Chapter 6

4967 Words
(Noam's POV) "SO, are you willing to be my boyfriend now?" Humugot ako ng malalim na hininga bago huminto sa pag-aayos ng gamit ko tsaka nanghihinang nilingon sya. "Morgan, pakiusap, sa ikasampung pagkakataon hindi pa rin ang sagot ko." "If you don't want to be my boyfriend then just give me a kiss." "Morgan naman..." "What? I'm single and based on looking at you I can say that you're single too." Para akong natusok ng kung ano nang marinig yon tsaka ilang na natawa. Kakaiba, ano bang itsura ko at nasabi nyang single ako? I mean, single nga ako pero ganon ba kahalatang wala akong nobya? Grabe. Kinamot ko yung batok ko. Wala na akong masabi sa totoo lang pero kabastusan naman kung hindi ko sya sasagutin. "Basta, kahit pa na single ka o single ako, hindi pa rin pwede." "I'm confused. You don't want to give me a kiss, nor be my boyfriend either." Tumabingi nanaman yung ulo nya, "And you have the guts to reject a Verdan, not just once, but ten times in a row." Tumitig ako sa kanya. Nakahalumbaba sya sa armchair na kanina pa nya kinauupuan, nakapako sa akin yung paningin nya na mula pa kanina ay hindi na nya inalis pa. Nakamasid yon sa lahat ng kilos ko, pinanonood nya maski ang pinakamaliit na galaw ko. Tinototoo nga nya yung sinabi nyang magse-stay sya dahil hanggang sa matapos ako sa paghihintay ng iba pang magulang na darating ay nanatili sya sa tabi ko. Mag-a-alas singko na pero nandito pa rin sya. Wala naman akong problema sa kanya dahil hindi naman nya ako ginugulo, tahimik lang syang nanonood pero sa tuwing naiisipan nyang magsalita ay isa lang ang lumalabas sa bibig nya—yun ay ang tanong kung pwede nya ba akong maging nobyo. Hindi ko magawang mainis dahil wala namang nakakainis sa pangungulit nya pero nagdudulot sakin yon ng pagtataka dahil unang-una ay hindi kami lubusang magkakilala, pangalawa ay ito pa lang ang pangatlong beses na nagkita kami at pangatlo ay nakakabahala yung mga ikinikilos nya. Para syang desidong makuha yung gusto nya, seryoso kasi lahat ng ekspresyon ng mukha nya ngunit mababakas mo doon ang kainosentehan at pagtataka. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip, ano bang meron sakin at panay ang pangungulit nya? Nakakapagtaka kasi talaga. Kaya naman ay muli akong bumuntong hininga. "Hindi tayo pwedeng maging magkasintahan, Morgan." "Why?" "Dahil hindi pa naman natin lubos na kilala ang isa't isa." Ngumiti ako, "Nagkakilala lang tayo dahil sa isang aksidente, na naulit pa sa pangalawang pagkakataon at ngayon ay nagkita tayo ulit ng hindi inaasahan. Tatlong beses pa lang na nagtagpo yung landas natin kaya nakakapagtaka na inaalok mo kong makipagrelasyon sayo. Isa pa ay para lamang sa dalawang taong may nararamdaman para sa isa't isa ang pakikipagrelasyon." "Can't I do that?" Kumurap-kurap sya bago ngumiwi, "All I ask is a kiss from you." "Hindi nga kita pwedeng halikan." "I know, that's why I'm asking you to be my boyfriend so that I could kiss you." Lumunok ako para maalis yung kung anong nakabara doon. Hindi ko talaga kinakaya yung mga pinagsasabi nya, diretso at walang pasintabi. Sinasabi nya kung ano yung gusto nya. "B-bakit ba gusto mo kong halikan?" Dahan-dahang bumaba yung mga mata nya patungo sa labi ko kaya napakagat ako doon, lalong nagdilim yung mukha nya bago umangat pabalik sa mga mata ko yung paningin nya. "I don't know either." "Paanong hindi mo alam? Imposible yon." "I know, but the impossible could always be possible." Tumayo rin sya gaya ko tsaka pinagpag yung damit, "When I kissed your lips to resuscitate you, I