Chapter 5

4276 Words
(Third Person's POV) PANTAY na nakataas ang mga kilay ni Linus habang pinagmamasdan ang ate nya, kanina pa kasi ito nakatitig sa cellphone na nakapatong sa mesa. Hindi naman gumagalaw yung phone, hindi rin naman tumutunog pero kung makatitig yung ate nya para bang kusang maglalabas ng himala yung bagay na yon. "Anong ginagawa nya?" Kuryoso nyang tanong sa sarili tsaka kinamot ang bunbunan, "May hinihintay ba syang tawag?" Syempre, dahil kausap nya yung sarili nya ay wala syang nakuhang kahit na anong sagot kaya pinagpatuloy nalang nya yung pagmamasid sa nakatatandang kapatid. Morgan is still staring on her phone, ang weird pa ng pagkakatitig nya doon kasi masama yung tingin na ipinupukol nya sa cellphone. Prenteng-prente sya sa pagkakaupo, nakadekwatro ang mga binti habang ang mga braso'y naka-ekis sa ilalim ng dibdib at ang likod ay nakasandal sa kinauupuan. She's been like that for a few days, bago umalis patungong trabaho, hanggang sa makauwi, kahit saan ito maupo ay ganon lang din ang ginagawa nito-ang tumitig sa cellphone na para bang naghihintay ng kung ano mula doon. Muling napakamot si Linus dala ng pagtataka, nawiwirduhan na talaga sya sa kinikilos ng ate nya. "Kung makatitig sya doon, akala mo maglalabas yun ng rainbow—" "Nasaan ang rainbow?" "Ah!" Napahawak si Linus sa dibdib dala ng gulat habang taka naman syang pinasadahan ng tingin ni Monique, "Ate naman! Bakit nanggugulat ka?" "Huh? Ginulat kita?" "Oo!" Nguso nya tsaka humalukipkip, "Bigla-bigla kang sumusulpot dyan, hmp." Monique chuckled and pat his head, "Kanina pa kasi kita nakita na panay ang silip mo dyan, kaya sinilip ko na rin kung ano yung tinitingnan mo." Sumulyap muna sya sa ate nyang si Morgan para masigurong hindi nito nakikita na nandun sila, tsaka ibinalik ang tingin sa ate nyang si Monique na naghihintay ng sasabihin nya. "Tara dito ate," Hila nya sa kapatid palayo ng kaunti sa pinto kung saan sya nakapwesto kanina, "Ayan, dito tayo." "Huh? Bakit lumayo pa tayo?" "Kasi diba baka marinig tayo ni ate Morgan, isipin nya chinichika natin sya." "Hindi naman ganon si ate." Ngumuso si Linus tsaka iwinasiwas ang kamay, "Basta, eh kasi si ate Morgan ilang araw ng nakatingin sa cellphone nya. May hinihintay yata syang tawag, text or chat ganon, ang weird nya lang kasi dati naman wala syang pakielam sa kahit anong gadgets." "Wala namang weird don ah." "Anong wala, ate?" Hinawakan nya sa kamay ang ate Monique nya tsaka isinama yon sa pagwasiwas ng sarili nyang kamay, "Si ate Morgan simula ng mabigyan ng cellphone yan eh hindi naman nya ginagamit yon, iilaw at bubukas lang yon tuwing tatawagan sya ni kuya Vince para magtrabaho, o kaya naman ay kung tatawag tayong pamilya o kaibigan nya. Hindi sya interesadong gumamit non kaya bakit nag-aabala syang titigan yon?" "Maybe she's waiting a call from someone?" "Yun nga ate! Sino naman ang tatawag na yon at talagang abang na abang sya?!" "Hindi naman kaya..." Naningkit pareho yung mga mata nila pero maya-maya'y sabay na suminghap, tila napagtantong pareho sila ng iniisip. "Hindi kaya may boyfriend na si ate?" Pabulong nilang anya. "Huh?! Boyfriend?! Sinong may boyfriend?!" "AH!" Sabay na sigaw ni Linus at Monique sa gulat, "Daddy?!" Tulad ni Monique kanina ay taka silang pinasadahan ng tingin ng ama nila. "Oh? Bakit parang gulat na gulat kayo?" Humawak din ito sa sariling dibdib tsaka ngumuso, "Kayo ah! Hindi kayo nagchi-chika kay daddy! Nagsi-sikreto na kayo sakin! Nakakapagtampo! Isusumbong ko kayo kay mon-mon! Hmp!" "Daddy! Shh! Wag kang maingay!" Haltak ni Linus sa ama habang ang isa nyang hintuturo ay nakadikit sa labi bilang