KYLIE POV Umupo sa harapan ko si Jude. Kahit na ang gulo ng kanyang buhok, ang gwapo gwapo niya pa ring tingnan. Tapos, yung ngiti niya sa akin, parang may ibang meaning na ewan. Never naman siyang ngumingiti sa akin ng ganito kapag kasama namin si Jen. But now, he is giving me this kind of smile. "Mukhang malalim ang problema mo ha?" tanong niya. "Ay wala lang ito, may ideya ka ba kung anong oras darating si Jen?" "Wala eh," mabilis niyang tugon, naka ngiti pa rin siya sa akin, "Bakit ayaw mo bang mag open sa akin ng problema? Good listener din naman ako, although hindi lang din halata." Kahit na anong sabihin niya, di ko siya close at tanging si Jen lang muna ang gusto kong maka alam nito. "Ay wala, minor problem lang naman nito. Hindi ito big deal, kumbaga sabihin na nating gi