Totoo nga ang langit dito sa lupa dahil iyon ang natikman ko sa mga labi ni Therese. I can't get enough! Gusto kong tumigil iyong oras upang patuloy ko pa ring malalasap ang matamis niyang mga labi. Habang tumatagal ay pa-corny na ako nang pa-corny maging sa sarili kong pandinig pero nawalan na ako ng pakialam dahil umiikot na ang tang-'na kong mundo kay Therese! Isang araw kong tinikis ang sarili na huwag muna siyang silipin dahil hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin ako kung paano kong nagawang i-set-up ang sarili upang makasama siya nang mas matagal no'ng huli ko siyang hinatid sa bahay nila galing ampunan. Kahit pala gusto ko maging mabuting tao sa mga mata niya ay hindi ko pa rin maiwasang gumawa nang hindi maganda basta ang mahalaga ay lingid ito sa kanyang kaalaman. Iyong sira