felt something that I never felt before. Your lips is soft and I want to feel it against mine, my curiousity was awaken by your kiss and I want to feel more of it." Napipilan ako, naintindihan ko yung sinabi nya pero hindi ko makuha yung punto nya. Nagsimula na ring mamula yung buong mukha ko, kung maka-demand kasi sya nung halik eh parang nanghihingi lang sya ng kendi. Nahalata naman nyang naguguluhan ako kaya naman ay nagkibit balikat sya bago namulsa. "Anyway, based on what I've understand, you're saying that before a male and a female could go into an intimate relationship, they should know each other first, am I right?' "O-oo." "Hmn... So it's more like a phase or a level," Humawak sya sa baba nya at nag-isip, "A task that we should complete in order to go into the next level." "Parang ganon." She nodded, "Then we should know each other first." Napapitlag ako nang hawakan nya yung parehong kamay ko at ini-angat kapantay ng dibdib namin. She intertwined both of our fingers as our palm touches each other. "Let's start with being friends." "A-ano, hindi mo naman ako kailangang hawakan." Sinubukan kong kunin yung kamay ko pero mahigpit yung hawak nya doon. Grabe, kababae nyang tao pero ang lakas nya. Hindi naman malaki yung katawan nya ah pero hindi ko rin mabawi yung kamay ko? "Say yes and I will release you." "Sapilitan?" "Yes." Kinagat ko yung labi ko, "Wala man lang akong pagpipilian." Bumaba nanaman yung tingin nya sa labi ko pero agad ring bumalik sa mga mata ko, bahagya pang umangat yung isang kilay nya na tila nanghahamon. "Remember the two favors? I saved you twice, that means I have two favors from you and now I'm using one of those." "Bina-blackmail mo ko?" "Kinda." Kibit balikat nya. "Let's be friends first, then lovers, so that we can kiss legally." Legally? Napanguso ako tsaka nag-isip. Ano bang mapapala ko kung papayag ako sa gusto nya? Hindi ko talaga maintindihan, gusto kong tumanggi dahil wala naman syang makukuha sa isang katulad ko pero may magagawa pa ba ako? Iniligtas nya yung buhay ko at ito lang ang hinihingi nyang kapalit, wala naman sigurong masama kung papayag ako? Isa pa ay mukhang desidido sya, ate naman sya ni Linus at mukhang wala naman syang masamang intensyon. Tama, what could possibly go wrong? Suko akong bumuntong hininga tsaka dahan-dahang tumango, naningkit lang yung mata nya bilang sagot. "So... you're in?" "Oo." Nagpakawala ako ng maliit na ngiti, "Mukha namang hindi mo ko pinagti-tripan." Sumama yung timpla ng mukha nya. "Do I look like I'm tripping you?" "Hindi, pero syempre kakakilala lang natin, kahit na nakatatandang kapatid ka ng estudyante ko, gusto ko pa ring makasiguro na hindi mo ko pinaglololoko." "Hindi kita lolokohin." Anya sa tagalog na may accent kaya natawa ako. Pilit na pilit kasi, halatang hindi sya sanay. "Stop laughing, I'm serious." Huminto ako. "Basta, tulad ng sabi mo magkaibigan lang tayo, okay? Ginagawa ko to dahil sa pagligtas mo sakin, hindi tayo magkasintahan kaya bawal ang halik, maliwanag?" "No kiss till no relationship?" Natigilan ako tsaka napanganga. Wow, talaga bang iniisip nyang aabot kami sa ganong punto? Imposible yon. Lalo na't hindi naman ako tulad ng ibang kalalakihan dyan. "Ganon na nga siguro." Wala sa sariling sagot ko. Nakangiwi syang tumango tsaka ako marahang binitiwan. Halata naman sa mukha nyang hindi sya sang-ayon pero wala syang magagawa dahil yun na ang pasya ko. Kaya naman ay bumalik ako sa pag-aayos nung gamit ko at isinukbit ko na yung knapsack ko tsaka iminiuwestra yung pinto. "Tara, ila-lock ko na