JUDE POV Kahit na masakit sa akin ang mga nangyayari, pinapawi ni Kylie ang lungkot na aking nararamdaman. In reality, di ko naman talaga gusto si Jen... pero kaya lang, siya ang bukod tanging paraan upang mapalapit ako kay Kylie. Kung noon, ni reject niya ako dahil sa nag aaral pa siya, ngayon, di na niya ito magagawa pa kasi wala na siyang idadahilan pa sa akin. As long as makuha ko lang ang loob niya, wala na akong magiging problema. And the fact na kaming dalawa na lang ngayon ang nandito, I would do whatever it takes to make her happy, to make her fall in love with me. "Totoo ito pramis. What can I get from lying to you? Eh kahit nung nililigawan pa nga kita, di naman ako nag sisinungaling sayo di ba?" pasimpleng banat ko sa kanya. Gusto ko siyang titigang maigi, ginagamit ko a