senyas na tumahimik ito. Ginaya sya ng papa nya na nag-shh sign bago ngiting-ngiting pumalakpak. "Ano ba kasi yun? Pagbaba ko ng hagdan nagbubulungan kayong dalawa dyan hehehehe. May secret kayo noh?" "It's not totally a secret, dad." Nguso ni Monique, "Medyo naghihinala lang." "Oh!" Turo ng ama sa kanilang dalawa habang nakahugis-O ang labi, "Kanino? Kay ate nyo?" "Opo." "Hala! Bakit? Anong meron kay baby girl number one huhuhu! Bakit may secret ang mga baby ko sakin!" Iyak nya. Nagkatinginan naman ang dalawa bago lumapit sa ama at binulungan ito. Unti-unting namilog mga mata nito tsaka kinikilig na pumalakpak. Natawa din yung dalawa sa kanya at nakisabay ng pagpalakpak—bale tatlo na silang nagpapalakpakan sa hindi malamang dahilan "Ang saya-saya naman kung ganon!" He exclaimed as he started to giggle, "Kinikilig ako! Hihihi~ Sa wakas, after twenty seven years eh nagkaboyfriend na rin yung baby girl number one ko! Hihihi!" "Hindi pa tayo sure dyan, daddy." Si Linus. "Oo nga, hinala palang yun dad." Dagdag pa ni Monique. "Ay nako! Siguradong meron na yan!" Paniniguro ni Liam tsaka nameywang, "Sa ganda ba naman ng ate nyo na namana nya sakin tsaka kay mon-mon eh imposibleng walang magkagusto sa kanya!" "Tama!" Sang-ayon nung dalawa. Isang abot tengang ngiti lang ang pinakawalan ng ama nila tsaka muling humagikgik. Nag-apir-apir din silang tatlo habang pinagpapatuloy ang hagikgikan. Kunot-noo namang umiling ang ilaw ng kanilang tahanan na saktong kabababa lang din ng hagdan. Naabutan nya kasing naghahagikgikan yung tatlo sa isang sulok, abala mga ito magchismisan kaya ni hindi man lang naramdaman yung presensya nya. Nagpakawala sya ng isang buntong hininga bago naglakad patungo sa pwesto ni Morgan na hindi man lang gumalaw sa kinapupwestuhan. "They are talking about you." Tukoy nya sa asawa't dalawang anak na nasa labas. "I know." Walang lingunang anya ni Morgan, "I heard them." "And here they thought you didn't." "Their voices are so loud, even the birds outside can hear their giggles." Monica chuckled before sitting on the chair beside Morgan. Sinulyapan nya yung phone nitong nakalapag sa mesa tsaka ngumiti. "So... you have a boyfriend?" Her mother asked. "Yes. Theo is my friend and—" "No, I'm talking about lover." Tumabingi ang ulo nito habang hindi inaalis ang paningin sa anak, "You know, a boyfriend." "No, I don't." Mabilis nyang sagot na ina, "Why do you ask?" Nagkibit balikat ito tsaka iniba ang tanong, "Are you waiting for someone to call?" Kumurap-kurap ito tsaka nilingon ang inang nakangiti sa kanya. She frowned before nodding her head, confused and very innocent. "I asked for his number yet he's still not calling me." "You're the one who asked for his number?" "Yes." Umawang ng konti yung labi ng ina nya pero kaagad ding nauwi sa bahagyang pagngiti iyon tsaka nagpakawala ng mahinang tawa. "I think, you should call him first." Lalong lumalim yung gatla sa noo ng anak, "Why? He's the guy. The man should be the one who initiates the call, not the other way around." "Ikaw yung kumuha ng numero nya, how can he call you back if he doesn't even know your number?" Natigilan si Morgan, mukhang napagtanto yung punto ng ina kaya tumango-tango sya habang nakahawak sa baba. "I see." She took her phone and dialed the number, "I will call him." Prente naman syang pinagmamasdan ng ina nya. Katulad nya ay hindi nawawala ang pagiging seryoso nito kahit na nakangiti pa. Maya-maya lang ang may sumagot na sa tawag nito. "Hello?" Saad ng mahinhin na boses ng lalake sa kabilang linya. Nakatitig si Monica sa anak, hinihintay yung isasagot nito. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay pinatay nito ang tawag tsaka ibinulsa ang cellphone na ikinataka ng mama nya. "What happened? Why didn't you answered him?" Seryoso itong lumingon sa kanya, "I'm contented to hear his voice." Hinawi nya ang berdeng buhok tsaka muling sumandal sa kinauupuan. "Oh." That's all her mother could say. Wala syang maikomento sa ginawa ng anak. Mukhang napansin naman ni Morgan na nawiwirduhan sa kanya ang ina kaya tumayo na sya at pinagpag ang ripped jeans na suot. "I'll get going then. Linus' school is only open until five PM this afternoon." "Okay, take care." "Thanks, mom." Humalik sya sa pisngi ng ina bago nagsimulang maglakad. Ngunit hindi pa sya tuluyang nakakahakbang patungo sa pinto ay muli syang huminto nang may maalala, lumingon sya sa ina na nakamasid pa rin pala sa kanya. "Mom?" "Hmn?" "Who took your virginity?" "Your father, why?" Balewalang sagot nito. "How was it?" Saglit itong nag-isip bago sumilay ang ngisi sa labi neto nang may maalala. "It's cool." Pinagkrus ng mama nya yung sariling mga braso sa ilalim ng dibdib tsaka sumandal sa kinauupuan habang nakadekwatro—tulad ng paraan ng pag-upo ni Morgan kanina, "You're an adult, supposed to be you might already have an idea how that thing goes. Your cousin is already pregnant, how about you?" Humawak si Morgan sa ibabang labi, tapos ay yumuko tsaka sinapo ang puson bago wala sa sariling ngumiwi. "I don't want to get pregnant now, I shouldn't. I have plenty of works to do and lots of people to help, having a baby in this kind of situation and lifestyle will cause my weaknesss." "And so a boyfriend is." Sumeryoso yung ekspresyon ng mukha ng mama nya, katulad nya ay walang emosyon at seryoso lang itong nakatitig sa kanya hindi katulad noong nakangiti ito, ibang-iba ang aura ng mama nya kesa kanina. "Hindi kita pinagbabawalan na magkagusto o makipagrelasyon, Morgan. As I've said before, you're already an adult, you are capable of making decisions that could affect your life but I just want to warn you, not all people can accept the type of life that we are currently living." May diin at pagbabantang anya nito, "You know that too well, sa uri ng trabaho at buhay na meron ka, hindi mo sigurado kung ang taong nagugustuhan mo ay matatanggap ka ng buo. "You should also bear in mind that just like having a baby, having a lover also means that you're letting yourself to have a certain weakness." Morgan blinked while still having a stern face, "It's just about the virginity that I asked." Her mother chuckled. "I'm just reminding you, Morgan." Bumuntong hininga lang ang anak bago muling tumango tsaka tuluyang naglakad palayo. Samantalang ang ina nya ay naiiling syang sinundan ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin nito. (Noam's POV) PAGOD akong naupo sa upuan ko habang hawak-hawak yung attendance sheet ng advisory class ko. Kinusot ko muna yung mga mata ko bago isa-isang binasa yung pangalan ng mga estudyante kasama ng guardian nila tsaka bumuga ng hangin nang makitang may iilang parents pa rin talagang hindi nagpunta. "Out of 30 students, halos kinse lang ang umattend." Kinagat ko ang aking ibabang labi bago inilapag ang attendance sheet sa table at muling inayos yung mga cards sa gilid. Sabado na pero nasa eskwelahan pa rin ako at nagtatrabaho, bukod kasi sa meeting na dinaluhan ko kanina at mga papers na pilit kong tinatapos dahil sa nalalapit na deadline ay kuhanan din kasi ng report card ng mga estudyante ko ngayon kaya inaasahan ko ang presensya ng mga magulang nila pero halos kalahati lang ng bilang nila ang pumunta. Sumasakit tuloy yung ulo ko kakaisip kung paano ko i-a-address