yung room." Nauna syang lumabas kaysa sakin, habang ako naman ay inayos muna yung mga upuan at pinatay yung ilaw, aircon at electric fan bago tuluyang sinara ang pinto at kinandado. Humarap ako sa kanya. Nakapamulsa syang tumabi sakin tsaka kami nagsimulang maglakad. "Pakisabi kay Linus na pagbutihin pa ang pag-aaral sa subject ko. Hindi naman sya bagsak pero malapit ng bumagsak sa pasang-awa yung grade nya, ayokong maging 75 yung grade nya sa susunod na quarter." "Noted. I'll tell him right away." "Tsaka wag mo rin hayaan na marumihan yung card ni Linus ah? Bawal mamantsahan yan." "Copy." Hinawi ko yung bangs kong medyo tumatabing sa mata ko. "Ano, ihahatid na kita sa sakayan." "I have my own vehicle." "Ah, kung ganon maghihiwalay na pala tayo ng daan pauwi." "I'll take you home." Namilog yung mata ko, "Huh? H-hindi na, may pupuntahan pa ako." "Where?" Lumunok ako tsaka nawiwirduhan syang tinitigan pero yun pa rin yung seryoso nyang tingin. Eh bakit ba kasi kailangan pa nya yun itanong? Wag mo sabihing sasama sya. Akala ko ba friends lang? "Kukunin ko lang yung salamin na pinagawa ko sa mall." Tipid akong ngumiti tsaka itinuro yung mata ko, "Nawala kasi nung nahulog tayo sa tulay." "I'll go with you then." "H-hindi mo naman na ako kailangang samahan, kaya ko na mag-isa—" "What if someone tries to trip you again?" Natigilan ako at otomatikong dinamba ng kaba, hindi naman nagbago yung ekspresyon ng mukha nya, "I'll accompany you." "Pero kasi—" "Friends should stick with each other, right?" "Oo nga ang kaso lang ay—" "I don't take no as an answer." Bahagya akong yumuko. "O-okay." Pagpayag ko. Bigla nalang kasi akong kinabahan na baka totoo yung sinasabi nya, hindi naman sa pag-a-assume pero minsan kasi ay may mga nae-encounter akong mga nanti-trip pero ang pinakamalala ay yung nangyari sa bar at ayoko na talagang maulit yon. Magmukha man akong duwag o kung ano, pero totoong natatakot ako at lolokohin ko lang yung sarili ko kung pipilitin ko pa syang paalisin. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Inaasahan kong kotse yung vehicle na tinutukoy nya pero napahinto ako nang lumapit sya sa isang malaking motor. Hindi ako nagbibiro, malaki yon at mukhang mabigat kung tutumba. Nang mapansin nyang hindi ako sumunod ay lumingon sya sakin nang may pagtataka. "What?" "S-sayo yan?" "Hmn." Tango nya tsaka inabot yung helmet mula sa pakakasabit sa handle. "My dally-dolly motorbike." "Dal—ano?" "Silly, it's her name." Sabay himas sa upuan non. Kinamot ko yung ulo ko. Ang weird, may pangalan yung bike nya? Sa sobrang seryoso nyang yan, pinapangalanan nya yung motor nya? Pati pangalan ang weird. Sumenyas sya sakin. "Come here." Tulad ng sabi nya ay lumapit ako sa kanya, nagulat ako nang hawiin nya yung buhok ko mula sa pagkakatabing sa mata ko bago marahang isinuot sa ulo ko yung helmet na hawak nya. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kanya, hindi ko inasahang gagawin nya yon. "There." Hawak nya sa magkabilang balikat ko at tinapik pa yon, "For safety purposes." "I-ikaw din?" Umiling sya, "No. I only have one helmet, the other one is on my house." "K-kung ganon ikaw nalang ang magsuot nito." Akmang huhubarin ko yon nang kuhanin nya yung kamay ko at iginiya ako palapit sa motor nya. Hindi sya nagsalita, basta nalang syang sumakay sa motor nya at hindi alintana yung taas non dahil nagawa nya yon ng walang kahirap-hirap. Ini-start na nya yung makina non at malakas na pinaugong kaya napanganga ako, grabe yung usok na ibinubuga ng tambutso non. Ganon yung klase ng motor na maingay