KYLIE POV "Bakit? Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang nasasaktan sa mga nangyayari? Kahit naman ako, talagang hindi ko rin gusto na mag hiwalay ang parents ko. But look, tinatatagan ko lang talaga kasi alam kong wala na rin akong magagawa. At least kahit papaano ay mayroon ka nang kadamay ngayon." Lumingon na ako sa kanya this time kahit na sobrang nai in love talaga ako sa kanyang mga ngiti at mga mapu pukaw niyang mga mata. Ngayon, labis ko nang pinag sisisihan kung bakit ko pa siya binasted noon. Kung pwede ko namang itago ang relasyon naming dalawa sa tatay ko, eh di sana ako ang nasa posisyon ni Jen. Sana ako ang mahal ni Jude. But I have to move on with my life now, kahit na masakit at nakakapag hinayang, ganito siguro talaga ang buhay! "So ano na ang plano mo ngayon? Kasi mag ga g