sa mga parents na absent yung tungkol sa kung anong ginagawa ng mga anak nila sa klase ko. Hindi dapat ako ganito kapagod kung sapat lang talaga yung tulog ko. One week. It's been a week since the last time that I saw that woman with the green hair and until now she's still bugging my mind. Kung dati ay hindi ako makatulog dala ng mga bangungot ng nakaraan ko eh ngayon naman ay hindi ako makatulog kakaisip sa mga pinagsasabi't ikinilos nya. Dagdag pa ron yung pagkawala nya na tila isang bula, nakakapagtaka lang. I sighed because of that thought. Nanlalata kong inihiga sa table yung ulo ko, "Sa dami ng pagkakataon na magkikita kami, yun pang kailangan nya kong iligtas... ulit." Nag-aalala ako, paano kung makilala at balikan sya ng mga lalaking nantrip sakin? Paniguradong sasaktan sya ng mga iyon! Hindi kakayanin ng konsensya ko kung sakaling yun nga ang mangyari. Medyo nahihiya rin ako dahil kalalake kong tao pero babae pa ang nagligtas sakin. Kung kaya ko lang talagang ipagtanggol yung sarili ko, ginawa ko na. Ang kaso lang ay hindi. Tatlong magkakasunod na katok ang nagpagitla sakin kaya dali-dali akong tumayo at pinagpag yung damit ko. "Good afternoon, ser!" Anya ng pamilyar na lalaking naka-suit sabay pasok. "A-ah g-good afternoon po, Mr. Trias." Bati ko pabalik sa papa ni Salazar ng may ngiti sa labi, inilahad ko yung student chair na nasa gilid ng table ko, "Maupo ho kayo." Masaya syang tumalima sa alok ko at naupo nga sa upuan kaya ganoon din ang ginawa ko. "Oh! Nasaan yung salamin mo?!" Taka nyang sinipat yung mga mata ko nang mapansin na wala nga akong suot na salamin, "Hindi ka ba nahihirapan dyan, diba malabo yung mata mo?" "Konti lang po, hindi naman ganon kalabo. Mamaya ko pa ho kasi makukuha yung salamin ko, Mr. Trias." "Eto naman, ang sabi ko Salazar dose nalang din ang itawag mo saken eh! Tapos yung anak ko, Salazar trese! HAHAHAHAHA!" Biro nya na hinampas-hampas pa ako kaya napapalunok ako habang pilit na nakisabay tumawa. Walang duda talaga, mag-ama sila ni Salazar. "Mas kumportable po akong tawagin kayong Mr. Trias." "Hay nako, sige sige at parang hindi na talaga kita mapipilit dyan." Ngiting-ngiti syang tumunghay sa table ko at sinilip yung mga papeles na nakapatong doon, "How's my son doing in your class?" "Ah, ayos naman ho, tulad pa rin po ng dati." Inabot ko sa kanya yung attendance sheet pati na rin ang ballpen na agad nyang sinulatan, "Maayos naman po yung performance ng anak nyo sa klase ko, ganon din po sa ibang subjects nya. Ang talagang pino-problema lang naming mga lecturers sa kanya ay yung kadaldalan nya sa kalagitnaan ng klase at yung pagiging involved nya sa iba't ibang uri ng gulo dito sa loob ng eskwelahan." "Aish, yung batang yun talaga. Manang-mana saken!" Sabay tawa nanaman kaya napakamot ako sa ulo ko. "Oo nga po eh, madalas po akong napapatawag sa guidance office dahil sa kanya at sa isa pa nyang kaklase." "Ah! Si Verdan ba?" Tumango-tango ako. "Opo. Si Linus nga po." "Nako walang kasawa-sawa sa isa't isa yung dalawang yon, ewan ko ba don sa mga yon. Konti nalang malapit ng magkapalit ng mukha yung mga yon eh!" Wasiwas nya ng kamay tsaka tinapos pagsusulat sa attendance sheet, inabot ko naman sa kanya ang card ng anak nya na nakasilid sa isang maliit na plastic envelope tsaka pinagmasdan yon. Saglit na ngumiwi yung labi nya habang ang isang kamay ay humihimas sa panga at baba. "Nako, tingnan mo nga itong performance ng batang to." "Medyo tagilid lang po yung anak nyo sa math, pero overall okay po ang performance nya sa iba pang subjects." Sansala ko, baka kasi magalit sya at pagalitan si Salazar. "Ay ano ka ba ser parang hindi