sa kalsada kapag mabilis ang takbo tsaka yung nagbubuga ng sobrang daming usok, yung karaniwang gamit ng mga karerista ng motor. Lumingon sya sakin tsaka inilahad yung kamay nya, inaalok na tanggapin ko. Tila may sariling isip yung kamay kong tinanggap yon tsaka nya ako inalalayang maka-akyat sa motor nya. Nawiwirduhan ako sa lahat ng nangyayari, nawiwirduhan din ako sa kanya pero mas nawiwirduhan ako sa sarili ko dahil hinahayaan ko lang syang gawin ang gusto nya ng hindi ako kumokontra. "H-hindi ba tayo delikado dito?" "No." "Sigurado ka—" Napasigaw ako nang umuga yon at basta nalang ako napakapit sa balikat nya habang lumilinga. "Hala! A-ano yon?! B-bakit umuga?!" "You might wanna hold my waist." Nag-init yung mga pisngi ko sa isiping yon. "H-huh?! A-ah hindi na, d-dito nalang ako hahawak sa bakal sa liko—AHHH!" (Third Person's POV) TATLONG sunod-sunod na katok mula sa pinto ang nagpahinto kay Linus mula sa pagwawalis ng sahig sa sala nila. Bitbit ang walis ay tumungo sya doon at pinagbuksan yung kung sino mang kumakatok na yon kung saan bumungad sa kanya ang mukha ng nakatatanda nilang pinsan. "Oh, kuya Vince!" Ngumiti sya at niyakap ito, "Pasalubong?! Hehehe!" Hindi ito ngumiti pero malumanay na ginulo yung buhok ni Linus tulad ng lagi nitong ginagawa, "Here kid." Inabot nya ang isang box ng doughnuts kay Linus na nagtatalon sa tuwa. Pinapasok sya nito habang binubuksan ang box. "Napadalaw ka rito, kuya?" "I'm here for your sister." Inilibot nya ang paningin, hinahanap ang pinsan na babae, "Where's Morgan?" "Nasa school ko, kuya. Sya yung kumuha ng card ko eh." Kumunot ang noo nito. "At this late hour? It's already five pm." "Ewan ko kay ate, baka may pinuntahan pa syang iba." Nanahimik si Vince. Seryoso ang mukhang nakatitig sa kung saan at maya-maya pa'y nagsimula ng magtagis ang mga ngipin. Napansin naman yon ni Linus pero ipinagkibit balikat nalang nya, mukha kasing may napakalalim itong iniisip. Sakto namang lumabas mula sa kusina ang ama nina Linus na may bitbit na mangkok ng popcorn at isang baso ng gatas. Natigilan ito nang makita si Vince. "Uy, Vincent Reese!" Takang tawag nya sa pamangkin tsaka ito nilapitan, "Bakit nandito ka, hah?! Maling bahay yung inuwian mo, bahay namin ni mon-mon to!" "Uncle, we need to talk." "Hala, tungkol naman saan? Mabilis lang ba yan? Magmo-movie marathon kasi kami ni bunsong baby boy." Ngusong tukoy nya kay Linus na lumalantak na ng doughnuts sa isang gilid habang nakaipit sa kili-kili yung walis. Lumapit si Vince at bumulong sa tyuhin. Ilang segundo pa ay naging seryoso ito nang marinig ang binulong ng pamangkin tsaka tumango-tango. "I see." Ibinaba nya sa sala table ang mangkok at baso tsaka sumenyas sa pamangkin, "Tara, nasa veranda si Monica." Magkasunod itong naglakad paakyat ng ikalawang palapag habang si Linus ay inosenteng sinundan ng tingin yung dalawa bago kibit balikat na ipinagpatuloy ang pagkain. *** HINDI maalis-alis yung tingin ni Morgan kay Noam habang naglalakad sila sa loob ng mall. Tahimik lang kasi ito habang diretso ang tingin sa nilalakaran, nakakapagtaka rin yung pamumutla at panlalamig ng balat nito. Pilit ring nakatikom ang labi na parang ayaw yon ibuka. Several people are looking at their direction—specifically on Noam, hindi nya mawari kung nabibighani ba ang mga ito sa lalaki o nawiwirduhan dahil sa ekspresyon nito. And she had enough, she's bothered, okay? Kaya naman huminto na sya tsaka hinawakan sa pulsuhan ang lalake para hilahin at mapaharap sa kanya. Nanlalaki naman ang mata nitong sinalubong yung tingin