pinagkaiba sa mga babaeng ibinibenta ko at pinagkakitaan lalo na at nagtagpo kami sa lugar kung saan ay talamak ang pipitsuging mga bar at may mga kasama siyang kalalakihang halatang pawang nakainom. Napalitan ng matinding galit ang pakiramdam na iyon nang makita ang mga nasabing lalaking hinawakan siya. Hindi ako bayolenteng tao dahil kaya kong panghawakan ang sariling emosyon sa kahit anong sitwasyon pero nang mga oras na iyon ay ramdam ko ang kagustuhang pumatay. Halos nagdilim ang paningin ko lalo na at no'ng pinagbawalan ako ng isa sa mga lalaking iyon na makialam dahil diumano ay problema nila iyong magkarelasyon. Hindi matanggap ng maitim kong puso na ang kauna-unahang babaeng kumuha sa interes ko ay pag-aari na ng iba kaya mas lalong sumidhi ang kagustuhan kong mawala sa mundo ang taong iyon. Nang ipagkaila ni Therese ang koneksiyon sa mga lalaki ay kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kinaroroonan ng mga taong gusto kong maglaho sa mundo. Iglap lang ay sunud-sunod nang nagsipagbagsakan sa kalsada ang walang malay na katawan ng mga nagtangkang hawakan ang babaeng gusto kong angkinin. I wanted to do worst but I had to refrain myself. Ayokong sa'kin naman matakot ang iniligtas kong anghel. Oo, anghel ang tamang paglalarawan sa babaeng natagpuan ko sa gitna ng kalsada na nagtataglay ng isang simpleng kagandahang kayang yanigin ang matayog na pedestal na kinaroroonan ko. Walang halong ni katiting na kabanalan ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko at mga gusto kong gawin sa kanya pero sa unang pagkakataon ay gusto kong sumamba... gusto ko siyang sambahin mula ulo hanggang sa dulo ng mga daliri niya sa paa. Iniisip ko talaga ng mga oras na iyon ay nababaliw na ako pero may mas ikababaliw pa pala ako dahil tuluyan na ngang bumigay ang pinanghahawakang katinuang meron ako habang pinagmasdan ngayon ang maamong mukha ng kaharap ko. Nang una kong malaman na 18 pa lang siya ay lihim akong napamura pero aaminin kong lihim din akong natuwa dahil eksaktong nasa tamang edad na siya. Masyado pang bata pero sapat na upang hindi ko masira ang isang prinsipyong meron ako lalo na at bumubuway na iyong iba sa pagdaan ng bawat minutong nasa iisang lugar kami. I'm not into young girls but my body said otherwise. Hirap na hirap ako kahapon habang nagmamaneho pauwi sa bahay nila dahil sa nangyayari sa ibabang bahagi ng katawan ko. Malinaw pa sa isip ko kung paanong humalo sa amoy ng air freshener ng minamaneho kong kotse ang natural niyang bago na lalong nagpalango sa'kin. Malakas siguro ang anghel ni Therese dahil nagawa ko pang magpigil at ligtas siyang naiuwi. Unang beses na nagpigil ako na gawin ang bagay na sinisigaw ng bawat himaymay ng katawan ko. Just one taste... one f*****g taste of those tempting lips! Buong byahe ay para akong sinisilaban ng nararamdamang init pero kakatwang mas nanaig sa'kin ang kagustuhang gumawa ng bagay na ikabubuti ko sa paningin niya. Sa unang pagkakataon ay isinaalang-alang ko ang impression ng isang babae sa'kin. Hindi ko mabigyang pangalan ang naramdaman nang matuklasan kong gusto niya maging madre. Bigla ay lumakas ang bulong ng demonyo sa'kin na itakas siya at dalhin sa lugar kong saan ay mananatili siyang akin pero pinili kong hindi magpadala sa anumang dikta ng kademonyohan. Nagrerebelde ang kalooban ko sa kaisipang dadaanin ko siya sa pamimilit at dahas. Gusto kong kusa siyang lalapit sa'kin. Pagkagaling ko sa kanila kahapon ay agad akong nag-utos na alamin ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Gusto kong malaman lahat mula sa paborito niyang pagkain hanggang sa mga bagay na ayaw niya. Ilang oras matapos ko matanggap ang personal niyang mga impormasyon ay hindi ako nakatiis na hindi siya puntahan dito mismo sa orphanage na kalakip ng report na natanggap. Tulad no'ng unang beses ay para akong naliliyo ngayon