mo ako kilala, wala namang problema sakin kung mababa o mataas yung mga grado nya, ang mahalaga ay pumapasa sya at masaya sya sa pag-aaral nya." Napangiti ako sa sinabi nyang yon. Mabait talaga yung papa ni Salazar, swerte nya dahil bibihira sa mga magulang ang ganito. Yun nga lang ay nakakalungkot, may iba kasi akong naging estudyante na pine-pressure ng magulang para lang makakuha ng mataas na grado. Mabuti nalang at hindi ganon si Mr. Trias, masaya ako para kay Salazar. Sana lahat ng magulang ay ganoon. Pumalatak sya tsaka itinuro sakin yung card ng anak nya, "Eto lang talaga, weakness nya yung math. Mana sa mama nya." Sabay halakhak. Tulad kanina ay nakisabay din ako ng tawa sa kanya. Hindi naman sa pinaplastik ko si Mr. Trias, hindi ko lang talaga masabayan yung pagiging masayahin nya. Parang lagi syang masaya dahil hindi sya nauubusan ng energy, ang sigla-sigla nya sa tuwing nagkikita kami kada quarter. "Oh sya, sya, may meeting pa ako maya-maya." Tumayo na sya tsaka nakangiting kinamayan ako, "Mauuna na ko, ser Noam!" "A-ah, hindi nyo po ba isasabay yung card ni Linus?" Madalas kasi kapag hindi nakakapunta ang mama ni Linus ay ibinibilin nya nalang sakin na ibigay kay Mr. Trias, pare-pareho kasi silang busy kaya minsan ay hindi talaga nakakapunta ang mama ni Linus. Ganon rin naman kapag hindi sya nakaka-attend, ang mama naman ni Linus ang kumukuha tsaka ito na ang mag-aabot kay Mr. Trias. "Ay naku, hindi noh! Nandito yung ate nya kasabay ko pero pinatambay ko muna saglit dyan sa labas kasi nagyoyosi—" Huminto sya sa pagsasalita tsaka lumingon sa pinto, "—Oh eto na pala eh." Lumingon ako sa pintuan para sana salubungin ng ngiti yung sinasabi nyang nakatatandang kapatid ni Linus pero agad akong natigilan nang makita kung sino yon. She's here. Umawang ng bahagya yung labi ko habang sya naman ay tulad pa rin nung una't pangalawa naming pagkikita, wala pa ring reaksyon na mababasa sa mukha pero yung mga mata nya ay tila naka-glue kung makatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko rin magawang alisin yung tingin ko mula sa kanya. Nagising lang yung diwa nang akbayan ako ni Mr. Trias, yun rin ang saktong paghinto nung babae sa harap ko. Nalalanghap ko pa yung amoy ng yosi na kumapit malamang sa damit nya. "Oh Morgan, heto nga pala si Sir Noam Rivera, sya yung adviser nina Linus at Salazar." Pakilala nya sakin sa babae. "Hmn." Tango naman nung Morgan. Teka, bakit ba ganon sya makatingin sakin? I mean, hindi naman masama yung tingin na ipinupukol nya sakin pero kasi parang laging may gustong sabihin eh. "Ser Noam, heto naman si Morgan Verdan, pang-lima sa kanilang magkakapatid." Morgan. Wow, bagay sa kanya kahit panlalake yung pangalan nya. Astig pakinggan. Nagulat naman ako noong iabot nya sakin yung kamay nya, napapalunok kong tinanggap yon para i-shake dahil napakaseryoso ng mukha nya. "It's nice to meet you, Noam." Hala, pinisil nya yung kamay ko! Nag-init tuloy yung magkabilang pisngi ko sa ginawa nyang yon. "N-nice to meet you too, Morgan." Kinagat ko yung ibabang labi ko nang mapansin kong tila wala syang balak na bitawan yung kamay ko. Ang higpit kasi ng hawak nya doon, ayoko namang hilahin dahil baka magmukha akong bastos o kung ano pa man sa paningin nilang dalawa. Mukhang napansin naman iyon ni Mr. Trias dahil bigla syang nameywang habang nginunguso yung kamay namin. "Ano na? Awat na oy!" "Nice to meet you." Ulit na saad ni Morgan, talagang inignora si Mr. Trias, "Noam." "A-ah, o-oo nga." "Aren't you glad to meet me?" Nanlaki yung mata ko. "Hala, h-hindi sa ganon—" "Then smile." Tila isang mahika yung utos nyang yon dahil otomatiko akong ngumiti pagkasabing-pagkasabi nya non. Hindi pilit, pero kumikibot-kibot yung sulok ng labi ko. "Hoy, Morgan! Baka gusto mo ng bitawan si ser?" Lumingon sya kay Mr. Trias, "He's glad to meet me, uncle." "Oo, narinig ko, iha!" "I'm glad to meet him too." "Oo nga! Nakadalawang ulit ka na, kulit!" Si Mr. Trias na mismo ang naghiwalay sa mga kamay namin. Lumunok ako habang pinakatitigan yung kamay kong hawak nya kanina, kakaiba kasi sa pakiramdam. "Ser! Aalis na talaga ako, totoo na toh!" Pukaw ng ama ni Salazar sakin. "O-okay po! I-ingat, Mr. Trias." Nagpalipat-lipat yung nanunuksong tingin nya saming dalawa ni Morgan bago ako inakbayan at binulungan. "Nako ser ah, mga galawan natin tahimik pero matinik ah." Pinandilatan ko sya, "A-ano po bang sinasabi nyo dyan?" "Okay lang yan ser, wala namang problema kung mahilig ka sa mga ate eh. Single naman yang si Morgan—" "H-hindi po ganon yun!" Ramdam ko yung lalong pag-iinit ng mukha ko dahil sa panunukso nya, "Nag-kamayan lang kami, w-walang malisya doon." Sumipol sya, "Basta, kung babastedin ka netong si Morgan eh wag kang mag-alangan na tawagan ako. Ire-reto kita agad sa anak kong kaedad lang nya." Sabay kindat. Hindi ko na nagawang sumagot dahil sobrang init na ng buong mukha ko, gusto ko pa naman syang kontrahin pero nauunahan na ko ng hiya. Ma-issue si Mr. Trias, wala akong masabi. Tinapik nya ko tsaka kumaway patalikod tsaka naglakad paalis, nang tuluyan ng makalabas ay bumuntong hininga ako bago nilingon si Morgan—na ikinaiktad ko. Paanong hindi? Sumalubong lang naman yung mukha nya sakin! Ilang sentimetro nalang ay magkakapalit na kami ng mukha! "A-ano..." Lumunok ako, "M-maupo ka muna." "Where?" Itinuro ko yung inupuan ni Mr. Trias kanina, "Doon." Sumunod naman sya at naupo nga doon, ako naman ay bumalik sa kinauupuan ko kanina tsaka kinuha yung patong-patong na report cards para hanapin yung kay Linus. "I didn't expect to see you here." Lumilibot yung paningin nya sa kabuuan ng silid aralan, "You don't look like a teacher." "S-sabi nga nila." Ngiti ko, "Hindi ko rin inasahang makikita kita ngayon, wala sa hinagap kong kapatid mo pala ang isa sa mga estudyante ko." Ayan nanaman yung pagtabingi ng ulo nya habang nakatitig sakin, hindi mo matukoy kung nagtataka ba o ano. "I called you earlier." "Oh, ikaw yung tumawag sakin kanina?" Tumango sya, "Kung ganon, b-bakit mo pinatay?" "I just want to hear your voice, that's all." Napanganga nanaman ako. Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa mga sinasabi nya, baka kasi ay binibiro nya lang ako o kung ano pa man pero mukha ring hindi sya marunong magbiro. Sa pagiging blanko palang ng mukha nya, halatang hindi sya palatawa. Tumikhim ako tsaka umiling, "Ano, eto pala yung report card ni Linus." Pag-iiba ko ng usapan, "Pakipirmahan na rin yung attendance." Iniabot ko sa kanya yon na agad naman nyang pinasadahan ng tingin, ilang segundo pa ay pinirmahan nya rin yung papel ng attendance. Bumalik naman ako sa pagsasalansan ng mga papel-papel na nakatambak sa mesa ko pero agad ring natigil ng maramdaman ko syang gumalaw kaya nilingon ko sya. Pinanood ko kung paano inumpisahang iurong yung arm chair na kinauupuan nya habang nakaupo pa rin, yung tipong ginagawa ng mga batang tamad tumayo para iurong ang upuan? Ganon, pinaaandar nya yung upuan habang nakaupo. Lumikha iyon ng putol-putol na nakakangilong ingay dala ng pagkakakaskas ng paa ng upuan sa tiles na sahig pero mukhang hindi naman nya alintana dahil patuloy lang sya sa ginagawa. "Pwede ka namang tumayo para bitbitin yung upuan?" Suhestyon ko. Tamad nya kong binalingan, "My butt is too lazy to stand up." Ngumuso ako, "Hindi naman pang-upo ang ginagamit para maglakad." "You're sarcastic on me." "Hindi ah." Pinagtaasan nya ko ng kilay tsaka ipinagpatuloy yon. Hindi ko tuloy alam kung maiinis o matatawa ako sa ginagawa nya, para syang bata. Hanggang sa marating nya yung pwesto sa tabi ko, huminto sya sa paghila nung upuan at tila siga na naupo katabi ko. Dumekwatro kasi sya na parang babae habang nakasandal ang likuran, humalukipkip pa sya. "What?" Seryoso nyang tanong nang makitang nakatitig ako sa kanya. "Ahm... Bakit mo inurong yung upuan?" "I want to sit beside you." Namula yung mukha ko, "B-bakit naman gusto mo kong tabihan?" Nagsalubong yung kilay nya, "Can't I sit beside you?" "Hindi naman, h-hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mo kong tabihan kung pwede namang maupo ka doon sa pwesto ko kanina." "I said I want to sit beside you. Needing and wanting are different subjects." "S-sige, kung anong gusto mo." Nahihiya akong umiwas ng tingin, "Uhm, hindi ka pa ba uuwi?" "Do you want me to leave?" "H-hindi ah!" Kinamot ko yung ulo ko, "Eh kasi nakuha mo na yung card ni Linus, nakapag-attendance ka na rin kaya pwede ka ng umuwi." "I see." Tango nya, "I'm staying because we need to talk." "Tungkol ba kay Linus?" "No. It's about your responsibility." "A-ano nanaman yang responsibilidad na sinasabi mo?" Nahihintakutan kong anya, napahawak pa ko sa dibdib ko dahil hindi ko kinakaya yung akusasyon nya. May pakiramdam ako na tungkol nanaman sa pagkabirhen nya yung tinutukoy nya. "You know what I'm talking about." "Hindi, hindi ko alam yung sinasabi mo." "It's about my virginity, you idiot." Hindi nga ako nagkamali. Umayos ako ng pagkakaupo at hinarap sya, diretso ko syang tinitigan sa mata. Pinilit ko ding magseryoso ng mukha pero nauuwi sa pagkakakunot yung noo ko. "Makinig ka sakin—" "My name is Morgan." "Miss—" "Morgan." Putol nya sakin. "Miss Morgan—" "Just Morgan." Umismid na ako, "Pakiusap naman, patapusin mo ako." Nasurpresa ako nang iangat nya yung parehong kamay nya at sinundot ng parehong hintuturo yung magkabilang pisngi ko. "You're so cute when you're annoyed, Noam." Umiwas ako ng tingin. Nag-iinit nanaman kasi yung mga pisngi ko, nakakainis. Tsaka hindi ko maunawaan, kakaiba din kasi yung dating ng pagkakabanggit nya nung pangalan ko. "You're blushing." "Morgan, makinig ka." Marahan kong hinawakan yung kamay nya at inalis sa pisngi ko, "Uhm, ganito kasi, magkaiba yung CPR sa... sa halik talaga." Panimula ko, "Yung CPR na ginawa mo sakin, ginawa mo yun p-para bigyan ako ng hangin, y-yung halik naman ay ginagawa yun ng dalawang taong m-may gustong gawin yon at hindi yon nakakabuntis o nakakakuha ng pagiging birhen dahil nangyayare lang yun kung... kung may nangyari sa p-pagitan natin.. k-kaya... imposibleng may responsibilidad ako sayo." "You mean, an intercourse?" "Y-yes." Ilang segundo nya akong pinakatitigan tsaka sya tumango. Naintindihan naman nya na yata yung gusto kong sabihin. "I see." Muling tumabingi yung ulo nya at inosenteng umangat ang mga kilay, "So when is our next kiss?" "A-anong next kiss?!" Gulantang kong anya, ramdam kong nanlaki yung mata't butas ng ilong ko sa tanong nyang yun, "B-bakit tayo magki-kiss?!" "Because I want to." "Hindi tayo pwedeng mag-kiss, Morgan." "Why?" "K-kasi ginagawa lang yon ng m-magkasintahan." "Oh." Umismid sya, "An intimate relationship between a male and female." Tumango ako, wala naman syang isinagot sa akin. Akala ko ay naintindihan na nya yung lahat ng sinasabi ko, kaya naman ay halos himatayin ako sa sunod nyang sinabi. "Can you be my boyfriend then?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD