Nang malock ang pinto ay lumingon sya samin habang humihithit buga nung usok mula sa sa sigarilyong nakaipit sa mga labi nya.
"Maling CR yung pinasok mo, nasa kabila yung women's bathroom."
Pinukol nya ng malamig na tingin tong kaharap ko, tapos ay mabagal na nalipat sakin yung paningin nya. Tumabingi yung ulo nya habang pinagmamasdan ako tsaka nagpakawala ng isang ngisi.
Ewan ko kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaiba sa ngisi nyang yon.
"Teka bro, yan yata yung babaeng bumali dun sa kamay nung lalake kanina." Naulinigan kong bulong ng isa.
"Tsk. Hindi tayo sigurado dyan." Lumapit sya sa babae habang itinataas yung manggas ng shirt nya, "Bingi ka ba? Hah? Yung CR ng babae nasa kabila."
Wala syang isinagot, nanatili syang nakatitig sakin na parang inoobserbahan yung kabuuan ko, hanggang sa dahan-dahang bumaba yung tingin nya sa magkabilang braso kong hawak pa rin nung dalawang lalake.
"Did they hurt you?"
"Hoy! Nakikinig ka ba?!"
"Did they hurt you?" Ulit nya, dahilan para magising ako mula sa pagkatulala.
Mabilis akong umiling na ikinatango naman nya, tinaktak nya yung sigarilyong inipit nya sa pagitan ng mga daliri bago ibinalik sa bibig.
"Ang lakas naman ng loob mong hindi ako pansinin!"
"Don't ask for my attention," Anya tsaka binugahan ng usok yung lalake dahilan para mapaubo-ubo ito, "You'll regret it."
"Eh siraulo ka pala eh! Sinong tinakot m—"
Napasinghap ako sa gulat sa sunod nyang ginawa. Hindi pa man kasi tuluyang nakakalapit sa kanya yung lalake ay agad nya itong inundayan ng suntok sa mukha, lahat naman kami ay nabigla lalo na noong sikmura naman ang sunod nyang sinuntok bago muling pinatamaan sa panga at tsaka ito pinatid nang tangkain syang gantihan ng suntok.
Ilang segundo lang nangyare yon pero tumumba agad yung lalake sa sahig.
Pakiramdam ko nasa isang pelikula ako, hindi ako makapaniwala sa napanood ko.
Imposible talaga.
"I told you." Anya tsaka bumuntong hininga.
Isang huling paghithit ang ginawa nya sa yosing hawak nya bago lumapit don sa lalaking walang malay, yumuko sya at ipinasok sa bibig neto yung kalahati pa ng yosing natitira na ikinaiwas ko ng tingin at sunod-sunod na napalunok.
Nakakatakot.
Ramdam kong nagitla din yung dalawang lalake sa ginawa nya pero agad ding nakabawi sa pagkagulat at pabalyang binitiwan ako dahilan para mapasandal ako sa pader. Niyakap ko yung sarili ko habang pinanood kung paano sila sabay na sumugod doon sa babaeng may berdeng buhok.
"Loko ka ah!" Sigaw nung isa na sumenyas pa sa kasamahan, "Ambahan mo sa kaliwa para walang takas!"
"Oo!"
Tulad kanina ay hindi man lang kinakikitaan ng takot o kahit na anong ekspresyon yung mukha nya, o kung marunong ba sya non.
Mabilis syang kumilos, ni walang kahirap-hirap nyang iniwasan yung atake nung nasa kanan at doon sya sumuntok sa nasa kaliwa kaya napaatras ito, tsaka nya binanatan yung nasa kanan. Kung gumalaw sya ay para bang siguradong-sigurado sya sa kilos nya, na hindi sya magmimintis. Nakakamangha pero nakakapag-alala.
"M-mag-iingat ka!" Tarantang sigaw ko nang makita kong aatakihin sya mula sa likod noong isa habang busy syang sapakin yung lakakeng kinwelyuhan nya.
Akala ko tatamaan sya, pero ganon nalang ang pagkamangha ko nang iwasan nya yung tangkang pag-suntok nito sa kanya at tsaka hinawakan sa batok ang lalake para iuntog sa salamin na agad namang nabasag. Hindi na rin nakagalaw yung natitirang lalake lalo na't inunahan na sya nung babaeng may berdeng buhok, tatakbo pa sana ito pero nasipa sya nito sa sikmura tsaka hinawakan sa ulo at doon tinuhod.
Ako ang napapangiwi sa sakit para sa kanila, mukhang napakasakit kasi non. Tatlo sila pero napatumba sila ng iisang tao lang.
Sa sobrang pagkakatitig tatlong kalalakihang humarang sakin na ngayo'y bagsak sa sahig ay ni hindi ko man lang namalayan na papalapit na sya sakin. Napaatras pa ako sa gulat pero agad nya kong hinawakan sa pulsuhan at marahang hinila bago nagsimulang maglakad palabas.
"S-saan mo ko dadalhin?" Mahina kong tanong, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Basta nalang nya kong hinila hanggang sa makalabas kami nung bar kung saan kokonti nalang ang taong nakatambay. Hindi nya alintana yung mga taong nakatingin samin, nagtataka at nagugulat sa di malamang dahilan.
Para akong nakahinga ng maluwag nang malanghap yung sariwang hangin mula sa labas, nawala yung kaba ko pero hindi pa rin matigil sa panginginig yung kamay ko. Medyo malayo-layo kami sa mismong exit kaya kakaunti lang ang tao sa paligid.
Hindi ko matukoy kung dala nalang ba ng malamig na hangin yung panginginig ko o dala pa rin ng takot—takot na baka maranasan ko ulit yung mapait na sinapit ko noon mula ng bata pa ako.
"You said they didn't hurt you."
Nag-angat ako ng ulo kung saan nagkasalubong yung tingin naming dalawa.
Halos magsuntukan na yung mga kilay nya sa sobrang pagkakakasalubong, hindi mawari kung ano yung ekspresyon na ipinapakita nya. Inis ba o nagtataka? Parang wala sa dalawa.
"H-hindi nga."
"Then why are you trembling?"
...because I'm scared...
Huminga lang ako ng malalim, ilang beses kong ginawa yon bago ako tuluyang kumalma pero nahigit ko yung hininga ko nang dumampi yung palad nya sa pisngi ko.
Her thumb brushed my cheek, as if wiping something off from it.
"You cried."
Kumurap-kurap ako tsaka bahagyang lumayo sa kanya at pinunasan yung pisngi't mata ko, "H-hindi. Hindi ako umiyak."
"They frightened you so much."
"H-hindi naman."
"But I saw your tears a while ago, they're flowing down to your cheeks."
"Tubig lang siguro, g-galing sa gripo n-naghilamos kasi ako kanina b-bago nila ako... uhm... p-pinagtripan..."
Binigyan nya ko ng naghihinalang tingin pero pilit nalang akong ngumiti sa kanya tsaka umayos ng tayo. Kakaiba yung epekto ng hawak at tingin nya.
"A-ayos lang ako. Salamat nga pala, y-you saved me twice." Paglalayo ko sa usapan para hindi na sya magtanong pa.
"Hmn." Tango nya.
Maikli lang yung sagot nya at mukhang may inaabangan pa syang marinig mula sakin kaya awkward kong hinimas yung batok ko.
Marami akong tanong pero ayokong makiusyoso sa kanya. Nakakahiya.
"H-hinahanap nga pala kita mula ng magising ako—"
"Really?" Tila nababagot na sagot nya pero tumango pa rin ako, "Why?"
"S-syempre kasi gusto kitang pasalamatan. Nang dahil sakin ay naabala ka pa, ikaw rin yung nagdala sakin sa ospital kahapon tapos ngayon..." Di ko matuloy yung sinasabi ko, nahihiya kasi ako.
"I was looking for you too."
Nanlaki yung mata ko, "T-talaga?"
"Hmn."
"P-pero... b-bakit mo naman ako hinahanap?"
"For you to take responsibility."
"..."
"..."
"A-ano?"
"For you to take responsibility."
"I-inulit mo lang," Lumunok ako tsaka umiling-iling, "Hindi ko maintindihan, w-what do you mean responsibility? Ako? May responsibilidad ako sayo?"
"Yes."
"Isa ba tong biro?"
"No."
Seryoso syang tumitig sakin. Ayon nanaman yung pamilyar na pakiramdam sa tuwing tumititig sya sakin, parang tumatagos yon sa balat. Nakatitig lang naman sya pero parang ang dami na nyang pinapahiwatig.
Mukhang hindi nga sya nagbibiro.
"You devirginized me." Walang kagatol-gatol na sambit nya, "You should take responsibility."
Otomatikong namula yung mukha ko kasabay ng pamimilog ng mga mata ko sa pagkasurpresa. Walang karea-reaksyon nyang sinabi yon, ni wala syang pakielam sa mga taong nakarinig at ngayo'y napapalingon samin dahil kaswal nya lang na binanggit yon.
"A-ano bang sinasabi mo?" Nalilito kong anya, hinawakan ko yung magkabilang pisngi ko tsaka kinagat yung ibabang labi ko dahil hindi ko na alam kung paano pipigilin yung hiyang nararamdaman ko, "W-wala namang nangyare satin. Nahulog lang tayo sa t-tulay—"
"Goddamn it." Mura nya bigla at nagdilim pa yung mukha habang mariing nakatitig sakin, "You stunningly beautiful creature, stop biting that delicious lips of yours or I'll bite it on your stead."
B-bite? K-kakagatin nya yung labi ko? B-bakit? T-tsaka ano ulit yung tinawag nya sakin?
Umawang yung labi ko dahil sa pagkagulat, hindi ko kinakaya yung mga sinasabi nya. Hindi naman kami lubusan na magkakilala para kausapin nya ko ng ganito.
Suminghap ako noong iabot nya sa palad ko yung cellphone nya, taka ko yung pinagmasdan habang ganon pa rin yung itsura nya.
"Enter your digits."
Napanganga nanaman ako, "Are you asking for my number?"
"Yes."
Bumalik yung tingin ko sa phone nya, wala na nga siguro talaga ako sa wisyo dahil sa mga nangyare sakin kahapon at kanina. Tinipa ko nalang yung numero ko at sinave sa contacts nya bago inabot yung phone pabalik sa kanya para hindi na humaba ang usapan.
"You owe me your life." Sambit nya tsaka ipinangsenyas ang phone, "I have two favors that you need to do, got that?"
Favors? Sinasabi ba nyang may kapalit yung pagliligtas nya sa buhay ko?
Akmang magsasalita palang ako ng may tumawag sa pangalan ko, napalingon ako sa gawi ng exit—Naroon si Jethro kasunod sina Andrei at Enzo na pare-parehong nag-aalala habang nakatingin sakin, mga mukhang nahimasmasan mula sa pagkalasing dahil sa seryosong mga mukha.
Natigilan ako nang lingunin ko sya ulit, tsaka nagpalinga-linga sa paligid ng may pagtataka.
She... vanished.