dahil sa emosyong nagsilambuyan sa loob ko habang nakatingin sa maganda niyang mukha. Gusto kong kontrolin ang pakiramdam na ito pero gustong-gusto ko ring magpakalunod dito. Bigla ay parang naglaho ang mga nasa paligid namin at kami lang dalawa iyong naiwan. May parte ko ang gustong makawala sa matinding emosyong umalipin sa'kin pero 'di ko kayang labanan ang hatak sa'kin ni Therese. "Halika na, Claude. Ipakilala kita sa mga bata," nakangiti niyang aya sa'kin. Nagbalik ako sa kasalukuyan at biglang nagising mula sa pagbabalik-tanaw. Isang ngiti ang naglalaro sa mga labi ko nang mapagtantong makakasama ko siya nang matagal. "Mas maigi nga at nang may oras pa kayong dumalo sa misa mamaya." Halos hindi ko naririnig ang boses ni Mother Superior dahil mas malakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko na pinagkaabalahang bigyang pansin iyong ibang nasa paligid dahil mas interesado akong titigan ang mukha ni Therese. "Mauna po muna kami, Mother," matamis ang ngiting pamamaalam ni Therese sa kasama namin. Napilitan akong balingan ito at bigyan ng isang ngiti habang pasimpleng ibinulsa ang nakakuyom na mga kamao. Pinanatili kong ang maaliwalas na ekspresyon sa'king mukha kahit ng totoo ay nababagot na ako sa presensiya ng ibang tao. "Baka gusto ni'yo ng kasama," bigla ay sabat ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi ko maalala kung ano ang pangalan nito at wala na akong pakialam doon pero ayaw kong sumama siya sa'min ni Therese... I'm selfish! "Kailangan ni'yo pang tapusin iyong naiwan nating gawain. Sumunod na lang kayo pagkatapos," tugon ni Therese rito. Dismayadong bumagsak ang balikat ng tatlo niyang kaibigan. Parang may inside joke sa kanilang magkakaibigan dahil mahinhing tumawa si Therese na lalong ikinalukot ng mukha no'ng tatlo. Lihim na lang akong napabuga ng hangin dahil sa tawang iyon. Gusto ko iyong marinig araw-araw. "Handa ka na bang makilala ang mga bata?" baling sa'kin ni Therese at binigyan ako ng matamis na ngiti. Isang ngiti lang mula sa kanya ay nangananib na humulagpos ang self-control na buong buhay kong pinagdalubhasaan. Habang humakbang ako palapit sa kinatatayuan niya ay sinisiguro kong 'di niya masisilip ang mga naglalarong eksena sa isip ko na gustong-gusto kong gawin ngayon sa kanya. Pilit ko ring pinanatili ang mga mata sa mukha niya at huwag hayaan ang mga ito na bumabang muli sa suot niyang damit kung saan ay awtomatikong pinroseso ng utak ko kung ano ang tinatakpan niyon. Ayokong biglang mademonyo ng mga binti niyang nakahantad. Maging ang namula-mula niyang talampakang nakasilip sa suot niyang sandalyas ay parang tinutukso ang walang kalaban-laban kong imahenasyon. Nakikinita ko na ang sariling dinidilaan ang bahaging iyon habang— f**k! "Okay ka lang ba?" Wala sa sariling napalunok ako habang inaanalisang mabuti kung ano iyong tanong niya. Masyadong magulo ang sistema ko para maintindihan ang mga lumabas sa kanyang mga labi dahil mas natuon ang atensiyon ko sa paraan nang pagbuka ng mga iyon at kung gaano kalambot tingnan ang mga ito. Alam kong sa impiyerno ang punta ko dahil sa mga nagawa kong kasalanan pero mukhang ipaparanas yata muna sa'kin ang langit dito sa lupa. "I'm okay," paos kong sagot. Lihim kong minura ang sarili dahil kahit sino ay tiyak mapansin ang kalakip na damdaming nasa tono ng boses ko. I'm horny! Damn it! "Halika na... tiyak matutuwa ang mga iyon kapag makilala ka." Mabuti na lang at inosente itong kaharap ko. Wala siyang kamalay-malay sa mga bagay na tumatakbo sa makasalanan kong isip. Wala ako sa tamang huwisyo simula pa lang kanina kaya hindi na ako nagtaka kung paanong wala akong ideya kung sino iyong mga tinutukoy niyang matutuwa. Wala na rin akong pakialam kung saan niya ako dadalhin dahil kahit siguro sa dulo ng mundo ay pikit-mata akong sasama sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD