KYLIE POV Sinundan niya ako pero wala akong pakialam sa kanya. Nakaka inis, gusto ko na lang ulit pumunta sa condo unit ko kaya lang ay sure akong nandoon si papa kasama ang kanyang kabit. Nakaka urat, wala akong mapag lugaran, wala rin akong pera, and all of these happened in just a short span on time. 6 pm ng gabi, dumating na rin sa wakas si Jen sa loob ng bahay kaya may gana na ako ulit na bumalik rito. Sinalubong siya si Jude at nag kiss pa silang dalawa sa aking harapan. Medyo masakit pero masaya ako para sa kaibigan ko. As in, I am genuinely happy for her. Mayroon pa siyang dalang donuts na nilapag niya sa lamesa. Lumapit siya sa akin, "Oh ang tyaga mo naman? Talagang hinintay mo ako ha? Kamusta ka rito? Hindi ka ba binully ng boyfriend ko?" tanong niya sabay ngiti sa akin. "N