nya. "B-bakit?" Bumaba yung tingin nya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. "B-bakit mo ko hinila?" "You're pale." Humaplos yung kamay nya sa pisngi ni Noam hanggang sa dumulas iyon patungo sa baba ng lalake at bahagyang iangat yon. "Are you okay?" Lumunok-lunok sya hindi dahil sa tanong na iyon ni Morgan, kundi dahil sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. Ang lakas kasi maka-telenovela ng pwesto nila. Mabagal syang tumango tsaka nagpilit ng ngiti. "Oo, a-ayos lang ako." "You sure?" "Hmn." Tango ulit nya tsaka malumanay na hinawakan yung kamay ni Morgan paalis sa pagkakahawak sa baba nya. "Medyo nahilo lang ako, a-ang bilis mo kasing magpatakbo ng motor." "Really? But that was my slowest speed." Napanganga sya. "S-slowest?!" "Yes. I usually drive like I own the road but I decided to slow down my speed for you today." Nahihintakutan syang pinandilatan ni Noam, hindi makapaniwala sa narinig, aba'y paanong hindi sya mahihintakutan eh halos liparin na yung kaluluwa nya habang naka-angkas kanina tapos sasabihin lang ng babae na yun na yung pinakamabagal nitong pagmamaneho? Eh kulang nalang magliyab yung kalsadang dinaanan nila kanina dahil hindi lang tambutso nung motor yung umuusok kundi pati yung gulong! Hindi sya OA, totoong byaheng langit kung magmaneho si Morgan. Dahil din doon ay napilitan syang yumakap sa bewang ng babae dahil kung hindi nya ginawa yon ay malamang liparin sya ng hangin sa bilis ng takbo ng motor nito kanina. Ilang segundo nyang pinakatitigan si Morgan bago bumuntong hininga tsaka nagyaya para muling maglakad. Lumilibot naman ang mata nung babae sa paligid nang may dumaan sa gilid nilang magsyota, nag-uusap ang dalawa at may konting tawanan. "You're so fun to talk to." Tawa nung lalake tsaka pinisil yung pisngi nung babae, "Kaya gustong-gusto kita kasama eh." Pinakatitigan nya ang mga ito hanggang sa makalagpas sa kanila bago nya nilingon si Noam. "Talk." Biglang anya ni Morgan na ikinataka ni Noam. "Huh?" Namulsa ito. "Let's talk while walking." Kumurap-kurap si Noam, nag-iisip kung ano ba ang kinakain ni Morgan sa bahay nila at ganito sya ka-weird mag-isip. "Uhm... Ano namang pag-uusapan natin?" "Anything." "Anything?" "Yes." Tumabingi ang ulo nito, "Think of something that we can talk about." Nagkamot sya ng ulo tsaka nagsimulang mag-isip ng pwedeng i-topic. Eto pa naman ang isa sa kahinaan nya—ang makipag-usap. Hindi nya kayang tumagal ng pakikipag-usap dahil hindi naman sya madaldal na tao, madalas din ay nako-conscious sya sa kausap dahil hindi nya alam kung ano ang iniisip nito tungkol sa kanya. In short, ilag syang makipagdaldalan. "Wala akong maisip." Pag-amin nya, "Ikaw ba? Ano bang gusto mong pag-usapan?" "Nothing." Umawang yung labi ni Noam. "Gusto mong mag-usap tayo pero wala kang gustong pag-usapan?" "I'm not fond of talking, yet I don't want to bore you." Sumundot nanaman sa kaliwang pisngi ni Noam yung hintuturo nya, "That's why I want us to talk about anything, just to have a conversation to distract each other. I want to entertain you for a moment so that you'll want me to be with you again." Huminto si Noam mula sa paglalakad at pinakatitigan lang si Morgan na nahinto rin tsaka tumingin sa kanya pabalik. Bakas ang pagtataka sa mukha habang wala namang mabasang emosyon sa mukha ni Morgan. "B-bakit..." Hirap syang lumunok at bumuga pa ng hangin bago nagsalita, "Bakit ba hindi mo nalang ginamit yung dalawang pabor para makuha yung gusto mo sakin?" Tukoy nya sa halik na ikinukulit nito. Pantay na umangat yung dalawang kilay ni Morgan, tila inaantok na tumabingi ang ulo na para bang iniintindi yung mga sinabi ni Noam kaya nagpatuloy ito. "Sabi mo may dalawang pabor kang dapat kong sundin, bakit hindi mo nalang ginamit yon para h-halikan kita? Bakit parang mas gusto mong sumama sakin? Hindi ko maintindihan, pwede namang yun ang hingin mong pabor pero mas pinili mo makipagkaibigan." Inilang hakbang ni Morgan yung distansya sa pagitan nilang dalawa at biglang umikot sa bewang ni Noam yung isang braso nya na syang ikinasinghap ng lalake. Halos magkasing tangkad lang sila kaya naman naitikom ni Noam ang mga labi sa biglaang paglapit ng katawan nila sa isa't isa. Pitik nalang kasi ang kulang ay magdidikit na yung mga labi nila. Muli nanamang nag-init yung mga pisngi nya, bukod kasi sa mga taong napapatingin sa kanila ay dagdag pa doon yung mga biglaang kilos ni Morgan na talaga namang hindi nya inaasahan. Tulad nalang ng braso nitong nakayakap sa bewang nya, payat sya pero hindi naman sobrang payat talaga ngunit kung hatakin lang sya ni Morgan ay para syang hangin. Isang hila lang, napapalapit agad sya. "You said no, and I'm fine with it." "Hindi kita maintindihan..." "A 'no' is a 'no', Noam." Putol ni Morgan sa kanya, "I respect your decision to refuse, since I'm asking for your consent. You said no, and that's totally fine because I'm asking for your permission but if I used those two favors just to get that kiss from you then it's not asking for consent anymore, it's already s****l harrassment." "P-pero pwede mong ipilit diba? I m-mean, babae ka at lalake ako, you could've just force me to do it since normal lang yon—" "There's no such thing as gender differences when it comes on giving consent. It's a matter between respect and privacy, accepting someone's refusal means respecting the latter person. When a woman says no, then it's a no, if a man says no, then it's a no too. What's the difference between a man and a woman refusing to do something that they do not want to do? Nothing. There's no differences actually." Sagot nya sa sariling tanong habang seryoso pa ring nakatitig kay Noam, "It's just that, our society is so f*cked up that even the simplest things that should be equal are being unequal because of their standards with the same height of their pride..." "Morgan." "...but I will gladly kiss you if that's what you really want." Biglang anya. Bumagal yung paghinga ni Noam habang nanatiling nakatitig kay Morgan. Wala syang mahagilap na salita dahil naghalo-halo bigla yung nararamdaman nya, maya-maya pa'y yumuko sya at pumikit. Napansin naman ni Morgan yung biglaang pagtamlay ni Noam kaya kumunot yung noo nya. Iniisip nya kung may nasabi ba syang masama. "Did I said something wrong?" Umiling si Noam pero hindi pa rin nag-angat ng tingin kaya sinubukan nyang silipin ito mula sa pagkakayuko, "I'm just joking. I'm following the 'no relationship, no kiss' policy." Hindi pa rin sumagot si Noam na ikinabahala nya. Akmang magsasalita sya nang bigla nalang umangkla sa leeg nya yung dalawang braso ni Noam at mahigpit syang niyakap, napakapit tuloy sya sa bewang neto para hindi sila matumba pareho. Ikinagulat nya yon, pero mas nagulat sya nang magsimulang umangat baba yung mga balikat nito kasabay ng mahinang paghikbi kaya yung gulat nya ay napalitan ng pagkataranta't pagtataka. "You're crying." "H-hindi naman." Pagtanggi ni Noam kahit bakas naman iyon sa basag na boses nya. Hinawakan sya ni Morgan sa balikat at marahang inilayo, doon nya napagmasdan yung namumula nitong ilong at pisngi habang tumutulo ang mga luha. Tila nagkikislapan yung mga mata neto ganon na rin yung mahahabang pilik matang nabasa na ng luha. Why the hell is he like that? He's still pretty even though he's crying, yet those tears is making her uneasy. "So stupid of me to make you cry." Sambit nya tsaka nakasimangot na pinunasan yung luha nito gamit ang daliri, "I sincerely apologize for making you cry." Umiling si Noam. "S-salamat, Morgan." "For what?" Salubong ang kilay na anya. Pinunasan muna ni Noam yung luha nya bago hinawakan yung parehong kamay ni Morgan at marahang pinisil. "Maraming salamat, Morgan." Suminghot sya, "Maraming salamat." Tsaka sya nagpakawala ng isang maaliwalas na ngiti na ikinatulala ni Morgan. (Morgan's POV) MY eyes are glued to him eversince we got into this shop. He's now talking to one of the staffs about his glasses, while I'm waiting outside the shop, thinking about his expression earlier that I think I can never forget. How can he do that? He's pretty in every way and every action that he does, he cries in a pretty way, he's annoyed in a cute way and smile in a very gorgeous way that I can't even take my eyes off from him after. What kind of f*ckin sorcery is that? I can't believe that he's really existing. Yet that's not my concern, I'm baffled because of his actions earlier, he really cried out of the blue with no specific reason. It's really confusing, I thought I said something offensive but she thanked me for something I don't know. What could it be? "Sige po, thank you." I stood up properly as he began walking towards my direction, he's holding a blue case for glasses. "Pasensya na kung pinaghintay kita." "No problem." I pointed the case, "Aren't you going to wear that?" "Nahihiya ako eh." I frowned. "Why?" His eyes wandered around before scratching his head. "Baka kasi hindi bagay sakin, mas malaki kasi sya kaysa sa luma kong salamin." He opened the case and showed me his new glases, true to his words the eyeglasses is bigger than his old one. I knew because I saw it when we first met, yet it's the same style. Rounded and black. "Put it on." Noam shook his head. "Wag na, bukas nalang, iche-check ko muna kung bagay sakin—t-teka!" His words we're cut when I took his glasses and carefully put it on his sparkling doe eyes. He didn't move an inch, yet I can see how embarrass he is based on his blushing cheeks and continuous clearing of throat. Cute. "There." I said, "It fits on you." "T-talaga?" "Hmn." I nodded. I held some strands of his pitch black bangs and put it behind his ear, it's kinda long that makes him unable to see clearly since it's kinda blocking his eyes. "Uhm, mukhang kailangan ko ng magpagupit." He chuckled, "Tumatabing na sa mata ko eh." "You should be. It'll be such a waste if no one could see how aesthetically sparkling your eyes are." My finger poke his reddish cheek again. So soft. He let out a smile again, it's even brighter than before because it's not just his lips that smiles, but also his eyes. It means he's genuinely smiling. "Mabulaklak ka magsalita ah." He fixed his glasses and chuckled again. "No, I'm just straightforward." "Halata ko nga, wala kang preno. Kung anong nasa isip mo, sinasambit mo." "Is that bad?" He shrugged as he put the case inside his bag. "Depende sa sitwasyon, may mga oras kasi na hindi dapat ipinagsasabi yung laman ng isip natin sa ibang tao. Magkakaiba kasi tayo ng opinyon, pwedeng yung positibong ideya sayo ay negatibo sa iba." I squinted my eyes. Hmn. That means he may take some of my compliments as an insult, is that it? Or not? I'm just describing him, I mean no harm. I was just letting out my thoughts, I hope he don't misunderstand or take it as a negative comment. "Anong iniisip mo?" Noam asked, lashes are fluttering as he blink. I was about to ask him when his crying face earlier suddenly popped up on my mind, my forehead creases in bafflement. "Why did you cry earlier?" His genuine smile faded and replaced with an awkward one. "Uhm, natuwa lang ako sa sinabi mo kanina kaya naluha ako." Just got teary? He cried like a lost kid yet he's saying that he just got teary out of joy? Nonsense. "It's fine if you can't tell me about it. I may have said some words that reminded you about something." His smile went back into the genuine one, "Salamat." He scratched his nape, "Ano, may pupuntahan ka pa ba?" "How about you?" "Grocery lang sana—oh, umiilaw yung phone mo." I looked at my pocket where my phone was and immediately took it to answer. "Yes?" "I'm at your house. I need to discuss something to you for a minute or two, go home quick." My cousin said and even though we're not facing each other I still nodded my head. "Give me ten minutes." "Okay." I ended the call and face him again whose now smiling while looking at me, his smile faded when our eyes met and face flushed, making him look so adorable on my eyes for no reason. "I will drop you off your home." "Ay, hindi na." He refuse. "Mauna ka na, bibili lang muna ako ng konting supplies." "Are you sure? I can stay if you want." "Hala wag na, nakakatuwa na sinamahan mo kong pumunta rito pero kailangan mo ng umuwi." I tilted my head. Hmn. I want to stay, but Vince will be pissed if I don't get home at ten minutes as I've said. So difficult to choose. "Will you be alright without me?" "H-hah?" He innocently scratched his nape again, "A-ano, oo naman. Ngayon lang naman ako nagpunta ng mall na may kasama." "Okay." My brows rose up as I pat his head, "I'll go first." "Sige, ingat ka." I didn't moved an inch that made his lips part in confusion, that's why I tapped my cheeks and signalled him to do something. "Uhm, m-may hinihintay ka ba?" "Kiss." Why does his face kept on blushing continuously everytime I say something? I'm just talking to him yet his expression always turn out to be embarrassed or surprised. Amazing. His hand covered half of his face while eyes widening, I can see how embarass he is base on his expression. "W-wala dapat kiss diba? A-akala ko ba f-friends?" "Isn't this what friends do as they bid goodbye to each other?" "At saan mo naman nakuha yan?" "My friends." I said as I reminisce some of my friend's action, especially Vero and Vassy who's always leaving a light kiss on our cheeks whenever we meet or left. "They are giving me a kiss whenever we part ways." "N-normal lang yon kasi mga babae kayo, talagang nagbebeso-beso kayo." I frowned. "Can't you give me one? I'm your friend." Noam stared at me for a couple of seconds, maybe thinking if he could just give me one or not. Then he heaved a sigh before kissing his own palm and place it on my cheek that made me stunned. The warmth of his palm soothes my cheek for a moment, too bad it didn't last for a minute because he pulled it away immediately. "I-ingat ka, bye!" He exclaimed before bowing his head and immediately began to run away. I can't help but to stare at his back as he runs away, looking so cute and small on that oversized long sleeve shirt, he looks like a bouncing child running with that big backpack of him. I sighed before touching my cheek. "Well, that will do."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD